1.Meet my disgusting Brother

Depuis le début
                                    

"No I'm not!!"inis na sabi nya.

"Eh sabi mo kasi babae-"

"Oo babae yung katext ko! Tignan mo pa! Don't think such stupid things!"inis na sabi nya.

tinignan ko naman ang phone nya at napatungo. Oo nga no, nakikipagtext lang pala sya. Ikaw kasi Chichi eh! kung ano anong napasok sa isip mo!

Kristine yung pangalan ng girl, nagulat ako ng biglang tumunog ang phone nya, nagreply yung babae.

okay,ingat kayo dyan! I love you.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ito.
what!? I love you?!

"uy akin na wag mo basahi-"

"May girlfriend kana!?!?"gulat kong tanong.

napakunot ang noo nya at hinablot ang phone nya.

"obvious ba?"

"bakit di ko alam?"

"malay ko?"

"bat di mo sinabi!?"

"uhh.. dahil di mo tinanong? and do I really need to tell you kung kalat na kalat na sa school?"

Oo nga pala pareho kami ng school,isa din sa campus hearthrob yang kapatid ko kaya syempre kakalat agad ang balita sa kanya. Pero bat parang nasalisihan ako ng balita?

"Duh.. hindi ko dapat malaman sa iba no! You supposed to tell me!"

"ahh.. okay, edi next time.Dapat sinabi mo agad"sabi nya at nagtext ulit.

Para syang walang pake. Hindi nya ba naisip na dapat ako muna ang makaalam bago yung mga tao sa school? Napaka unfair!Bakit sya may girlfriend!? Ako nga walang boyfriend tapos sya may girlfriend?!

"great!"sarcastic kong sabi at napatingin nalang sa bintana. Kainis to! hindi nya manlang sinabi sakin!

"Oy.. Wag ka ngang magtampo dyan, panget mo no, Oo na, sayo na ako unang magsasabi bago malaman ng mga chismosa sa school okay?" He tried to compromise me.

Tumingin ako sa kanya at umirap kaya napangiti sya. Oh diba? ang meaning ng irap samin ay okay na?

"Alam na ba to ni papa?"tanong ko.

"oo naman, suportado pa nga nya—aray!!"

Binatukan ko sya. Kainis to!! si Daddy nga nasa ibang bansa, alam ang tungkol dun, pero ako na kasama nya sa bahay, hindi!?

"araw araw tayong nagkikita sa bahay hindi mo manlang sinabi!!"

"wag ka ngang mambatok!! hindi ka pa kasi nagkakaboyfriend kaya ang big deal sayo—aray!!"

Yan ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya kapag nag aasaran kami, palagi nyang ipinapamukha na wala akong boyfriend!

"sige magsalita ka pa, babatukan ulit kita!!"

"stop it Chi!tsk!" wala sa mood nyang sabi.

Ayan na... sungit mode ulit sya. ibig sabihin 'kuya mode' narin sya. Ewan ko ba sa aming magkapatid, we're quite close in different ways, minsan mabait kami sa isa't isa, pero most of the time, asaran at bangayan ang hobby namin sa isa't isa.

✔Book ApartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant