1.Meet my disgusting Brother

Start from the beginning
                                    

"wala kang pake"

"magpalit ka!papagalitan ako ni papa!"

"Ayoko nga! bakit ka naman papagalitan ni papa!?"

"bilin nya na siguraduhin kong balot na balot ka, duh.." para syang bakla kung makairap.

"ayoko, sobrang init kaya!! Hello? it's summer!?"sabi ko at nilagpasan sya,

Sobra na talaga ang pagiging bossy nya, sana sya nalang ang unang inere ng nanay namin.

Hindi pa nakakalayo ay biglang may nagbato sakin ng jacket. Napakagat ako ng labi sa inis. Sino pa ba ang gagawa nun kundi ang feeling panganay kong kapatid!

"Argh!Iñigo-"

"Stop it Chichi, ako daw ang masusunod"sabi nya ng may pangaasar at lumabas na sa bahay.

Napa roll eyes nalang ako at sinuot ang jacket na black na binato nya. Inis talaga ako pag ganun sya, Sabi kasi ni papa na may karapatan syang pasunurin ako, mas tinuturing pa talaga akong bata kesa sa kanya. Nakakainis!

Nang nasa kotse kami ay sobrang boring, pano ang tahimik ng driver namin at ito namang katabi ko ay nakatingin sa cellphone nya habang nakangiti.

Nako kung hindi lang kailangan ni papa umalis papuntang New Zealand para magdoctor, siguradong papagalitan sya dahil sa mga kabalastugang ginagawa nya.

"Hoy anong nakakatawa sa screen ng cellphone mo at kanina ka pa nagpipigil na tawa dyan?"mataray kong sabi.

Ganito talaga kami, nagtatarayan ng kapatid ko, well pareho naman kasi kaming mataray pero minsan magkasundo rin kami. MINSAN nga lang.

"mind your own business,CHICHIsmosa"sabi nya sabay irap.

"Hindi ako naasar, bleh"

He just rolled his eyes at ngumiti ulit sa phone nya. Lalo tuloy akong na-curious kung anong meron dun.

"ano ba kasing meron dyan?! Babae no?"panghihinala ko.

"so?"taas kilay nyang sabi.

Napalaki ang mata ko.

"Oh mon dieu, ganyan ka pala?!"takip-bibig kong sabi. Kumunot naman ang noo nya.

"huh? what are you saying?crazy?"sabi nya at tumingin ulit sa phone sabay ngumiti ulit.

Lalo pang nanlaki ang mata ko, Oh mon dieu, akala ko masungit sya at walang interest sa babae pero yun pala-well boys are always boys.

"I can't believe this! who the hell influenced you!?"medyo malakas kong sabi kaya medyo napatingin samin yung driver.

"Influenced? autistic ka ba? Wag kang manggulo okay?"

"aba at ayaw mo talaga magpaistorbo ah! sino nagturo sayong manood ng porn!?"inis na sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Iñigo at agad akong binatukan ng malakas!

"aray!"

"what are you saying!?"inis na sabi nya at medyo napatingin sa driver.

Nakalimutan kong may kasama pala kaming driver.

"Eh bakit hindi ba-"

✔Book ApartWhere stories live. Discover now