5

19 1 0
                                    


Silver's POV
~*~

Nako! Bakit si Boss Tyrell ang hinamon niya? Nahihibang na ata tong si N kuno.

"Tara na." Sabi ni boss.

Tumango kami ni Raven at sabay tumayo. Dina kami nilingon ni boss at umuna na siyang maglakad papunta sa aming teritoryo sa loob ng battleground.

Lahat ng mga gangsters dito ay may sariling teritoryo sa loob ng battleground.

Pag nandito kami sa loob ng bg or battleground bawal kaming mag rambol. Kumbaga, kaibigan muna kami. Pero pag nasa labas na kami ay pwede na kaming magpatayan.

Yan kasi ang patakaran dito sa loob ng bg or battleground. Di kami pwedeng lumabag sa rules and regulations dito.


Tyrell's POV
~*~

King ina! Sino siya para hamunin niya ako nang ganon ganon nalang? Ini'easy niya ba ako? Pwes nagkakamali siyang ako ang hinamon niya.

"Boss bakit ka pumayag na siya ang makalaban mo?" Takang tanong ni Raven.

"Bakit naman hindi?" -ako

"Right hand lang siya boss at leader ka. Kayang kaya mo nga si Jax na leader nila, siya pa kaya na right hand lang?" Raven.

"Baka sawa na siya sa buhay niya. Hahahaha!" Sabat ni Silver. At nakita tawa nalang din si Raven.

"Or baka may pinaplanong di maganda?" Dagdag ni Silver.

"Yan din ang nasa isip ko bro." Sabi ko.

"Basta dapat alisto tayo mamaya. Baka tama ka Silver na may pinaplanong masama talaga ang pangkat nila." Dagdag ko.

"Areglado boss!!" Sabay na sabi ni Silver at Raven.

"Goodluck nalang kay N mamaya hahahaha!" Natatawang sabi ni Raven.

Kaya natawa nalang din kami ni Silver.

"Tawagin lahat ng mga bata natin." Utos ko. At tumango naman sila at labas ng kwarto para tawagin lahat ng mga bata nakin.

Siguraduhin mo lang Jax na wala kang gagawing masama sa loob ng battleground.

Raven's POV
~*~

Nang nandito na lahat sa kwarto ay nag umpisa na kaming mag plano. Tulad ng sinabi ni boss samin kanina kay Silver ay yun din ang sinabi niya sa mga bata namin.

9pm mag uumpisa ang laban ni boss Tyrell at ni N.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas muna ako sa kwarto at pumunta sa mini bar.

"Uy Raven! King ina! Naalala mopa ba ito?" Turo ng isang gangster sa maitim niyang mata.

"Hmm, oo bakit ko naman yan makakalimutan eh ako gumawa niyan" sarkastiko kong sabi.

"Hayop ka, pasalamat ka talaga at nandito tayo sa bg. Kung hindi pinaglalamayan kana namin." Maangas na sabi niya.

"Ikaw dapat ang magpasalamat pre. Dahil kung nasa labas tayo, baka madagdagan lang yang black eye mo. At isa pa, nasa battleground tayo, pwede mo naman akung hamunin kung gusto mo." Nakakalokong sabi ko.

"Ang hambog mong king ina ka! May araw kadin saking hambog ka!" Galit na sabi niya.

"Ok." Tanging tugon ko at lumakad nalang palayo sa mini bar. Di naman sa natatakot ako sa kanila. Sa katunayan nga ay kayang kaya kong durugin ang mga iyon. Sadyang nabobored lang talaga ako pag ang pangkat nila ang kausap ko.

Left hand lang ako pero malakas din ako bwahahahahaha!!

Tyrell's POV
~*~

Lumabas na kami sa kwarto dahil mag uumpisa na ang laban namin ni N.

Nasa loob na ng ring si N. Kaya minadali kona ang paglalakad patungong ring.

"Good evening sa lahat ng mga gangsters na nandito ngayon. Alisin muna natin ang sama ng loob natin dahil nasa battleground tayo hahahaha!!" Bati ni Jax. Siya ang emcee ngayon psh!

"Ngayong gabi ay mag lalaban si Tyrell na leader ng titan, at si N naman na right hand ng punisher." Sabi ni Jax.

"Ang pwede lang gamitin sa loob ng ring ng ay ang parte ng katawan mo at patalim, bawal ang baril, salamat. Pwede ring rumesbak ng dalawang tao kapag nag hihingalo na ang isang tao sa loob ng ring. Walang paligoy ligoy na ito, SIMUNAL NA ANG BAKBAKAN!!!!!" -Jax.

Ano? Pwedeng rumesbak ng dalawang tao? Tae! Bago yan huh? May pinaplano talaga tong bugok na ito. Dapat ay mag iingat ako, dapat diko ubusin ang lakas ko kay N.

*Ting!! Ting!! Ting!! Ting!!* (hudyat para mag simula na talaga ang laban).

ITUTULOY...

A/N: minsan nga lang ako mag UD . Maikli pa hahaha!! Pasensya naman hehehe. Bibitinin ko muna ngayon ang solid readers ko kung meron man hahahaha!!

Hope kahit papano nagustuhan niyo ang chapter na ito. Salamat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Gangster Hit's LoveWhere stories live. Discover now