3

33 2 0
                                    


- Tyrell -

--

Im here in our second hideout with Silver and Raven.

Naglalaro lang ng billiards ang dalawa habang ako ay nakasalampak lang sa sofa.

Nagtataka ba kayo kung bakit second hideout ang sinabi ko at hindi main hideout? Simple lang, may hideout din kasi kami dito sa school namin.

Pero quite lang kayo dahil hindi to alam ng mama at papa ko. Hindi naman sa may tinatago ako sa parents ko pero, baka pag sinabi ko baka ipagiba ng papa ko sayang naman.

"Hoy! Ang daya mo par." Sigaw ni Raven, pero mahina lang na sigaw.

Dahil sa ingay ni Rave ay napalingon ako.

"Eh kasi kanina pa tayo naglalaro at hanggang ngayon di pa tayo tapos. Nakakabagot na." Sabi naman ni Silver.

Hays! This two idiots.

"Ang ingay niyo. Kung nababagutan kana Silver sa larong yan edi ihinto niyo na." Cold kong sabi.

Di sa nakikialam ako sakanila, sadyang naiingayan lang talaga ako sa kanila.

"Boss hindi pwede, kailangan may manalo samin dahil kung sino yung matatalo ay siya ang manlilibre sa foods natin." Sabi ni Silver.

"Ano kaba par? Tama si boss, dapat mo na ihinto kung bagot kana. Parang sa love lang par, kung bagot kana sa relasyon niyo, dapat mo nang'ihinto." Sabi naman ni Raven.

Anak ng tukwa? Humuhugot pa tsk tsk.

'Paaaak!' ...

"Aray! Bakit mo naman ako binatukan?" Reklamo ni Raven. Binatukan kasi siya ni Silver.

"Pinapatamaan mo si boss eh kaya kita binatukan." Chill na sabi ni Silver.

"Ang ingay niyo talaga, sige labas muna ako. Ako na bahala sa foods natin mamaya mga idiots." Sabi ko at lumabas na sa hideout.

Natamaan talaga ako sa hugot ni Raven. Dahil nangyari na kasi yan sakin dati, nong kami pa ni Britney.

Nag break kami ni Britney dahil napagod na siya saking pagkalampa at pagkatanga dati.

...

Naglakad lakad nalang ako sa campus, di naman ako sinisita ng mga guards o teachers dahil samin kasi tong academy.

Ay tama! Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyu. Sige i will introduce my self. Tsk! Ang bidli syeeet!.

Ako nga pala si Tyrell Rodriguez, 16years of age. End.

Yun lang, dahil alam niyo na kasi kung ano ako. At isa pa, ganyan din naman talaga ako kung nagpapakilala.

...

Habang nag lalakad ako ay may narinig akong 'booogsh!' . Kaya sumilip ako kasi alam kong may sinuntok.

"Ano? Dimo pa ibibigay yang pera mo samin?" Maangas na tanong ng lalaki.

"W-wala p-po tal-laga akong pe-era mga b-boss." Nanghihinang sagot ng binugbug.

Sa tingin ko kanina pa siya binubugbog dahil nanghihina na ito at may dugo nang tumutulo sa ilong at labi niya.

Aakma na sanang sumuntok ulit si angas, pero di natuloy dahil lumabas ako sa tinataguan ko.

"Uyy Rodriguez! Kamusta?" Chill na tanong ni angas.

"Kilala ba kita?" Cold na tanong ko.

Lumapit ako sa lalaki na binugbug at itinayo ito. Ou heartless ako pero sa mga maangas lang, mabuting tao ako sa mga mababait.

humarap ako sa tatlong maaangas, iwan ko lang kung maaangas ba talaga sila.

Walang sabi sabi, sinuntok ko agad ang nasa kaliwa at sinipa ko sa bayag naman ang nasa kanan.

"Tumayo kayo diyan, yan nga lang ang natamo niyong pinsala parang mamamatay na kayo. Ang hihina." Cold kong sabi.

Nahirapang tumayo ang dalawa. Salamat sila at nakatayo pa sila.

Nang nakatayo na sila ay tumakbo na ang dalawa, pero ang isa ay nahihirapang tumakbo dahil nga sinipa ko siya sa bayag.

"Hoy! San kayo pupunta!?" Sigaw ng leader siguro nila.

Aakma na sana siyang tumakas pero nahawakan ko ang bag niya.

"B-boss R-rodriguez, w-wag p-po." Paawa ni angas.

"Hindi naman kita bubugbugin tol. Wag kang mag'alala." Cold kong sabi.

"S-salamat boss R-rodriguez."

Nilingon ko yung binugbog.

"Anung feeling mabugbug?" Tanong ko sa kanya.

"M-masakit p-po." Sabi ng binugbug.

"Kaya mo pa bang sumuntok ng malakas tol?" Tanong ko sa binugbug.

"Ka-kaya ko pang sum-muntok pero diko alam kong m-malakas ba." Sagot ng binugbug.

Pinaharap ko sa kanya ang lalaking maangas, at sinabing "suntukin mo siya ng pinakamalakas mong suntok, at pag di mo yun ginawa, bubugbugin kita. At ikaw naman angas boy, wag mong iwasan ang suntok niya, kung iiwasan mo bubugbugin din kita." Cold kog sabi.

Halatang nag dadalawang isip ang binugbug, pero wala siyang ibang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ko.

Bilib din ako dahil kahit mahina na siya, napatumba niya parin si angas boy sa isang suntok lang.

Nagtataka ba kayo kung bakit pinasuntok ko yung binugbug? Simple lang, para malaman ni angas boy na kung ano ang pakiramdam sa taong sinuntok ng walang kalaban-laban.

ITUTULOY...

When The Gangster Hit's LoveWhere stories live. Discover now