MTE17(The tension between Kieer & Sir Gyun)

624 18 5
                                    

(A/N : I dedicate this chapter to 'hashtaganime' - hii ^_^ thanks for supporting my storieeees :) Pati narin sa Votes and Comments. Mwah mwah!

Read her story 'I Love u Father' interesting yung story niya, swear :)

Faye's POV

At exact 4:30pm @DFU Gym.

Emergency meeting raw kasi para sa Drama Club, kaya andito kami lahat, agad-agad.

30 minutes na ang lumipas, hindi parin tapos nag-uusap sina Dianne, president namin sa club na 'to, at si Sir Gyun. Importante nga siguro 'to.

Mga sandali ay, nabaling naman atensyon ko sa katabi ko. Grabe, tulala at wala parin siya sa katinuan.

Ano kaya iniisip niya? Kanina pa kasi siyang ganyan, wala naman akong maisip kung anong dahilan.

*pout*

"Yanah..." Mahinang tawag ko sabay kalabit sa balikat niya.

"O-oh? Ano yun Faye?" Buti nga at natauhan na siya.

"Ano kasi," panimula ko.

"...hindi kasi ako sanay na ganyan ka."

Hindi naman talaga eh, kwela kasi si Yanah palagi.

"S-sorry Faye, sadyang may inisip talaga ako. 'Nga pala, uuwi ka ba agad pagkatapos ng meeting na 'to?" Tanong niya. Nag-iisip muna ako bago sumagot.

"Siguro, nagtext kasi si mommy kanina, na maaga raw dapat ako uuwi mamaya." Pagpapaliwanag ko. 'Kita sa mukha niya ang pagka'disappointed.

"Sorry Faye, hindi kasi kita mahahatid ngayon eh. Alam mo naman db ngayon magsisimula yung detentions ko." Pagpapa'alala niya.

"Ayos lang yun, hindi nga rin kita masasamahan dito. Di bale, babawi ako bukas sasamahan talaga kita. Kung pwede nga lang tulungan kita eh,"

"Salamat ah. Kung pwede nga lang, pero wag na mapapahamak ka pa eh, madadamay ka pa dahil sakin..." huminto muna siya at nagsalita muli,

"...kasalanan ko rin naman kung bat' pinaparusahan ako. Dont worry, makakaya ko rin naman 'to eh. Two weeks lang ang titiisin ko." Sabi niya ng nakangiti sakin at nginitian ko man siya pabalik.

Yan ang gusto ko sa kanya, napakapositibo talaga. Hindi kaagad sumusuko. :)

Siguro, kung ako nasa katayuan niya, hinding hindi ko talaga magagawa ang lahat ng mga detentions na yun, kung iisipin nga lang napakahirap na, paano na kung gagawin ko na? Mahirap oy!

-_-"

Napa'isip ako...

Talagang makakaya niya lahat 'to kahit na sa mga dadating pa ng mga pag'subok, nakaya nga niya nang iniwan siya ni Jed db?

Eto pa kaya?

Yanah's POV

Hindi parin na sink in lahat ang mga nangyari kanina. Buti nga at unti unting nawawala yung takot na nararamdaman ko dahil sa nangyari.

Bumuntong hinga ako at napatingin sa labas...

Maya maya'y naalala ko yung Detentions ko. Mag-isa kong gagawin lahat na to, makakaya ko ba? Haaaay. Sana, hindi nalang ako lumaban sa professor na yun at hindi ko nalang pinansin ang mga ginagawa niya sakin...

Pero kasi, naiinis talaga ako sa kanya. Napaka'sama niya -_-'

Kung tutuusin nga, dahil naman talaga sa kanya kung bakit ganito ako umasta sa kanya eh. Siya nga yung walang respeto >//< Psh.

My Teacher's Eyeglasses  [KATHNIEL Slowly Update]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant