Two

6 0 1
                                    

Zeus’s POV

Papunta ako ngayon ng ABCD Bar and Resto. 2nd anniversary kasi nila ngayon e nagkataaong family nila Carlo ang may ari ng bar and resto na ‘to. Ayoko naman talaga sana kaya lang, walang tigil sa pagkonsensya si Carlo sakin. Daig pa babae.

Malayo palang tanaw na tanaw ko nang may naghaharutan sa parking lot. Psh. Napaka-PDA. Dito pa talaga sa parking lot nagharutan and guess what? Sa free space pa! Badtrip. Nang malapit na ako, tinignan ko munang mabuti ‘yung mukha nung dalawa. Laking gulat ko kasi yung lalaki, may kamukha. Tinitigan ko pa siya ng mabuti at mas lalo akong nagulat nang mamukhaan ko siya. Si Xander. Current boyfriend ni ate. Naknampusa. Nakuha pang makipagharutan sa babae niya in public. Di nalang nahiya. Psh. Babaero pala ‘tong lalaking ‘to. Yung ate ko, matalino naman pero ewan ko pano niya nakuhang patulan ‘tong Xander na ‘to. Letse.

Sa sobrang inis ko. Binusinahan ko sila. Bigla naman silang napatigil sa paglalampungan. Buti nga. Napangisi naman ako dun. Pipicturan ko sana sila pero pag pinakita ko sa ate ko, baka hindi maniwala kasi naman lahat ng naging boyfriends niya e unang tingin palang, ayoko na. At sinisiguro ko na di sila tumatagal. Mukha kasing mga manloloko at hindi naman ako nagkamali. Dumagdag pa ‘tong Xander. Pinagmamalaki ni ate, babaero rin naman pala.

Pinark ko na ‘yung kotse ko sa free space. Tapos dali-dali akong bumaba. Swerte netong lalaki, may respeto ako sa babaeng kasama niya at di ko siya agad binangasan. Sinamaan ko nalang sila ng tingin. Aba’t, nakuha pang bumulong nitong Xander na ‘to. Yung babae naman, kilig na kilig. Tss. Humanda lang talaga ‘to sa ate ko.

Pero, hanep. Ganda nung babae. Sexy pa at ang ganda ng ngiti tapos---ay putsa. Bat ba ako nagiisip ng ganito. Babae siya ng boyfriend ng ate mo, Zeus. Get a grip! Sinampal ko naman sarili ko, mentally, at akmang papasok na sana ng ABCD ng maisipan kong lumingon ulit at mag-smirk.

“Psh. Flirts.” sabi ko sabay pasok sa loob.

 

After nun, di na ako lumingon pa.

 

 

*******

 

 

Naku, first impression palang ni Zeus kay Xena, maling-mali na. Paano kaya?

Read, comment, vote, be a fan!

For more updates, follow me on Twitter (https://twitter.com/rcdptnhrn)

Have fun reading! :)

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 09, 2014 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Shooting StarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora