One

9 0 0
                                    

Xena’s POV

Hi. Ako nga pala si Xena. Xena Andrexis Buenaventura. 17 years old, 4th year high school student sa Gabriel High Academy. Anak ako ng isa sa mga Board Members kaya hindi lang ako kilala sa school namin kundi kinatatakutan rin. Masaya? Partly, oo. Pero mostly, hindi. Sino ba naman ang gustong katakutan ‘di ba? Ni wala nga akong permanent friends e. Haaay. Kadikit ko na yata talaga ang kamalasang ‘to.

1 week nalang pasukan na ulit. Hindi ko akalaing graduating na ako. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o hindi. Kasi naman, wala nalang palaging bago. It’s the same thing over and over. Ang boring grabe!

Habang busy ako sa paghahanap sa bookshelf ko ng The Fault in our Stars ni John Green, bigla naman nag-ring ang phone ko. Dali-dali ko namang kinuha ito sa kama. Si kuya Xander lang pala.

“Hello kuya. Problema mo? Miss mo ‘ko” sagot ko na may halong paglalambing.

[Nasiraan ako. Papunta pa naman ako kila Therese ngayon.]

“Anong gusto mong gawin ko? Asan ka ba?”

[Nandito ako sa ABCD Bar  and Resto. Sunduuin mo naman ako oh.]

“What if ayoko?” pagbibiro ko. Eh kasi naman pikunin ‘tong si kuya. Hahahaha!

[Ililibre naman kita e. Sige na, Xena. Please?]

“Okay. I’m coming.” at dahil sa mukha naman presentable ang suot ‘kong damit at mukha namang nagmamadali si kuya e binilisan ko narin ang pagkilos. Bukod sa pikunin e mainipin din kasi siya.

*At ABCD Bar and Resto*

“Pasensya na kuya, natagalan. Traffic kasi tapos ‘di mo pa sinabi na sapak pala tao ngayon dito hirap tuloy humanap ng space kung san pwede magpark. Ano bang meron?” pagtatanong ko. Ito namang si kuya busy sa pagkalikot ng phone niya. Pagkatapos, nag-angat siya ng tingin bago ako umupo. “Ah, 2nd anniversary kasi ngayon. Kumain ka na ba? Umupo ka muna. Tapos mag-order ka ng gusto mo.” sabi niya sakin. Syempre natuwa naman ako. Aba, di biro yun ha. Medyo malayo kaya ‘tong Bar and Resto na ‘to.

Tinawag ko naman ang waiter para sa menu. Pagkaraan ng ilang minuto ng pagpili, napagdesisyunan ko nalang na orderin ang chicken soup, pansit bihon, special calamares, tatlong rice, isang pineapple juice, at isang cookies and cream flavored ice cream for dessert. Tinignan naman ako ng waiter with ang-siba-naman-nitong-babaeng-to look. I don’t care. Ang layo kaya ng nilakbay ko. Halerrr.

“Di ka rin gutom ‘no?’’ sabi naman ni kuya sakin. Binelatan ko lang siya. After 10 minutes, dumating naman na mga inorder ko. Yung ice cream daw, to be followed nalang kasi baka matunaw. Tumango nalang ako at nag-thank you. In fairness, mabilis ang service at napaka-presentable pa ng crew. After makaalis nung waiter, nilamutak ko muna yung pansit.

“So kuya, anong plano? Alangan namang iwanan mo ako dito.” tanong ko sabay subo ng malaki sa pansit. Mmm, grabe. Sarap naman neto. Sabay tingin ko kay kuya na hanggang ngayon, busy parin magtext. Aish. Napano ba ‘to? Hindi naman mahilig magtext ‘to eh. Tinapik ko siya sa braso. Ayun, bumalik sa realidad.

“Syempre hindi kita iiwanan dito. Tsaka, dadaanan lang natin si Therese tapos ihahatid na kita sa bahay. Pahiram muna ako ng kotse mo. Ibabalik ko nalang after ng date namin. Nagpadala narin ako ng kukuha sa kotse ko para ‘di ko na balikan bukas.” tumango naman ako at tinuloy ang pagkain.

****

Natapos narin akong kumain at grabe! Busog na busog ako. Whooo!

“Sabihin mo lang kung ready ka nang umalis. Baka kasi sumuka ka sa sobrang dami ng kinain mo.” sabi niya. “Okay kuya. 10 minutes, ayos lang?” sagot ko naman. 

“Sige, punta lang ako ng CR.” tumango naman ako. Kinalikot ko ‘yung bag ko at kinuha ang phone ko at naglaro muna ng Iron Pants habang hinihintay si kuya. Lagaps 10 minutes na yata, wala parin siya. Tapos pag-angat ko ng ulo ko, sa wakas at lumabas narin. Akala ko naflush na ‘to eh.

Lumabas na kami at dahil sa malambing ako, bigla ko niyakap si kuya e nauuna siyang maglakad so ang posisyon e naka-back hug ako sakanya. Bigla naman siyang tumawa at pinaharap ako. Tapos kiniss niya ako sa noo. Kung sa unang tingin mapagkakamalang kami nitong si kuya e. Sobrang sweet kasi namin pero pag kalokohan na pinaguusapan, aba! Nangunguna rin kami dyan! Bigla naman akong niyakap ni kuya at binuhat. Napasigaw naman ako.

Tawa lang kami ng tawa hanggang sa may bumusina. Napatalon naman ako at napatigil kami at nag-ayos. Pinark niya yung sasakyan niya sa space sa tabi ng kotse ko tapos bumaba ‘yung driver. Mukhang galit. Pero, ang gwapo. Padabog na sinara yung pinto ng kotse niya. “Punta na ‘kong driver seat. Harot mo kasi. Nagalit tuloy yung mama.” Bulong niya sakin. Pinalo ko naman siya sa braso tapos pumasok na siya sa kotse.

Tinignan lang kami nung lalaki. Tapos mas nagulat ako kasi, binaling niya yung tingin niya sa ‘kin. Grabe, if looks could kill, dumalak na maharlikang dugo ko dito. Bago siya pumasok sa ABCD, lumingon pa ulit tapos nag-smirk. May sinabi pa siya pero di ko na narinig. Eh kasi naman, tinawag narin ako ni kuya. Pumasok na ako tapos di na ako lumingon ulit dun sa lalaki.

*****

For more updates, follow me on Twitter (https://twitter.com/rcdptnhrn)

Have fun reading guys! :)

Shooting StarWhere stories live. Discover now