CHAPTER FIFTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Tignan mo nga ang katawan mo. Wala kang galos maski ano, maski saan ... maliban lang diyan sa dalawang pasa sa braso mo na hugis ano ... hugis kamay ng-" Nanlaki ang mga mata ni Sthep ng makita ang mga pasa sa braso ko. "Oh my gosh!"

"See? Merong humila sakin Chum. Merong nagligtas sakin."

"Pero ... pero wala namang tao dun Kathy. Walang ibang tao dun kundi ikaw lang. Ihhhhhhhhhhhhhh! Kinikilabutan ako!" Hinimas ni Sthep ang mga braso niya.

Hindi kaya si Damon yun? Si Damon ang nagligtas sakin?



Ilang oras din akong nagstay sa ospital bago ako pinayagang lumabas ng doctor. Kahit halos hirap pa akong lumakad ay dumiretso agad ako sa school. Kailangan kong makita si Damon. Kailangan kong marinig mula sa kanya na totoo ang iniisip ko.

Pinigilan ako ni Sthep pero wala siyang nagawa.

"Ikaw yun di ba?" Tanong ko kay Damon nang makita ko siyang nakaupo sa lobby habang naggigitara.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Sabi niya. Pero hindi siya tumingin sakin.

"Ikaw yung ... ikaw yung nagligtas sakin kanina, di ba?"

Bigla siyang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit naman kita ililigtas? Sino ka ba sa inaakala mo?" Pagkasabi niya noon ay tumayo siya. "I will never waste my time on you." Saka siya tuluyang umalis.

Hindi ko nakuha ang sagot na gustong marinig sakanya. Pero naniniwala pa rin ako na siya ang nagligtas sakin.

'Salamat.' Bulong ko sa hangin.



Paalis na sana ako ng school nang masalubong ko si Erick sa hallway.

Bigla niya akong niyakap sa harap ng maraming tao. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm so glad you're okay! Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa'yo."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na mag-aalala si Erick sa akin ng ganito. Wala naman kasi akong ideya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sakin. Hindi ko rin naman maipalawanag kung sino ba talaga siya sa buhay ko.

"O-okay lang ako Erick."

I could almost hear his heart beat sa sobrang lapit namin sa isa't isa. I've never felt so important to a guy before. Ang sarap pala sa pakiramdam.

"Natatakot ako Kathy ... natatakot akong mawala ka."

I think I really have to let go of whatever memories and feelings I have for Damon. Mas makakabuti siguro yon para sa aming lahat.



[DAMON'S POV]

Halos masira ko na ang buong mansiyon sa sobrang galit ko sa mundo at sa sarili ko. I stared at my devil star. And I almost couldn't see it because of too much blood. Dumudugo ang kamao ko sa lakas ng pagkakasuntok ko sa pader kanina.

Nahagip ng mga mata ko ang sarili kong repleksiyon sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

Mapula ang mga mata ko.

Itim ang mga labi.

Kahit ako'y natakot sa itsura ko. I'm slowly turning into a demon tuwing galit na galit ako. And with this hatred and anger, I could instantly kill a person ... I could even kill an angel.

Binato ko ang malaking salamin, dahilan para mabasag iyon.

Kanina habang tinititigan ko si Erick at Kathy na magkayakap, gustung- gusto ko na silang sunugin pareho. Pero nung nakitang kong ngumiti si Kathy, bigla akong nanghina. Kahit na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti na yon.

Bakit ba ang isang demonyong tulad ko, hindi pwedeng pasayahin ang isang tao?

And I envy Erick for that ... why is it so easy for him to make her smile? To make her feel at ease? Why can't I do that?

Kinuha ko ang phone ko.

I dialed a number from my call logs. Ilang beses ko na kasing sinubukang tawagan yon pero hindi pa man nagriring sa kabilang linya ay pinapatay ko na agad. I have to save my ego, I'm a devil. Hindi ako dapat nagpapakababa sa babae.

But this time, I need to call her ... for real.

"Hello? Who's this?"

Hindi ako nagsalita.

'Are you okay? Wala bang masakit sa'yo? Natakot ka ba kanina? Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa'yo? Akala ko mawawala ka na sakin. Hindi ko kayang makita kang walang buhay Kathy. Hindi ko kayang mawala ka.' Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili kong ilihim na lang.

Somehow, I felt relieved and contented.

Marinig ko lang ulit ang boses niya, masaya na ko.

"Don't call this number again!" Sabi niya before she ended the call.

"I'm glad you're safe ..." Nasabi ko na lang sa sarili ko.


The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon