Chapter 14: Of Ampalaya, Truth And Label

13.1K 276 78
                                    

MAY naupo sa kanan ko. Hindi ko pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ng ensaladang ampalaya na may katernong sinangang na dilis. For some reason ay na-acquire na ng taste buds ko ang lasa ng appetizer na ito. Hinahanap-hanap ko na sa mga kainan na may Filipino dishes.
"I'm sorry, Ayeth..."
Huh!?

DAIG KO pa ang namatanda paglingon ko sa kanan at makita roon ang apologetic na mukha ni Patrick.
"I'm sorry. I'm so sorry... hindi ko nasabi 'yan sa iyo last time."
Shocks! He's so cute and so gorgeous pa rin! Hustisya naman dito, o. Paano ko ba pagtatarayan at ipapakita ang sama ng loob ko sa lalaking ito? Paano ko ipaparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin? "S-sorry din..." Ano ba, Ayeth, paano mo papanindigan ang pagsusuplada kung nags-stammer ka? "But your sorry is three years too late." Umingos ako at inilayo ang tingin sa kanya. Nakakainis talaga ang sarili ko. Bakit ba ganito? Parang gusto kong mag-request ng isang super tight hug sa kanya. 'Yong hug na tatagal ng tatlong oras. Parusa sa tatlong taon na pambabale-wala niya sa akin.
"Alam ko naman 'yon. Aaminin ko sa iyo na sinadya kong hindi magpakita sa iyo pagkatapos ng huling pagkikita natin sa Lucena. Isinugal ko 'yong possibility na baka makahanap ka ng ibang lalaking mamahalin sa loob ng tatlong taon. Kasi gusto kong makatapos ka muna. Para wala nang isusumbat sa akin ang mommy mo."
"Bakit, ano ba ang isinumbat sa iyo dati ni Mommy?"
"Huwag na nating pag-usapan. Tama naman siya. Nag-aaral ka pa noon. Ako dapat ang tumutulong na mag-encourage sa iyo para tapusin ang course mo."
"Kahit naman noon hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko, ah. Naging dean's lister pa nga ako. Pero noong ibasura mo ang kung ano na mayroon tayo, noon bumaba ang grades ko. Kinausap lang ako at pinagpayuhan ni Daddy kaya pinilit ko na ayusin ang sarili ko."
"I'm sorry, Ayeth. Sana mapatawad mo pa ako."
"Siguro... Ewan ko kung kailan kita mapapatawad. O kung mapapatawad pa kita. Pagkatapos sana nito, huwag ka nang magpapakita sa akin. Ever!"
"Ayeth naman. Wala ka na ba talagang feelings sa akin kahit kaunti?"
Napatayo na ako sa puntong iyon. Humalukipkip ako at pinanlakihan siya ng mga mata. "Bakit hindi mo itanong 'yan sa girlfriend mong teacher sa Lucena? Baka masagot ka niya."
"Ayeth, wala na kami. Hindi naman talaga kami nagtagal. Sinubukan ko lang kung..." Umiling-iling siya. At parang naaawa na naman ako sa lungkot ng Superman eyes niya. At ang deep dimples niya, hindi pa nagpapakita. "Akala ko puwedeng mapalitan ng iba ang feelings ko sa iyo. Pero mabuti na rin na nangyari iyon. Napatunayan ko na hindi pala. Kasi hanggang ngayon... ikaw pa rin, Ayeth."
"'Yan tayo, eh. Ano pa bang pambobola ang baon mo ngayon? At dito ka pa talaga dumayo sa kasal nina Gregory at Ma'am Daisy para sabihin sa akin 'yan."
"Bumitiw ka na ba, Ayeth?"
"Hah! Sino ba sa ating dalawa ang bumitiw? Ikaw ang nagka-girlfriend, di ba?" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. Mabuti na lang at sa nagkakaingay na mga bridesmaids nakatuon ang pansin ng mga bisita.
"Pero libre na ako ngayon. At tapos ka na rin sa pag-aaral. Kung papayag ka lang, puwede pa uli na maging tayo."
"Asa ka pa talaga, ano?"
"Iyon talaga ang gusto kong mangyari, Ayeth. Kaya sana mapatawad mo pa ako kahit malaki ang kasalanan ko sa iyo."
"At para ano? Para saktan mo na naman ako? Sabi mo nga dati, ang layo ng agwat natin. Walong taon. Kaya siguro kahit anong pagpapabilis ang gawin ko sa mga hakbang ko, hindi kita maabutan. Professor ka na at ako estudyante pa lang noon. Pero nagsikap ako. Nag-focus ako sa pag-aaral kasabay ng puso ko na naka-focus lang din sa iyo kahit na sino o ano pa ang dumating at humarang sa daan ko. Pinilit kong abutan ka. Pero sasandali pa lang 'yong sa atin, ipinagpalit mo na ako. Sobrang sakit noon. At kahit sinasabi mo ngayon na hindi mo talaga siya minahal, hindi pa rin nabawasan ang sakit. Kasi inisip mo na ipagpalit ako. Nanligaw ka ng iba. Umabot pa sa punto na naging kayo. At kung sinasabi mo ngayon na merong tayo noon, I'm sorry to say this pero sa parte mo, hindi ko halos naramdaman." Tinalikuran ko na siya. Hanggang doon lang ang makakaya ko para pigilin ang mga luha ko.
"Ayeth, wait!"
Sige, Patrick, ganyan nga. Sundan mo ako. Kasi kapag hindi mo ginawa, baka mag-about face ako bigla. Nakasalubong ko ang mama ni Gregory na si Mrs. Guerrero. "Mauna na po ako, Ma'am. Pakisabi na lang kina Gregory."
"Aba eh bakit ang bilis mo naman 'yata. Nakakain ka ba, hija?"
Tumango lang ako at nagpaalam na. Mahirap na. Baka biglang gumawa ng eksena si Patrick doon at hindi ko maawat kung ano ang puwedeng lumabas sa bibig ko.
"Ayeth, please. Mag-usap pa tayo," pangungulit ni Patrick. Hindi niya ako maabutan dahil mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko.
Huminto ako at nilingon siya. "Hindi mga salita mo lang ang kailangan ko, Patrick. Naging girlfriend mo ang teacher na iyon. Paano ako makakasiguro na hindi na kayo ngayon? I need proof. At kailangan ko rin ng patunay kung seryoso ka talangang balikan ako. Iyon ang dalhin mo kung sigurado ka sa sarili mo na gusto mo ulit na ma-win ako." Binirahan ko na ulit ng lakad pagkatapos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Sir, With Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now