Chapter 13: Sa Ilusyon Lang May Forever

5.4K 172 2
                                    

THREE YEARS later...
“You may now kiss the bride.”
Napaluha ako nang itaas ni Gregory ang belo ni Miss Cunanan matapos ang announcement ng Aglipayan Priest. Oops! Mali ako. Mrs. Guerrero na nga pala siya. Ewan ko ba. Lately, kapag nakakakita ako ng ikinakasal napapa-emo ako. Lalo na kapag ramdam na ramdam ko ‘yong love sa isa’t isa ng groom at bride gaya nina Gregory at Ma’am Daisy.
Idinaos ang kasal ng dalawa sa Joyous Resort. Kamag-anak ni Gregory ang may-ari ng resort at ineregalo na lang sa mga ikinasal ang paggamit ng lugar. Filipino dishes ang pagkain sa reception.
Sobrang saya ko para kay Gregory. Napangatawanan talaga niya ang pagpapaka-straight. In fact, maumbok na ang tiyan ni Ma’am Daisy. Soon magiging daddy na ang beki.
Marami din silang pinagdaanan na pagsubok. Muntik pang ma-expel si Ma’am Daisy sa BPSU matapos kumalat ang balita na nakikipag-boyfriend siya sa isang estudyante. Kay Gregory nga. Kaya ora-oradang ikinasal sa huwes ang dalawa. Ikalawang kasal na lamang nila ang seremonyang naganap ngayon.
Mabuti pa ang kaibigan ko, naging smooth sailing ang love life. Hindi kagaya ng nangyari sa akin. Kumbaga sa bunga ng mangga, bubot pa lang ay nabulok na at nahiwalay sa tangkay bago pa lumaki at mahinog. Mula nang maghiwalay kami ni Patrick, hindi na siya nakipag-communicate sa akin.
Bago ako magtapos ng college noong nakaraang school year, pinilit kong hanapin ang bahay nina Patrick sa Lucena. Itinaon ko pa na birthday niya dahil gusto kong sorpresahin siya. Na sana hindi ko na ginawa. Nasaktan lang tuloy ako.
“Naging estudyante ka pala ni Patrick?” sabi sa akin ni Mrs. Fontanilla, ang mama ni Patrick. Ang ama ni Patrick ang nagpatuloy sa akin sa ancestral home nila sa Lucena nang magpakilala ako. Isang kaklase naman na taga-Lucena ang sinamahan ko roon.
“Opo. Noong first year college po.”
“Kaganda mong dalaga, ah. Siguro ay may nobyo ka na, ano?”
Ngumiti lang ako. Masarap pakinggan ang puntong-Quezon ng ginang. Kung malalaman man nila na ako ang Special Someone ng anak nila, gusto ko na kay Patrick mismo manggaling at hindi sa akin.
“Parating na siguro si Patrick ay. Alam mo ba na may nobya na rin ang aking anak? Co-teacher niya din sa M.S. Enverga. Propesora din.”
OMG! Hindi agad ako nakapag-react. Nabigla ako. Daig ko pa ang sabay-sabay na dinagukan, sinampal at binagsakan ng bakal sa ulo. At hindi pa ako nakaka-get over sa worst news ever ng buhay ko nang dumating si Patrick, kasama ang co-teachers niya. Kasama ang girlfriend na sinasabi ng mama niya.
Nakita ko na gulat na gulat si Patrick na nandoon ako. Pareho siguro kaming parang nakakita ng multo. At bago pa ako mag-drama at gumawa ng eksena doon, nagpaalam na kaagad ako. “B-baka po naiinip na ang kasama ko. Dumaan lang po talaga ako dito para batiin si Pat- si Sir Patrick.” Tinatagan ko ang loob ko at tiningnan ko siya sa mga mata. “H-happy birthday, Sir.”
Nakatalikod na ako nang habulin ako ni Mrs. Fontanilla. “Sandali, hija. Malayo din dito ang terminal ay. Mas maigi na ipahatid na la-ang kita roon.” Binalingan niya si Patrick. “Anak, ihatid mo muna sa terminal si Ayeth.”
Kahit anong tanggi ang gawin ko ay nagpilit pa rin ang ginang na ipahatid ako. Laking pagkadismaya ko nang sumama sa paghahatid ang babaeng sinasabi ni Mrs. Fonatanilla na girlfriend  daw ni Patrick. Maganda ang babae. Pero mas maganda ako. At siguradong sasang-ayon ang buong pamilya ko.
Wala kaming kibuan ni Sir Patrick sa loob ng sinakyan naming FB van, ang ginamit sa pagdadala sa bahay ng mga ito ng mga co-teachers. Nakasalamin ang pagitan ng harapan at likuran. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon o hindi.
Gosh! Sobrang sakit. Kaya ko ba ‘to? Ang sakit-sakit naman po, Lord. Paulit-ulit lang ang dialog na iyon sa isip ko hanggang sa makarating kami sa bus terminal.
Isang mahinang “Salamat, Sir,” lang ang nasabi ko.
A brief glimpse of his Superman eyes. Hindi ako makapaniwala na iyon lang ang napala ko sa pagpunta sa Lucena.
Buong biyahe mula Lucena hanggang Balanga na umiiyak ako noon, minumura siya sa isip ko, at sumusumpang hinding-hindi ko na siya mamahalin kahit kailan. Pero kumusta naman? Hanggang ngayon, alien pa rin dito sa makulit kong puso ang salitang move on.
Nakaramdam ako ng pagkahiya sa sarili ko noon. Parang lumalabas na ako pa ang naghahabol sa lalaki. At kahit armado ako ng katwiran na gusto ko lang magkaroon kami ng closure kaya ko siya hinanap, pinili ko na lang na umalis nang hindi nakikipag-usap kay Patrick. Nawala sa amin ang pagkakataon na mag-usap.
Iyon na ang huling beses na gagawin kong kahiya-hiya ang sarili ko. Oo, masaklap ang kinalabasan ng love life ko. Pero gano’n daw talaga sa pag-ibig. Kung minsan, may sinusuwerte na gaya ni Gregory, pero kung minsan, may malas talaga na katulad ko.
Yumapos ako kay Gregory nang makalapit sila ni Ma’am Daisy sa kinaroroonan ko. “I’m so happy for you, friend. And I’m so proud of you. Congratulations!”
“Salamat, friend. Alam mo na kung may pinakawi-wish man ako para sa iyo, sana, mahanap ka na rin ng Mr. Right mo.” Teary-eyed sa kaligayahan si Gregory at ganoon din si Ma’am Daisy. “At sana maka-move on ka na sa amoritis mo kay you know who.”
Tinawanan ko lang si Gregory. Siguro nga, hindi pa rin ako maka-move on. Kasi kahit may mga nanliligaw sa akin sa nakaraang tatlong taon, wala akong nagustuhan isa man sa kanila. Iisa pa rin ang gusto nitong suwail na puso kong makulit pa sa Ibestigador ng Bayan – si Patrick pa rin.
“Mabuti pa sila, happy na.”
Nilingon ko ang nagsalita sa kaliwa ko. Si Domino. Invited din pala siya.
“Settled na sila. Tayo kaya, kailan?”
“Sukuan mo na ang ilusyon na iyan, Domino. Kasi sa ilusyon lang talaga may forever. Sa totoong buhay, nganga. Nada. Waley.”
“Grabe ka naman. Ayaw mo lang i-focus sa taong nagmamahal sa iyo ang pansin mo.”
Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Sa iba mo na lang sabihin ‘yan. Mas trip kong maging ampalaya. Walang basagan ng trip.”
Umiling-iling si Domino. “Ano kayang sasabihin ng mga estudyante mo kapag narinig ka nila ngayon.”
“Eh di, cool. ‘Ang cool pala ni Ma’am.’”
Mukhang nabuwisit din sa akin sa wakas si Domino at iniwan ako. Hindi naman sa nagsusuplada at nagmamaganda ang peg ko, ganito lang talaga ako. Trip kong hindi mag-move on. Bakit kailangan akong pilitin na makausad? Uusad ako sa panahon at pagkakataon na gusto ko.

To Sir, With Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now