Chapter Glimpse

15K 384 5
                                    

"Ikukulong mo ba talaga ako sa bahay na 'yan, Rogue?"

"Yes, witch."

"Kung seryoso ka sa pagkidnap sa akin--kahit na 'di ko maintindihan ba't kailangan mong gawin, puwede bang humingi ng pabor?"

"Sige lang."

"Kung lalapit ka, puwedeng wala 'yan?" itinuro niya ang kunot sa noo ni Rogue. "At ngumiti ka naman. Tinatakot mo ako, eh. 'Pag seryoso ka, parang lagi kang mananakit ng tao."

"'Yon lang ba?"

Napasandal si Diwa sa upuan nang bigla itong kumilos--inilapit ang sarili sa kanya. Napalunok na lang siya nang ma-realize na ang seatbelt lang naman niya ang sadya nito.

Ang tagal na nagtama lang ang mga mata nila...

Titig na titig pa rin sa mga mata niya si Rogue nang unti-unting ngumiti.

Literal na tumigil saglit ang paghinga niya.

"May reklamo pa?"

Hindi nakasagot si Diwa. Nagwi-wish na lang siyang hindi naririnig ni Rogue ang heartbeat niya...

ROGUE (PREVIEW)Where stories live. Discover now