CHAPTER 1

44K 926 21
                                    

Jin

Nag mamaneho ako papuntang Dutch Hospital ngayon, sa airport sana ang punta ko dahil marami akong papel na pipirmahan kaso biglang tumawag si William at importante daw. Kaya ako naman itong ready to help na kaibigan ay sumunod naman kaagad ako sa kanya.

Pag dating ko sa hospital ay napatingin agad ako sa police station na katapat nitong hospital. Ang weird lang, magkatapat eh.

Pumasok na ako sa hospital dahil doon daw ako hihintayin ni William sa office niya. Ano naman kaya ang kailangan ni William?

"Weirdo " Bungad ko sa kanya pag pasok ko, pero agad naman niya akong sinamaan ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay

"You are two minutes late Jin Lee" Hindi makapaniwala akong tumingin kay William at tinaas ang dalawang kamay ko

"Okay weirdo, two minutes lang iyon. Huwag mo akong tignan na parang kakain ka na ng tao" Hindi sumagot si William at biglang inabot sa akin ang isang iced coffee.

"Anong gagawin ko sa iced coffee?" Sumandal si William sa upoan niya at umupo naman ako sa table niya

"Try mo'ng ibuhos yan sa sarili mo Jin" Tinaasan ko siya ng gitnang daliri ko

"Fuck you William" He just smirked at me,

"Hindi tayo talo Jin Lee, by the way. Nakita mo iyong police station sa harap ng hospital ko diba? Look for officer Saguid and give this iced coffee. Okay?" Natawa ako ng konti at pinatong ang isang paa ko sa table ni William tsaka siya tinignan,

"Huwag mong sabihin na pagkatapos ni Noe ay ikaw na ang susunod?, may pasabi ka pa na ayaw mo matali sa babae diba?  Anong nangyari? Change of plan na ba? Sasali ka na ba sa Organization nila Baxter?" Tumawa din si William at umiling sa akin tsaka siya tumayo at sumilip sa bintana ng office niya kung saan makikita ang police station,

"Hindi naman ako sasali sa Organization nila Baxter at Noe. Isa pa, numenado na si Dylan dahil balita ko nahanap na niya ang babaeng bumaliw sa kanya sa isang gabi lang at may jackpot pa'ng baby" Hindi makapaniwalang tumayo ako at tumabi kay William ng tayo

"Talaga? Kailan? bakit hindi ako updated?" Tinapik ni William ang balikat ko at sumagot ng –

"Gayahin mo si Nyle. Sa kanya ko nalaman na nakita na ni Dylan si Mica" Napamura ako ng dalawang beses.

Wala talagang kupas kung makarinig ng chismis si Nyle, ang lakas ng radar. Nag dadalawang isip tuloy ako kung lalaki ba talaga siya. tsk.

"Lumayas ka na Jin Lee at ihatid mo na yan kay Officer Saguid. Masakit mambatok yun pag galit" Kinuha ko ang iced coffee sa table niya at tinignan muna siya

"Kung nakita na ni Dylan si Mica, ibig sabihin isang buwan na lang at siya na ang susunod na ikakasal. Tapos susunod ka na" Tinaasan lang ako ni William ng gitnang daliri at tinulak ako palabas

"Ikaw muna ang susunod at hindi ako gagaya sa inyo" pero humarap ulit ako sa kanya dahil may bigla akong naisip

"Nga pala, may bayad ang serbisyo ko William Dutch. two hundred para sa pag una ko sayo embes na mga papelis sa airline ang inuna ko at two hundred naman para sa pag hatid ko nito sa love of your life" I was just joking at him but to my surprise, he picked his wallet and handed me a four hundred pesos

"Here. Lumayas ka na" Ngiting ngiti akong lumabas sa office ni William at hinalikan ang pera na binigay niya. Pang gasolina na din to. Wala akong pera ngayon.

Pag labas ko ng Hospital ay napansin ko agad ang kotseng nakaparada malapit sa police station. Kilala ko kung kaninong kotse iyon pero imposible naman na pupunta siya dito. Well, marami namang may ganyan na kotse sa buong pilipinas.

Deretso lang ako nang lakad habang tumatawid papuntang Police station. Nang makarating ako kay tinanong ko kaagad ang lalaking nakauniform ng pang-police.

"Excuse me, nasaan si Officer Saguid?" Luminga-linga ang police at humarap sa akin

"Nasa canteen siguro sir. Tara po samahan na kita" Tumango ako sa police at sumunod na sa kanya papasok sa station.

Pumasok kami sa isang silid, may mga police doon na kumakain at nag kukwentohan.

"Ayon ho sir, kayo nalang po ang dumeretso" Tinignan ko ang tinuro niyang babae, may kausap siya at pamilyar sa akin pero hindi ko makita kasi nakatalikod.

Inayos ko ang buhok ko bago pinuntahan ang love of William's life. Badoy.

"Excuse me, ikaw ba si Officer Saguid?" Sakto naman na humarap sa akin ang babaeng kasama niya na nag pagulat sa akin.

"Fyonna?" Ngumiti si Fyonna, pero alam kong pilit na ngiti lang yun.

"Jin? What are you doing here?" Tinaas ko ang hawak kong Iced coffee at ibinigay sa babae ni William.

"Delivery, from William Dutch" Dali dali naman itong kinuha ng babaeng pulis pinaghahalikan ang lalagyan ng iced coffee tsaka kumuha ng phone at nag selfie. Weird.

"Mauna na ako" Napatingin ako kay Fyonna na bigla nalang nag paalam at umalis. Mabilis ko siyang sinundan at pinigilan sa kamay niya.

"I'm sorry, but are you free tonight? for dinner?"

Fyonna Marie

"Talaga?  Nag paligaw ka? Wow, that's new" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Shaina,

"Kailangan talaga mag pakipot muna bago sex" I look at her with a disgusting-look,

"Please Shaina, put a filter in your mouth while we're talking" Nag kibit balikat si Shaina at tinawanan lang ang sinabi ko,

"Pag ikaw nakatikim ng sex, hahanap hanapin mo iyan Fyonna" Tinakpan ko ang tenga ko dahil hindi ko na talaga kaya ang pinagsasabi ni Shaina sa akin.

Kababaeng tao, ganyan makipag usap.

"Excuse me, ikaw ba si Officer Saguid?" Nanlaki ang mata ko at napalingon sa pamilyar na boses at tama nga ako,

"Fyonna?" Gulat na tanong ni Jin kaya nginitian ko siya ng peke,

"Jin? What are you doing here?" Tinaas niya ang hawak niyang Iced coffee at ibinigay niya kay Shaina.

Wait, what ?

"Delivery, from William Dutch" Napanganga ako dahil sa mali ang nasa utak ko, kung ano pa naman ang iniisip ko.

Pinaghahalikan ni Shaina ang iced coffee at nag selfie siya, tinignan ko ang relos ko dahil may lakad ako mamaya kaya dapat umuwi na ako para makapag-ready.

"Mauna na ako" Sabi ko at tumayo na, alam na ni Shaina ang ugali ng mommy at alam niya din na may lakad ako mamaya.

Malapit na ako sa exit ng hospital ng may pumigil sa kamay ko kaya humarap ako sa taong iyon.

"I'm sorry, but are you free tonight? for dinner?" Lumunok ako ng dalawang beses dahil si Jin pala ang pumigil sa akin.

"I would love to Jin, but my family just set a dinner. Maybe next time" Mabilisang sagot ko at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Napansin niya na doon ako nakatingin kaya dahan dahan niya itong binitawan. I'm starting to like your touch Jin Lee.

Mabilis akong lumabas ng police station at sumakay na sa kotse ko saka ako nag maneho pauwi

Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon