"Ibig mo bang sabihin... nakasama kami ni Chris uh, Christina sa napakawalang kwentang pustahan na 'yon?" Alam ko na ang sagot pero nagbabakasakali lang ako na... paniginip lang 'to.
Hindi siya nakasagot kaagad. "Tumakbo ka papalabas ng bar kagabi, at sinundan kita." pinakinggan ko lang kahit iba ang sagot niya. "Nakita kitang nakahiga sa gitna ng kalsada at may dalawang lalaking lumapit sayo." napabuntong hininga siya uli "M-mabuti na lang at nasundan kita. Tinanong kita kung saan ang tirahan mo. Pero mukang, nawalan ka na ng malay kaya dito nalang kita dinala sa apartment. Masama mang tignan para sa iba, pero wala na din akong nagawa. Pasensya na Yasmin. Sorry talaga. Nagsisisi akong hindi ko sinabi." Napayuko siya matapos 'yon. "Muntik nang may mangyari sayo dahil don."
"Christian, hindi kita sinisisi sa nangyari. Kung ano man ang dahilan kung bakit pinilit ka nilang sumama sa barkada nila, naiintindihan ko. S-salamat nga pala sa, sa pagpapatuloy d-dito. Wag k-kang magalala dahil h-hindi naman ako n-nasaktan." nagtutubig ang mata ko. ano 'to?
Ngumiti siya at niyakap ako. "Hindi mo kailangang itago. Okay lang na ilabas mo, hindi ibig sabihin ay duwag ka." kumalas na siya sa yakap. "May pupuntahan lang ako. Pwede kang mag-stay dito kung kailan mo gusto. Sabihan mo na lang ako kapag gusto mo nang umuwi. Ako na ang maghahatid sayo."
Kahit papano nagatrasan ang mga luha ko sa sinabi niyang 'yon. Pero... Shocks! "Anong araw na?"
"Uhm, dito ka pala nakatulog kagabi."
"HAH?"
"Hindi tayo magkatabi. Sa isang kama ako natulog dahil wala naman yung room mate ko." Phew!
May kinuha siya mula sa bulsa niya at saka iyon tinaas. Cellphone ko 'yun ah? "Tumawag ako sa bahay niyo at pumayag naman yung kasambahay. Cecille daw."
Feeling ko nabunutan ako ng tinik kahit papano. OA kasi sila masyado. Kala ko ipapahanap nanaman nila ako sa police station kagaya nung dati nang 'di ako nakapagpaalam na mag-oovernight ako kila Yna. "Thank you." kaagad na siyang umalis matapos kong sabihin yon.
Humarap ako sa malaking bintana. Kita pala dito yung kabuuan ng lugar. Siguro mga nasa 4th or 5th floor 'to. Bumukas uli yung pinto. Napalingon ako.
"May problema?" si Christian bumalik
"Wala. Nakalimutan ko pala yung wallet ko." may binuksan siyang drawer at kinuha yung wallet mula don at saka siya umalis.
Pinagmasdan ko lalo ang buong syudad. Tinatry ko lang naman kalimutan yung problema. Maraming kotse at iba't ibang sasakyan. Busy lahat ng tao ngayon. Tinignan ko yug calendar. Sabado ngayon. Pero marami pa rin ang may pasok. Speaking of pasok, narinig ko nanaman na may pumasok sa pinto. Di na 'ko nag abalang lumingon.
"May nakalimutan ka?"
"Nakalimutan ko yung susi." pagkatapos non ay kumalabog na uli yung pinto. Mag isa uli ako.
Balik ulit sa bintana. Kagaya ng usual na araw, maraming tao sa labas. May mga nagtitinda sa labas, may mga taong naglalakad. Malamang. At syempre meron ding mga-- . Oooops. Yung pinto nanaman.
"Ano na nanaman?" grabe naman ang pagkamakalilimutin ng taong 'to.
"Who are you?" napalingon ako sa nagsasalita.
"Anong ginagawa mo dito?" "What are you doing here?"
sabay pa.
"For your information this is my unit. Now, what are you doing here?"
hindi naman siya galit pero yung tono niya, curious.
Okay ako na pahiya. -_- "Uhm, pinatuloy ako ni Christian." sabay yuko
YOU ARE READING
Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)
Fanfictionwag mo ng basahin, mafee-feel ewan ka lang i swear. hahaha
Chapter 11 ~ Freak and Gay ♥
Start from the beginning
