#33: Trevor Montereal

Magsimula sa umpisa
                                    

"F21 tayo!" sabi ni Jde habang tumatalon talon pa.

Napailing naman ako. Sa aming tatlo si Jade talaga ang mahilig sa fashion! Kakaiba siya dahil kahit nerd ay may taste rin pala sa fashion. Dapat ganyan lahat ng mga babaeng babad sa academics eh, may oras pa rin para magayos ng sa ganun ay hindi sila lait laitin.

Hinila na kami ni Jade papuntang F21. Nakita ko namang si Pierce na sinusundan lang kami habang dala dala ang bag ni Jade. Grabe perks of having a manliligaw, may kasama kang yaya palagi o di kaya chaperon pagnagshoshopping haha.

"Rien, sukatin mo to dali!" sabi ni Jade.

Hinagis niya naman sa akin ang isang black cropped top at denim shorts at tinulak na ako papuntang fitting room. Napatingin naman ako sa binigay ni Jade sa akin at napangiti. Kahit kailan talaga alam ni Jade kung ano ang mga gusto ko.

Sinuot ko naman ito at napatingin sa salamin. Bagay naman sa akin lalo na't naka Vans ako. I think I'll take this. Lumabas na ako ng fitting room at nakita ko namang silang tatlo na iba na ang bihis at may dala dala na ring mga paper bags.

"Ang bilis niyo naman." Sabi ko at napatawa.

Nagkibit balikat naman sila at ngumiti. Pumunta naman ako ng counter at binarayan ang sinuot ko. Dumagdag na rin ako ng tatlo pang croppped tops and isang denim polo.

"What's next guys?" excited na tanong ni Char.

"Topshop?" Jade.

Nagsitanguan naman kaming lahat at dumaretso na sa Topshop. Habang busy sila sa pagpili ng mga bibilhin nila ng damit ay lumabas muna ako ng store para bumili ng pagkain. Yes, ginugutom ako kaya bibili muna ako ng foods. Hahaha.

Nang makalabas ako ay nagulat ako sa lalakeng naka black polo na naka tupi hanggang siko at skinny pants. Bigla naman akong kinabahan at napaatras ng konti. Pero nilapitan niya ako at hinawakan sa braso saka ngumiti.

"I'm not here to hurt you, Princess." Sabi niya at biglang ngumisi.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Shit, bakit kailangan pa naming magkita? Never ko hiniling na sana magkita ulit kami. Ewan ko pero takot na takot ako sa kanya. Iba talaga ang aura niya. Ibang iba kay Tyler.

"Bitiwan mo ko." Sabi ko at pilit inaalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Binitiwan niya naman ako at ngumiti. Shet, mature version ni Tyler si Trevor pero bakit parang natatakot ako sa kanya. Kinakabahan ako at baka may masama siyang gagawin sa akin.

"Adrienne right? Wag kang matakot hindi naman kita sasaktan eh." Sabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko alam pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko para tumakbo o humingi man lang ng tulong kay Pierce na nasa loob. Shet, ano ba tong pinasukan ko.

"Let me introduce myself. I'm Trevor Montereal." Sabi niya at naglahad ng kamay.

Hindi ko to tinanggap at mas lalo pa siyang sinamaan ng tingin.

"Anong kailangan mo sa akin?" nanginginig kong tanong.

Shit, nasaan ba si Pierce? Di ko to kaya. Kailangan kong makawala.

"Hey, I'm not going to hurt you. I'm her to talk to you." Sabi niya.

Hindi na ako nakapagsalita pa at agad niya akong hinila. Hindi naman ako nakapapigil at nagpahila na lang. Ano pa ba ang magagawa ko? Eh parang di ko siya kayang labanan. Si batman na ang bahala kung ano ang gagawin niya sa akin. Shet, kinakabahan talaga ako.

___

Andito kami ngayon sa Starbucks nagkakape. Hindi pa rin ako mapakali sa inuupuan ko habang siya naman ay relax na relax lang habang iniinom ang kanyang frappuccino.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin." Galit kong tanong.

Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako. Kailangan ipakitang matapang ako at hindi ako natatakot sa kanya dahil kung hindi siguro dead na ako ngayon.

"I just want to talk to you. You know get to know each other. Kasi naman wrong impression agad ang napakita ko sa iyo nung una nating pagkikita." Sabi niya at ngumisi.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ano raw? Get to know each other? Para saan pa? Eh nung una naming pagkikita parang gusto na niya akong patayin eh. Peste.

"So Adrienne---"

"Rien na lang." sabi ko at ininom ang frappe ko.

He chuckled. Shet, ang husky ng boses niya. Atyaka, mas gwapo pa siya kay Tyler kung tutuusin dahil you know mature na nga.

"Oh okay, if that's what you want. So Rien, kamusta kayo ng kapatid ko?" tanong niya.

Malapit kong naibuga ang iniinom kong frappe. Get to know each other ba to o nakikitsismis lang siya sa aming dalawa ni Tyler? Napatingin naman ako sa kanya na nanlalaki ang aking mata. Natawa naman siya sa akin. Grabe, hindi ko akalain na parang happy go lucky ang isang to. Magkaiba sila ni Tyler.

"As individuals, I think we're fine." Sabi ko.

"As individuals? Eh as a couple?"

Bigla naman akong napaubo sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"What the hell Trevor? We're not a couple!" diretso kong sabi.

Humagalpak naman sa kakatawa si Trevor at ako naman ay napanguso. Hindi ko akalain na bwisit rin pala ang isang to. Naiinis ako sa kanya. Parang biro lahat ng ginagawa eh.

"Galit? Wow, for the first time tinawag mo ang pangalan ko." Sabi niya at ngumisi.

Inirapan ko naman siya at uminom na lang ng frappe. Ano ba talaga ang gusto niya at kailangan pa naming magusap ng ganito? Na kami lang dalawa. Psh.

"Si Tyler talaga kahit kailan playboy." Sabi niya at napailing iling.

Napatngin naman ako sa kanya. Close ba sila ni Tyler at parang alam niya kung ano ang mga kinikilos ng kanyang kapatid. He sounds creepy this time. May topak ata to sa ulo!

"Anong ibg mong sabihin?"

"Kaya hindi kami nagkakabati ni Tyler dahil hindi niya sineseryoso ang buhay. Puro laro lang ang gusto niya lalong lalo na't sa mga babae. Kaya nga hindi ako sumali sa gang nila dahil puro pambabae at basagan ng ulo lang ang inaatupag nila eh. Kaya ikaw Rien, wag kang magpadala sa charms ng kapatid ko dahil ikaw lang ang masasaktan." Sabi niya.

Bigla naman akong napatayo sa sinabi niya. I can't believe this! Is it me? Parang sinisiraan niya si Tyler. Pero totoo ba talaga ang mga sinabi niya sa akin o isa lang to sa mga plano ng gang nila para siraan si Tyler sa akin. Pero totoo man o hindi ang sinasabi niyang may kung ano sa utak ko na sinasabing hindi dapat ako magtiwala sa lalakeng to.

"Tyler is not like that." Pagdedepensa ko.

Ngumisi naman siya at napailing. Tumayo na rin siya at aaktong lalapitan ako ng may biglang humarang na likod sa aking harap. Teka, likod ng lalake? Teka, si Pierce to ah? Nakita ko namang lumapit sila Jade at Char sa akin na parang nagaalala.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jade.

Tumango naman ako at napatingin kina Pierce at Trevor. Nakaramdam naman ako ng tensyon sa kanilang dalawa.

"Long time no see, Pierce." Sabi niya.

"Back off, dude." Sabi niya Pierce.

Tinaas naman ni Trevor ang kanyang dalawang kamay at tumawa.

"Chill man. Hahaha." Tumingin naman si Trevor sa akin at kumindat. "See you around, Princess. Nice talking to you." Sabi niya.

Lumabas naman siya ng starbucks. Para naman kaming nabunutan ng tinik sa dibdib at huminga ng napakaluwag. Hinarap naman kami ni Pierce. Tinapik niya ang likod ko at tinignan ako ng matalim.

"Stay away from Trevor Montereal, Rien." Sabi niya.

Napatango naman ako.

How dangerous is he?

~*~

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon