Chapter 27 (okay, expalin)

870 28 0
                                    

Jiro’s POV

Papunta ako ngayon sa room nila Aki, susunduin ko na kasi siya at ihahatid na sa bahay nila.

After a few minutes nakarating na rin ako, pero wala ng tao. Napaaga siguro silang dinismiss.

Pagkalabas ko ng room..

“looking for Aki?” Sabi nung lalaking nakasandal sa may wall.

“yeah” sabi ko nalang sakanya.

“hinatid na siya ni Jigs”  

“okay, I’ll go ahead..” sabi ko at aalis n asana ako pero pinigilan niya naman ako.

“Teka lang…pwede ba kitang makausap?” sabi niya..

Ngumisi nalang ako at tumango.

-rooftop-

Pareho kaming tahimik

 mga ilang minuto at binasag na rin niya ang katahimikan…

“hindi ko alam kung anung plano mo kay Aki…. Pero tol, babalaan na kita, kung pinaglalaruan mo lang siya..pwede bang itigil mo na.”

Napatigil ako sa sinabi niya…

“wala akong pakialam sa iniisip mo” sabi ko sakanya…

Lumapit siya sakin at sinutok niya ako. Natumba naman ako . lumapit siya at hinawakan niya ang kwelyo ko.

“tol, alam ko na mahilig kang makipaglaro sa mga babae… pero pinapaaga ko na sayo na kapag nasaktan siya, kalimutan mo ng magkapatid tayo” sabi niya.

Ngumisi lang ako kay Jeff, ganyan niya kamahal si Aki?

Pero hindi ko parin siya isusuko…

“dude, alam kong mahalaga siya sayo…pero mas mahalaga siya sakin” sabi ko sakanya.

Binitawan niya naman ang kwelyo ko… at tinalikuran na niya ako…

------

Pagkarating ko sa condo ko, dinial ko ang number niya.After a seconds sinagot naman niya.

“bakit?” sabi nung nasa kabilang line

“babe!, nakauwi kana?” sabi ko naman

“oo” –siya

Anu ba namang klaseng paguusap to… ang tino diba?!

“may problema ba?” tanong ko sakanya

“wala”-siya

“tsss…ayaw mo kong makausap, sige bye” –ako

Ibababa ko na sana, pero agad naman siyang nagsalita…

“Teka nga lang…alam mo nakakainis ka..Ungas ka talaga” sabi niya

Natawa naman ako sa sinabi niya..halatang naiinis nga siya saken..

“may ginawa ba akong mali?” –ako

“sa tingin mo?” –siya

“wala” sabi ko , wala naman talaga akong maalalang maling ginawa ko..pasalamat nga siya binigyan ko siya ng bulaklak kanina na tinapon naman niya.

“ewan ko sayo!, bahala ka nga!”sabi pa niya…

Hinihintay kong babaan niya ako pero di niya binababa… di ko talaga mabasa ang iniisip niya…pero sa totoo lang natutuwa ako kapag ganyan siya..

Huminga akong malalim…

“sige, kung may nagawa man akong mali sayo…sorry na” sabi ko

“apology not accepted, explain first” –siya

I dare to love you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon