Chapter 29 (Remaining days *Day 2*)

997 25 0
                                    

Aki’s POV

NAKAKABADTIP, akala ko ba ..gagawin niyang ‘the 3 remaining memorable days’? ..I admit, memorable yung kahapon.. pero ngayon? 2nd day ahh… bakit wala? Di niya ako tinext mula pa nung umaga.. so pumasok nalang ako, no choice ehh..

“tol, what’s with your ampalaya face?” tanong ni Jigs, nandito kasi kami sa sp ngayon, break na kasi, at yung last subject namin practicum sa p.e, ee tapos na kami..kaya tumatambay nalang kami ngayon...ang aga pa naman para umuwi diba? Alas kwatro palang.

“ampala your face!” naiiritang sigaw ko sakanya…

Badtrip na nga ang tao, aasarin kapa!

“uh-ohh” –jeff

Hinampas ko naman siya…tapos nginitian niya lang ako,…

 nakakapanibago lang, ang tahimik niya..parang ang lalim ng iniisip lagi..medyo weird.

“isa lang naman ibig sabihin niyan, it’s either naiinis ka for an unknown reason” comment naman ni cassy, sabay tingin kay Jigs…

Nakakasama na rin namin madalas tong si Cassy since close na rin naman sila ni Jigs. Ewan ko ba kung anung meron sa kanila..hehe…Parang nakakahalata na  nga ko sa dalawang to ehh… alam ko naman na may gusto tong si Cassy dito kay Jigs, pero si JIGS? Yun ang hindi ko alam… ewan ko nga kung nakamove na nga tong utol ko sa Hana.

“LQ?” natatawang tanung ko sakanila

“sino?!/who?!” sabay silang sumagot…. Bagay na bagay. Isang loyal, at isang unfaithful!, playboy kasi yang si Jigs…ewan ko ba kung anung nakita niya kay Hana kasi maldita naman yun tapos seseryosohin niya daw?!…Pero buti nalang at naging close sila nitong si Cassy, ang cute kasi nilang tignan. Okay anung konek?, wala lang..xD

“kayo….alam nyo parang bagay kayo” –jeff.. Buti naman at nagsalita siya, kanina pa kasi siya tahimik..

“anu ba kayo, tropa lang kami niyan.. wag nga kayo” sabi naman ni Jigs, sabay tingin kay cassy…

“as if namang gusto pa rin kita... f.y.i. hindi na!!!! ” sigaw naman nitong si Cassy kay Jigs.

Nakakatawa talaga sila na nakakatuwa… naalala ko tuloy si Jiro , kung panu kami magaway..haha!, pero mas worst naman ata yung samen .…

“BABE!”

Napalingon kami sa sumigaw,

Sino pa nga ba ang pasulpot sulpot?!

Lumapit siya samen.

“Tol!” masayang bati sakanya ni Jigs… si jeff naman deadma lang…

“anu, tara na babe?” sabi niya…

“teka lang Ung-

Di ko na natapos yung sasabihin ko, tinignan niya kasi ako ng masama…

“teka lang babe” hininaan ko talaga yung babe para hindi nila marinig. Pero failed -_-

“BABE?!” sabay yung kambal, di kasi alam ni Cassy lahat, bago palang kasi namin siyang kasama.. ang weird naman kung ichichismiss ni Jigs sakanya ung contract thingy namin diba?!

Ngumiti nalang ako sakanila… yung ngiting nahihiya with ‘sabihin ko nalang next time’ look… tapos hinatak na ko ni Jiro…

“te-ka-san-ba-ka-si-ta-yo-pupunta?” hinihingal kong sabi sakanya, kanina pa kasi kami tumatakbo, nakalabas na nga kami ng school ehh..

Napakamemorable! Promise -_-

Hanggang sa huminto kami sa isang NET SHOP?!

Sa hinaba ng takbo namin? Netshop lang?!

I dare to love you (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora