jigs part 2 (pambihira)

816 23 0
                                    

Jig’s POV

Pambihira namang teacher yun ohh..., ako pa talaga ang magbabalik ng notes na to sa may-ari  ehh sya naman ang nagpahiram, kaya bakit?! Tapos ang aga pa nyang pinapass saken ung notes ko, iniscan nya lang? Pambihira talaga ohh...

Naglalakad ako ngayon  papuntang room, binuklat ko ung notebook na hawak ko, hindi ko na kasi naharap tignan kagabi kung sino ang may-ari, basta nangopya nalang ako.

“Cassy Rodriguez” teka eto yung pinupuri ni mam kahapon aa... iniscan ko pa yung notes at may nabasa ako, parang short poem ata.. .

Roses are red

Violets are blue

If you turn your eyes on me

I’ll be sweetest to you

If you let me love you

I’ll offer the best of me just for you

                                                -<3sy

“-<3SY?” seems familiar huh?...parang nabasa ko na din to pero di mismong eksatong ganyan kasi ganito yun ee “-</3sy”

Parang sa .....

Tama sa papel na ginawa kong souvenir, yung nakita ko sa may garden nitong nakaraang araw lang,...teka san ko na nga bay un nailagay. Hanapin ko nga saglit.

Naupo ako sa may bench, di pa naman time ee...

“-<3sy, -</3sy, ca-ssy....cassy?” sakanya nga to....

tama!

----

Classroom

Nilapitan ko si cassy para isuli nga yung notebook nya na pinahiram saken ni miss.

“sayo to diba, at ito” inabot ko yung notebook sakanya pati na rin yung papel na nakita ko sa may precious garden

Tumango lang sya.

“sya nga pala, kung sino man yung tinutukoy mo dyan sa papel, wala siyang kwenta” sabi ko sakanya.

“tama ka, wala ka ngang kwenta” pabulong na sabi nya, pero narinig ko pa din.

Teka, tama ba ako ng dinig? Ako walang kwenta? San naman galing yun.

“close ba tayo para sabihan mo akong walang kwenta”

“tss..yun na nga ehh, hindi !!! bakit kapa nagtatanong??!” pagkasabi nya yan umalis na siya...

“pinagsasabi nun?”

“ee kasi pare, trip ka nya kaso bato ka, kaya wala na” sabi nung kaklase ko.

“anu?” tanong ko naman, ang labo kasi ng mga tao, parang si Aki at kuya Jiro lang prang ewan lang.

“gusto ka nung tao, manhid ka lang” sabi naman ni Aki na kakasulpot lang

“panu mo alam?”

“feel ko lang...” sabi nya

“....” tumahimik nalang ako,  hindi ko naman kasi sila maintindihan ...

Teka hindi pa pala ako nakapagpasalamat dun sa notes nya..pero mamaya nalang..alangan namanng sundan ko yung taong nagwalkout?

I dare to love you (COMPLETED)Where stories live. Discover now