Chapter 2: Entanglement

Start from the beginning
                                    

Madali akong napaupo mula sa pagkakahiga. I popped two aspirins in my mouth and drank the water. I thanked Manang Belen matapos niyang sabihin na magpahinga muna ako at ipagluluto niya ako ng paborito ko.

I leaned on the headboard of my bed as I think of what happened last night.

Gantihan si Railee? Bakit ko naman gagantihan ang babaeng mahal ko?

We've been together for 3 years. Nagkakilala kami sa States pero sinagot niya ako nang pareho kaming umuwi ng Manila. I was so in love with her that I'm willing to do everything para lang 'wag niya akong iwan.

Although, my brother never liked her. Ginawa ko ang makakaya ko para magkasundo sila but Kuya Yulee refuses every time. Katwiran niya, may iba siyang nararamdaman kay Railee. I almost hit him when he said that but he made it clear na hindi niya talaga gusto ang girlfriend ko. That he's merely suspicious of Rai's true intentions.

Ibinigay ko ang lahat kay Rai. Lahat ng bagay na gusto niya. Maliban sa dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan.

I sighed out of frustration and fiddled my phone.

Ipakitang kayang mag-move on? Siya ang nawalan at hindi ako? Matutong humalik at makipagtalik? And what's with the proposition?  Ang gulo naman. Lalong sumasakit ang ulo ko. I decided to bathe and do my things first. Maybe it will lessen the pain.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at nag-ayos. Pupunta ako sa west branch ng DV Inc. para kausapin ang kuya ko at baka kailanganin niya rin ang tulong ko sa trabaho niya. Bago ako umalis ng kwarto, tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

My eye bags are covered by my spectacles. I have the most chapped lips. Healthy but. . .ugly. Ganito pala ako manamit? Ganito pala ako mag-ayos? Ganito pala lagi ang nakikita sa akin ni Railee? Isa siguro 'to sa mga dahilan kaya niya ako hiniwalayan. Dahil sa pananamit ko. Pagkilos ko. Pananalita ko. Bakit ba kasi lagi akong uutal-utal? Hindi naman ako bulol noong bata ako, a? Bakit ba 'ko dumating sa punto na 'to? I mean, paano ako nagkaganito? 

Multiple questions in one reflection but by looking at it, I can never have the answer.

I don't know how or when it started. 

I took my phone and wallet as I left my room. I told Manong Gardo to drive me to the office and he immediately get the car keys as I hop in the car. 

Tinatamad akong mag-drive. Besides, nararamdaman ko pa rin ang lightheadedness sa ulo ko.

Damn break-ups. Kung anu-anong ginagawa ng isang tao para lang mabawasan ang sakit.

* * *

Yulee Vinyl Del Valle guffawed just before I could finish my sentence.

"Grabe lang, bro. Hiniwalayan ka n'ya dahil lang do'n? Tindi, a," He shook his head as he locked my head in his well-built arms.

Kanina pa siya tawa nang tawa habang nagku-kwento ako. Tinanggal ko naman agad ang pagkaka-akbay niya sa akin. Mabuti na lang at wala rito si Dad ngayon. Kuya said he's dwelling at the south branch to check the remaining on-going projects. Kung sakaling nandito si Dad, baka nagkampihan pa silang dalawa ni Kuya para tawanan ang misfortune ko.

Kaya hindi sila tumatanda, e.

"Kuya, wa-wala namang na-nakakatawa," Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. I felt my brother's presence on the other side of the room, then I heard his deep sigh.

"Kung ganun, gusto mo bang mag-hire ako ng babaeng magaling humalik para sa 'yo?" I lifted  my head and saw my brother's mischievous smile. He wiggled his eyebrows as I gasped at what he just said.

Risqué Interchange (Revising) Where stories live. Discover now