Chapter 8: Diversion

38.2K 334 26
                                    

Chapter 8: Diversion

Erin

"Babe. . ." I nearly groan out loud in frustration when I saw him. Lakas talaga ng loob ng kupal na 'to.

"What're you doing here?" I spitefully exclaimed and arched my brow as I clenched my fist.

"I-I. . .Erin, please–"

"Ano ba, Ross? Stop it. Stop this nonsense. Stop chasing the girl you treated like a trash before. Stop following me and will you just stop calling me babe?!" I lost it. I couldn't hold myself from hollering at him.

I gritted my teeth. This is getting utterly tiresome. Umabot na sa puntong sobrang nakakagigil na. Tingin niya babalik pa ako sa kanya? Matapos ng lahat ng panggagago niya sa akin? Matapos niya akong iwan-iwanan at manipulahin? Ako na siguro ang pinakatangang babae kung babalik pa 'ko sa kanya.

"E-Erin, gusto ko lang naman magkabalikan tayo. Look, nagsisisi na 'ko sa mga ginawa ko sa'yo. I've been a stupid bastard who ruined you that's why. . .that's why I'm here to fix you again. I know you still love me, babe. I'm sorry."

Wtf.

"Ano ka sinisuwerte? Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo! At oo tama ka. You've been a stupid bastard and guess what? You're still that rotten stupid bastard. And I don't love you," pinasadahan ko pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Filling enraged, I scoffed. "Asa ka, gago!"

What he did next left me stupefied. Naglakad siya palapit sa akin at marahas akong hinalikan sa labi ko. I was having trouble struggling because he's much stronger and he's a foot taller than me. Malaki rin ang katawan ni Ross kaya nahirapan akong pumalag sa kanya.

"Bitiwan mo 'ko! Hmmp! Ross–I said let–let go!"

Pero imbis na bitawan niya 'ko, mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin at lalo akong hinalikan. Ramdam ko ang mainit na hininga niya at ang mahina niyang paghingal. Hinihingal na rin ako. The moment I tasted iron on my mouth, I stopped struggling and just clenched my fist at both of my sides as hot tears descended down my cheeks.

He suddenly stiffened. Slowly, his grip loosened as he pulled back and gaze at my face. He cupped both of my cheeks as I continued to weep.

"I'm–I'm sorry, I–" He wiped the lower part of my eyes as his thumb tucked under my chin making me look at him.

"So-sorry, Erin. Masyado lang akong–" That does it. I slapped him right on his face. Malakas ang pagkakasampal ko sa pisngi niya dahil agad itong namula. Sandali niya itong hinawakan at tumingin siya muli sa akin.

"Ang kapal ng pagmumukha mo!" I spat. My hand stung as it vehemently landed on his face for the second time.

Wala akong pakialam kung may mga nakatingin sa amin ngayon. Wala na akong pakialam. Naramdaman kong namanhid ang kamay ko kaya kinuyom ko ulit ito.

"Don't you dare show your face to me again. Hinding-hindi kita mapapatawad, Ross. Tandaan mo 'yan." Dinuro ko siya at mabilis na tinalikuran siya.  Tumakbo ako palabas ng building at dumiretso sa parking lot. Umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong iiyak ang lahat.

"Miss, 'wag ka nang umiyak. Kung sino man 'yang naging dahilan ng pag-iyak mo, hindi niya deserve 'yan," Hindi ko sana titignan kung sino ang nagsalita pero pamilyar ang boses niya kaya inangat ko ang ulo ko at nakita si Yuwan na nakangiti.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero imbis na punasan ang mga luha ko, niiyakap ko siya at imbis na tumigil ako sa pag-iyak, lalo pa kong na-iyak sa hindi ko malamang dahilan.

Risqué Interchange (Revising) Onde histórias criam vida. Descubra agora