Chapter 2: Entanglement

38.7K 277 8
                                    

Chapter 2: Entanglement

Yuwan

"Ow!" Napahawak agad ako sa ulo ko at marahang hinimas ito. Mariin akong napapikit sa sakit na naramdaman. Shooting pains all over my head. Not to mention, it's throbbing so painfully. Parang inumpog ito ng ilang beses sa sakit. Tipong binibiyak.

"M-manang!" I yelled. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Hindi naman hard ang ininom ko. Seconds later, Manang Belen, one of our loyal maids, peeped her head at my door. 

"Yes po, Ser?" I beckoned for her to come in and she obeyed. She stood still with a cozy smile on her face. I half-sit, half-lie on my bed as I thoroughly feel my senses. My head still hurts as I closed my eyes and weakly spoke to Manang Belen.

"D-do we have p-pain killers? O kahit anong pampatanggal lang p-po ng s-sakit ng ulo?" I frowned and grimaced as soon as I felt the throbbing once again.

"Ah. Meron pong aspirin do'n sa first aid kaso nasa kusina po. Sandali lamang po at kukunin ko," Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto kaya napahiga akong muli sa kama ko. Ilang saglit pa akong nakatulala lang sa kisame ng aking kwarto bago ako bumalikwas ng upo.

Umupo ako sa dulo ng kama ko at tinignan ang phone ko. I sighed, feeling the cloud of despair and disappointment scatter around my room.

Hindi pa rin tumawag o nagtext man lang si Railee. Kung bakit naman kasi kahit minsan sa tatlong taon na pagsasama namin, hindi ko siya nahalikan? Hindi rin ako marunong humalik. Kasalanan ko ba na wala akong experience sa pagtatalik? Kasalanan ko rin bang hindi ako marunong humalik? Kasalanan ba na masyado ko lang naman siyang nirerespeto kaya hindi ko naisipan na gawin ang mga ganung klase ng bagay 'pag kasama ko siya? Ayoko s'yang galawin habang hindi pa kami kasal kaya hindi rin ako nag-atubiling pag-aralan ang mga ganoong bagay.

I'm more than convinced that she's the one for me.

Napabuntong-hininga akong muli habang bahagyang hinihilot ang sentido ko.

Pero sandali. . .

Bukod sa nakipag-break sa akin si Rai, ano pa bang nangyari kagabi? A vague memory of last night's occurrence flashed in my mind in an instant.

"Name is not really important to me. Hindi na rin naman na tayo magkikita. At wala akong balak na maka-usap ka pa ulit sa susunod."

"Gusto mo bang gantihan 'yung ex mo?"

"I have a proposition to you."

Talaga bang nangyari 'yon? Oh baka naman nalasing lang ako masyado? But hell, no. According to Kuya, kahit gaano ka pa kalasing, hindi mo maaaring makalimutan ang mga ginagawa mo. You're still aware, you're just uncontrollable and dizzy.

"Tawagan mo 'ko sa number na 'yan kapag hindi ka na lasing. Baka kung kailang nandun na tayo, tsaka ka magba-back out. Alis na 'ko."

Agad kong kinapkapan ang mga bulsa ng pantalon ko at nakapa ko ang isang papel na parang sticky note. So it did happened?

'09987865643 Call me when you're sober enough to have a decent talk with me. I'll text you the location where we'll meet. -E'

What? 

Hindi maproseso ng utak ko ang mga kaganapan kagabi at dahil sa pagpipilit ko, lalo kong naramdaman ang sakit ng aking ulo at kaunting pagkahilo.

Dazed and puzzled, I abruptly lie down on my bed. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at nagsimula nang mag-unbotton ng polo shirt ko.

"Ser," Bahagya akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko, only to see Manang Belen pacing across my room holding a glass of water and a saucer. "Heto na po 'yung gamot at tubig mo."

Risqué Interchange (Revising) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum