What did Y'all Do to Her!!?

1.4K 50 2
                                    

- MONA TRINITY

"Ano bang kailangan n'yo sa'kin?! Nag quit na nga ako 'di ba?!" Bulyaw ko sa kanila. Dinala nila ako dito sa warehouse.

"Quit?! Baka nakakalimutan mo, Mona. Na ang salitang quit lang sa Frat na 'to ay kamatayan!" Sigaw ni Skylar.

Kinabahan ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Harish at Slim. Kahit sila gulat din.

I never heard that rule.

Nakakaloko namang nakangiti si Kent at Fens. Sarap nilang bugbugin! Grrr!

Naglakad si Skylar papunta sa billiard table. May mga baseball bats at kung anu-ano doon.

"Kaya ngayon, I'll show you the real quit that you're asking for." He smirked.

Binuhat ako sa magkabilang braso ni Kent at Fens. Teka?! Lapatayin nila ako?! No!

"Bitawan n'yo 'ko! Papatayin ko kayo! Mga walang hiya!"

Nagpupumiglas ako. Pero ang lakas talaga nila.

"Sa mga sinabi mo sa'min, parang sinabi mo na rin 'yan sa sarili mo, Mona." Cold pero makahulugan na sabi ni Kent.

Dinala nila ako sa harap ni Skylar. Hawak n'ya 'yong isang baseball bat.

Pero bago pa sya makabwelo dinuraan ko sya sa mukha at siniko ko si Kent at Fens.

Tatakbo sana ako palabas nang may biglang humampas sa likod ko. That made me weak. Kaya bumagsak 'yong katawan ko.

Hinatak ni Skylar 'yong uniform ko pataas para itayo ako.

"Tatakas ka pa ha?" He said with his deadly voice.

Binalibag n'ya ako sa billiard table.

Pinaghahampas nila ako ng baseball bat.

Oo masakit. Pero hindi ako umiyak..

Alam kong deserve ko 'to..

Dapat hindi na lang ako sumali..

Dapat hindi na lang ako nagrebelde..

Dapat tinanggap ko na lang na wala talagang ama't inang magmamalasakit sa'min..

Dapat nakuntento na lang ako..

Hindi 'yong ganito..

Ilang hampas pa ang naramdaman ko. Pero mayamaya. Biglang nawala 'yong sakit na nararamdaman ko galing sa hampas nila.

Sinubukan kong tumayo. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko. The more I try, the more I'm getting myself weak.

Then I just knew that..

I passed out.

- BLINK ASTIN

Hingal na hingal kong hinahanap 'yong warehouse ng Frat nila. Hanggang sa makita ko 'yong malaking itim na gate na may vandal.

Agad-agad akong pumasok. Hanggang sa..

Nadatnan kong hinahampas ng tatlong lalaki si Mona. Mas lalo akong nagalit kaya sinugod ko agad sila.

Tinadyakan ko sa tagiliran si Skylar at pinagsusuntok. Kinuha ko agad 'yong baseball bat n'ya at galit na galit kong hinampas sa dalawang lalaki sa gilid n'ya.

Bumagsak na 'yong isang lalaki. Lumapit 'yong isang babae sa kanya.

Hindi ko talaga kayo titigilan mga walanghiya kayo. Sinaktan n'yo ang babaeng mahal ko.

Tatayo na sana si Skylar nang inapakan ko 'yong dibdib n'ya.

"Kayang-kaya kitang tuluyan ngayon. Hindi na ako 'yong Blink na binugbog mo, ako na 'yong kaya kang patayin sa isang tadyak lang ngayon."

Nagulat sila nang malaman nilang ako si Blink.

Hindi makapagsalita si Skylar. Pero kita sa mga mata n'ya ang takot.

"Layuan mo na si Mona. Naiintindihan mo?" Madiin kong sabi.

Mabilis syang tumango kaya pinakawalan ko na sya.

Umalis na si Skylar at inakay na no'ng babae 'yong lalakeng bumagsak kanina.

Tumakbo agad ako kay Mona. Nakadapa sya sa billiard board. Binuhat ko agad sya. Naawa ako sa mukha n'ya nang makita ko. May dugo 'yong labi at noo nya. Lumapit 'yong isang babaeng co-frat member ni Mona.

"Hey, I'm Slim by the way. I'm a friend of Mona so please dont kill me."

I just nod. Ang focus ko ngayon ay si Mona.

"So what you'll gonna do next?" She asked.

"I'll take her home first." Sagot ko. Pero nakatingin pa rin kay Mona.

"Okay, if you allow me. I'll assist you outside."

I nod and smiled weakly.

What happened to my Mona?

My FRAT Girl Named Mona Trinity (Complete)Where stories live. Discover now