Who's this Little Girl?

1.9K 56 3
                                    

- MONA TRINITY

Palabas na ako ng gate ng Chane University nang may humablot sa braso ko at sinandal ako sa poste.

At dahil hindi ako nagpapaapi sa iba. Pinilipit ko 'yong braso ng humablot sa'kin at sya ang sinandal ko sa poste.

Then I saw.

'yong tatlong babae na nag bardge in sa classroom namin. Gugulpihin ko sana pero nagsalita 'yong isang babae.

"Hey! We're not here in front of you to get any trouble."

Binitawan ko 'yong kamay nya. Inayos nya 'yong uniform nya.

Cold lang akong nakatingin sa kanila.

"I-I'm Graham, sorry ah? We really don't mean it. Akala kasi namin ikaw 'yong pinapagtripan namin."

Tumango lang ako. Hindi ako interisado sa mga sinasabi nya.

"And by the way, heres Soul and Mahna." Turo nya sa dalawang babae.

"Sorry talaga ha? I think you're new here. Mahilig kasi kaming mantrip dito. First student kami ng Chane University, kaya sanay na kami sa school." Sabi nung Soul.

"Yeah, see you around!" Sabi ni Mahna. Naglakad na sila palayo.

Napailing lang ako at naglakad na rin.

--

Umupo ako sa kabilang sofa. Ang sweet ni Fens at Harish sa kabila, 'di ko kayang tingnan, tsh.

Nilapag ko 'yong bag ko sa sofa at tumayo. Kinuha ko 'yong yosi na nakalagay sa tenga ni Kent.

Sumandal ako sa edge ng billiard table habang kagat ko 'yong yosi.

"Kelan ba sunod na laban natin?" Tanong ni Fens habang akbay si Harish sa sofa.

"Hmm, alam ko bukas?" nagbibilliard na sagot ni Kent.

Nilingon ako ni Kent. Inabutan nya ako ng lighter. "Thanks." I said.

"Sasama ka?" He asked. Umiling ako. "Nah, my brother don't know such a thing in my frat life. I hate hiding secrets to him. Here in warehouse is enough."

He wink. "Alright."

--

Basang-basa sa ulan na pumasok ako sa loob ng bahay. I removed my shoes and drop my bag with them.

Nakaabang na nakaupo si kuya Cytus sa dining room. Nakatingin sya sa'kin.

"Princess, you're late. Seven-thirty na. Basang basa kapa. Change your clothes"

Bossing na bossing kuya ko ngayon ah?

Natawa ako. "Sorry kuya. Magpapalit lang ako. Wala ka bang pasok?" Tanong ko. Nakapambahay pa eh.

"Wala, bilisan mo magbihis. Kakain na tayo."

Habang papasok ako sa kwarto ko. Napangiti naman ako sa sinabi nyang 'tayo'. Minsan ko na lang sya makasabay kumain eh.

Lumabas ako ng kwarto. Bigla akong napatakbo nang makita kong kinakain ni kuya Cytus 'yong tuna ko.

"Kuya, akin 'yan eh!"

Kinuha ko 'yong topperware na may tuna. Nakanganga lang si kuya Cytus habang nasa tapat ng bibig nya 'yong tinidor na may lamang onting tuna.

I'm just glaring at him while he's in that position. Natatawang sinubo nya yung tinidor.

"Sorry." He said laughing. Naghain na sya at kumain na kami.

Pagtapos namin kumain. Nagtatalo kami ni kuya kung sino 'yong maghuhugas ng pinggan.

"Madaya ka kuya, ako lagi naghuhugas ng pinggan mo pag may pasok ka ah?!"

Madaya kasi! Nauuna sya lagi kumain pag may pasok sya edi ako naghuhugas ng pinggan.

"Ako nagluto saka sweldo ko 'yong pera na yan kaya dapat ikaw naman maghugas ng pinggan." Katwiran nya.

"Madaya! Ikaw dapat!"

"Ikaw."

"Ikaw!"

"Ikaw."

"Ikaw!"

"Sige toss coin na lang. Pag heads, ako ang maghuhugas. Pag tails, ikaw ang maghuhugas." Sabi nya habang hawak 'yong piso.

Tumango ako. Pero bago pa masalo ni kuya Cytus 'yong piso biglang may kumatok. Sabay kaming napalingon sa pinto. Kasi after so many years ngayon lang ulit may kumatok sa pinto namin.

"Sino 'yon?" Takang tanong ko.

"Ewan. Baka classmate mo?" Sabi nya, sabay lapit sa pinto. Classmate? Si Blink lang naman kilala ko don, saka 'yong tatlong babae.

Binuksan nya 'yong pinto. "Sino 'yon?" Tanong ko, mukha namang walang tao.

"Wala naman." Sabi ni kuya Cytus.

Lumapit ako sa pinto. Wala nga. Lumingon-lingon ako.

"Hoy, nandito ako!"

"WAAA!!" Sabay kaming napasigaw ni kuya Cytus nang makita namin 'yong kumatok.

Isang maliit na bata. And.. she's really cute.

My FRAT Girl Named Mona Trinity (Complete)Where stories live. Discover now