Saved by the Nerd!

2.5K 56 0
                                    

hello folks :) keep reading!

- MONA TRINITY

umuwi ka ng maaga.

Basa ko sa text nya. Anong oras na ba? Tiningnan ko 'yong wrist watch ko. 6:30.

"I should be going." Pagpapaalam ko kay Harish.

"Aga ah. Curfew from your brother?" I smiled at her nodding.

"Pinapauwi ako ng maaga, eh." She chuckle. "Alright, go ahead. Ingat sa pag-uwi!"

Sinukbit ko na sa kanang balikat ko 'yong jansport ko. I was about to reach the door when Skylar called me.

"Hey Mona." Tumakbo sya palapit sa'kin. "Maaga pa ata para umuwi kana?"

I just give him a tsk. Lumabas na ako sa warehouse.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin?" Nilingon ko sya. "Wala kana don."

Hinablot nya 'yong braso ko at pilit na hinarap sa kanya. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko. While I'm looking at him coldly.

Nyemas na lalakeng 'to, gusto ko nang umuwi. Tss.

Palapit na nang palapit 'yong mukha nya sa'kin. Anong gagawin ng gagong 'to?! Kumukulo lalo 'yong dugo ko habang palapit nang palapit sa'kin.

Nang may naanigan akong naglakad sa 'di kalayuan sa'min. Naka uniform ng university namin.

Nilingon ko sa mata 'yong naglalakad. It's Blink.

I have barely no choice, kailangan ko nang idamay si Blink. Kaso baka mabugbog sarado sya ni Skylar, wala pa namang palag 'yan.

Tinulak ko 'yong dibdib Skylar.

"Hey, Blink!" I greet him while waving my right hand to him. Nabulabog naman ang nakayukong si Blink habang naglalakad, wearing his glasses.

Tumakbo ako palapit kay Blink at gulat na gulat naman sya nang inakbayan ko.

Magsasalita pa sana sya, pero hinila ko na sya palayo. I saw Skylar's face. Takang taka sya sa ginawa ko.

Nang makalayo na kami. I let him go. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi parin ata nakakarecover ang nerd tss.

Buti na lang hindi sya binugbog ni Skylar. Kung nagkataon ako rin ang magiging shield ni Blink psh.

"Why's that?" Basag nya sa awkward silence.

Hindi ko sya sinagot. Naglalakad lang ako nang nakapamulsa.

"W-why did you do that? gusto mo ba akong ipabugbog sa boyfriend m--."

"He's not my boyfriend." Mabilis kong sabi.

Natahimik naman sya. Napagkamalan pa nyang boyfriend ko si Skylar, err for pete's sake.

"Leader sya ng Frat namin."

Nanlaki naman 'yong mga mata nya. "You're including in a Frat group?!"

Ewan ko kung anong i-rereact ko, so I nod.

"Cool."

Naalala ko na pinapauwi nga pala ako ng maaga ni Kuya Cytus, madilim na.

"I have to go. See you tomorrow, nerd."

Naglakad na ako ng mabilis. I left him standing there. Bahala na sya dun, kaya nya na yung sarili nya.

--

~ BAHAY NAMIN ~

"Kuya, nandito na 'ko." sabi ko pagpasok ng pinto.

Lumabas galing sa kusina si Kuya Cytus suot ang isang violet coat. Mukhang papasok na sya sa trabaho.

Call center agent si Kuya Cytus, 10pm to 7am ang pasok nya kaya pag-uwi ko, paalis na sya.

Sinabit ko na 'yong bag ko sa likod ng pinto at dumiretso na sa kusina.

Umupo na ako sa pangalawang upuan at naglagay na ng pagkain. Bigla kong napansin, nakasabay si Kuya Cytus sakin maghapunan? Himala ata 'yon ah. Kadalasan kasi umaalis na sya agad kaya hindi na nya ako nasasabayan kumain.

Sumubo ako ng isang kutsara. Pagkatapos kong ngumuya. "Hmm. Himala, nakasabay kang kumain sa'kin ngayon."

Tumigil sya sa pag kain. Tiningnan nya ako sabay ngiti. "Ayaw mo 'yon?"

"Hindi. Gusto ko nga eh. Sana lagi ka na lang sumasabay sa'kin." Malungkot kong sabi. Yep. Pagdating kay Kuya Cytus, may ekspresyon ako. Ang mukha ko, ang pagsasalita ko.

Ulila na kaming dalawa sa mga magulang namin. Walang nakakaalam kung ano talagang nangyari sa kanila. Psh. Wala narin naman akong balak alamin yun. Tanggap ko na naman eh.

Nang tapos na si Kuya Cytus na kumain. Tumayo na sya at inayos na 'yong sarili nya.

"Alis na ako princess, ikaw na muna bahala dito ha. Hugasan mo 'yong pinggan pagtapos mo, magbihis kana." He tap my head then he left.

When I heard the door closed. Napabuntong hininga ako.

Pinagmasdan ko 'yong average na bahay namin. Humakbang ka lang ng onti sa bawat sulok nasa sala, kusina, kwarto, cr kana. Kahit maliit lang 'yong bahay namin. Masaya at kuntento na ako.

Uminom na ako ng tubig at tumayo na para maghugas ng pinggan. Pagkatapos, pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis.

A/N: Mona Trinity :) =>

My FRAT Girl Named Mona Trinity (Complete)Where stories live. Discover now