Chapter III

4.3K 136 5
                                    

Nagulat ako sa umagaw ng atensyon ko, isang lumang school na sobrang nakakatakot. Di maganda ang pakiramdam ko sa school nato' siguro marami nang pinatay dito, at mapapansin mo na ang school nato ay talagang hindi pinapasukan ng studyante dahil sa sobrang kalumaan nito. Pumasok ako nang makita ko na may gate. Pagpasok ko palang nakaramdam nako ng kaba at feeling ko maraming nakatingin sa akin habang naglalakad ako papunta sa school nayun, nakucurious kasi ako kung anong meron sa school nato. Kakaiba talaga siya.

Ang tapang ko naman na pasukin tong skwelahang to. Ni hindi nako nag isip ng kahit ano basta ang alam ko gusto ko makita kung ano ang meron sa loob ng school nato.

Hanggang sa pagpasok ko nagulat ako, dahil may humawak sa likod ko.

Nagising ako, At nagulat ako dahil si Daddy pala ang humawak sa likod ko. Kanina pa daw niya ako ginigising dahil nagsasalita ako.

Nang tinanong ako ni daddy kung anong balak ko, naisip ko na kailangan ko na palang mag enroll dahil malapit na ang pasukan. Ilang araw nalang ay magiging busy nanaman ako.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang aalis na kami. Dun ko lang naalala na may pupuntahan pala kami ni daddy dahil sa sobrang katakawan ko, di nyo naman mahahalata kasi di ako gaanong mataba, payat kumbaga. Haha.

Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay nagpaalam ako kay daddy na pupunta ako sa school na pag eenrollan ko.

Nagtanong tanong ako kung saan ba matatagpuan ang school nayun ngunit bigo akong makahanap ng sagot.

Kesyo wala daw ganung school dito. Eh paano nangyari yun?
Habang naglalakad ako may umagaw ng atensyon ko.

At yun ang 'HAUNTED ACADEMY'

Pinagmasdan ko itong mabuti at kung mapapansin ay meron na siyang kalumaan pero di mo mahahalata kasi malinis ito. Eto na pala yung school na hinahanap ko.

Nang tutunguhin ko na ang paaralang ito. Bigla akong nagulat kasi may humawak sa likod ko.

Paglingon ko

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα