CHAPTER 6: A Day to Remember

561 36 35
                                    

CHAPTER 6: A Day to Remember

(CAMILLE'S POV)

Nagbibike ako sa may sidewalk dahil marami sasakyan sa kalsada baka mahulog pa mga dala ko.

lalalalalala...

Sa sobrang ingat at pagtingin sa mga dalahin ko, hindi ko napansin na may taong tumalon mula sa puno.

Bigla niya akong hinarang.

"Aaahhhhhhhhhhh!!!!!!!" Napasigaw ako. Nahulog rin ako sa bike sa sobrang gulat.

"Sorry! I didn't mean to scare you! I just want to say hi."-Kyle

"Ikaw?!"-Ako

"Oo ako..It's so nice to see you here."-Kyle

"P-pero bat galing ka sa puno? Bahay ko to bakit nandito ka?"-Ako

Yung itsura ni Kyle mukhang nahihiya siya at nag-aalangan magsalita

"Nagpapahinga lang ako sa taas. Kasi..... I moved in today."-Kyle

"San?"-Ako

Umiwas yung tingin ni Kyle..

"There."-Kyle

(O__O)

"You moved next to my house?!!!!"

"CUT!!! Good take everyone! Alam ko pagod na kayo kanina pa tayo dito. Let's have a break!" -Direk Jack

Ooopss.. Wag padala. Shooting lang yon, hindi talaga ganun kabait si Kyle sa totoong buhay.  

At aminin niyo ang korni ang scene noh. Sisihin natin yung author wala kwenta mga ideas.

Pangatlong araw na pala namin to magshooting. Nandito kami somewhere in Quezon City. Tinatapos lang kasi namin yung mga scenes na dito ang setting. Yung story kasi ng movie namin is about a girl and a boy who lived happily ever after.. The end.... Hehe joke lang.

 "The Boy Next Door" is about a girl na may perfect boyfriend, mayaman, gwapo, matalino, at higit sa lahat mahal na mahal siya. Pero nagkaroon ng 360 degrees turn ang buhay niya nang lumipat sa kabilang bahay ang kanyang first love. Ang kanyang ex na nagpaiyak sa kanya ng sobra. Magiging close sila at marerealize niya na mahal pa niya ang kanyang first love. Pero maiiwan ba niya ang kanyang perfect boyfriend para sa isang taong dati na siyang iniwanan?? Magagawa niya kayang saktan ang taong nagmamahal sa kanya para sa taong mahal niya??

Hmmm... Secret!!! Pero siyempre alam niyo na mangyayari sa huli dahil si Kyle ang bida at siya si Ken, ang first love and Boy Next Door. So siya ang makakatuluyan ni Shania or yours truly sa ending.

 Naupo muna ko sa isa sa mga tent para magpahinga. Gusto ko sanang pumunta sa isang trailer para matulog kaso may mga zombies na nakaharang. Ang tinutukoy ko lang naman na zombies ay yung mga fans ni Kyle. Grabe sila walang magawa sa buhay nakuha pang magcamping sa labas. Parang zombies kasi.

Nakapanood na ba kayo ng movie na may ganun??  Yung tipong kami na lang ang natitirang tao sa mundo tapos nasa labas sila ng fence matiyagang naghihintay ng biktima. Pareho lang behavior nila, ang wild parang mga gutom kung isagaw ang pangalan ng kanilang idol. Haay, ang sarap itapon ni Kyle dun at ewan ko lang kung makakalabas pa siyang buhay. Hahaha! Mali pala! Wag na lang baka maghiganti yon. Lapain pa ko.

 Sumasama sa 'kin minsan si Rose dahil nagvolunteer siyang tumulong at samahan ako. Enjoy naman siya sa ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang tutal minsan lang kami nagkikita ng manager ko na si ate Emma. Marami rin siyang stars na hinahawakan. Today wala si Rose, lonely ako.

Loveteam (Ongoing Series)Where stories live. Discover now