gusto ko magalit sayo
gusto kong sabihin na ako lang
. ...na kulang.
kulang ako sa atensyon.
alam ko na napaka daya din non.
pero masama ba?masamabang humingi ng pagkakataon?
minsan sa kabilang dako ng bintana akoy naka tulala.
iniisip ko ako lang ba ang nag aalala
sino ba ang tanginang boses na naririnig ko
sinasabing tumalon na ako
atensyon. atensyon nga ba ang kailangan
ng kaluluwang uhaw sa kaalaman
kung hindi mapagbibigyan
sino pa ba ang aasahan
bigkis ng unan di na maaaring hanapin
bsang basa na sa luha ng pag amin
aminadong wala nang pag asa
asal batang nagwawala
oo , hindi , medyo magulo.
medyo nga ba o talagang may dulo
humihigpit ang kapit ng dilim
tuluyan na nga bang nag takip silim
nakakabalisa ang tunog ng orasan
habang tumatagal ito ay nagugustuhan
handog ng ilaw di na kailangan
kampante na sa kinalalagyan
YOU ARE READING
Walang Love
Poetrya collection of poems, anecdotes about a writer's misadventures in Love.