Bayani

10 0 0
                                    

Naglipana na ang mga ibon sa himpapawid.

Ilang milya na ang aking tinakbo at tinawid.

Bakit kahit alam kong masasawi ako,

pinapatama ko parin ang bala para lang sayo?

Kahit tinataboy, buong pusong nagmamahal.

Hanggang kailan ako magtitiis sa lahat?

Mistuang nadamay lang ako sa giyerang to

Minsan napapaisip ako kung kasalanan ko ito.

Araw araw akong namamatay upang buhayin ka

Kahit hindi mo hiniling na mahalin ka.

NApapaisip kung bakit hindi mo maintindihan

Eto na ulit, sasabihin ko na, Kase mahal kita.

Hanggang kailan mo hahabulin ang mga ibon?

Habang andito ako sa likod mo , hinaharangan ang mga bomba upang di ka tumilapon.

Sa kahapon, hanggang doon na lang ako umaasa,

dahil wala nang natira para bukas, wala ka nang tinira.

Ang hirap palang magmahal ng totoo.

Buong loob kang susugal kahit alam mong talo.

Nasa alapaap ka na sa kakaisip,

Hanggang kailan ba? Dahil malapit nang mainip.

Ayokong mapagod dahil may nakikita ako.

Naaaninag kong, tayo parin sa dulo.

Ngunit baka ako na lang ang nakakakita,

Dahil tuluyan ka nang nabulag sa mga bala. 

Walang LoveWhere stories live. Discover now