PROLOGUE

0 0 0
                                        

Mabilis niyang nahagip ang aking paa sa aking pagtalon mula sa ibabaw ng container ban dahilan upang mapasama ang aking bagsak. Shit! Bakit hindi ko agad yon nakita? Bwisit na lalaki to! Napadaing ako ng bigla niyang tapakan ang kanang mga daliri ko. How dare him?! Omg! My fingernails! Kabago bago ko pa lang yan pinamanicure ha!

Kaagad naman akong nakabawi at gamit ang kaliwang paa ko nasipa ko siya sa kanang pisngi niya. Nagulat siya sa nagawa kong yon at malamang ay napaatras siya sa lakas ng pagsipa ko. Mabilis akong nakatayo at bahagyang umatras palayo ng unti sa kanya. Napangisi naman ako ng makita ko ang pulang likido sa gilid ng labi niya. Tsk! Tsk! Napurihan ko yata ang magandang mukha niyang mukha. Nice. Tamaan ka ba naman ng takong ng sapatos.

"Fvck!"

Rinig kong mura niya sabay pahid nito ng hintuturo niya. Nagtagis ang mga bagang niyang napatingin sa akin. Pulang pula na rin ang pisngi niya sa galit at inis. Mas lalo akong napangisi sa reaksyon niyang iyon. Sige pa, mainis ka pa lalo nang magenjoy din ako lalo sa laban nating ito. Nagsisimula na akong ganahan dahil sa mga reaksyon niyang pinapakita. Naaapektuhan ko siya ng aking mga kilos. Kaya lang hindi niya makita ang aking pang-inis na ngisi dahil naka-mask ako. Half lang din naman saka naka-hood pati ako pero kahit na. Gusto kong ipakita sa kanya ang bored na bored ko ding ngisi nang sa ganon magpatuloy na siyang maging aktibo sa labanang ito para naman maganahan ako. Nagsisimula pa lang kasi. Sana naman magtuloy-tuloy na.

"Iba talaga pag ganito ka kagwapo. Ang daming gustong mailigpit ka."

Naiiling at napapangisi niyang sabi. Aba! Iba talaga ang hambog na to! Nasa bingit na nga ng kamatayan, nagagawa pang magyabang. Kitilin ko na kaya ang buhay nito ngayon-ngayon din?

Nagulat ako nang bigla siyang nakalapit sa gawi ko at akmang sisipain ang tagiliran ko. Mabilis din naman pala ang kumag na to. Pero syempre mas mabilis at alerto ako kaya agad ko iyong naagapan at naharang ito ng aking braso. Ako naman ngayon ang manununtok sa leeg niya pero maagap din siya. Nahawakan niya agad ang kamao ko at mabilis itong inikot kaya pati ang buo kong katawan ay napaikot din. Shit!

"You mess with the wrong person, miss. Mind if I take off your mask, huh?"

Nang akma niya ng tatanggalin ang mask ko gamit ang free hand niya ay buong lakas ko din siyang sinipa sa binti niya at pagkatapos ay tinuhod ang mukha niya. Napaatras siya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at pinagsusuntok at sipa siya ngunit todo ilag naman ang ginagawa niya.

Nagsisimula na akong mabore sa labanang ito. Bakit pa ba siya nagpapabebe at ayaw niyang tumugon sa mga pinaggagawa kong pagsipa at suntok sa kanya? Tae na. Mauubusan pa yata ako ng oras sa damulag na unggoy na ito!

Lalapit na sana ulit ako nang mapansin ko kung ano ang nasa kamay na hawak niya.

Oh shit! No! Not like this!

He's not playing fair! The hell!

Huli na ang lahat dahil napakalapit ko na at inispray niya na sa mukha ko ang bagay na hawak niya. Fvck! I hate this smell.

Unti-unti ay nagblur na ang paningin ko at ang sakit ng ulo ko dahil sa baho ng bagay na yon. Nanghihina at pabagsak na sana ang katawan ko sa malamig na sahig na tinatapakan ko nang may dalawang pares ng kamay ang sumalo sa akin. Bago ko pa man mapikit ang aking mga mata ay narinig ko pa ang sinabi niya...

"Reigh..."

Parted WaysStories to obsess over. Discover now