Chapter 10 ~ Flashbacks

Start from the beginning
                                        

Ang isang 'yon ay isa pa lang pala sa mga pagsubok niya... Hindi ko alam na masusundan 'yon ng isa pa.

~flashback

Maayos ulit lahat, sa ngayon. Nakuha niyang ipaliwanag saakin na kailangan naming magkaayos, kung gusto pa naming magkaron ng 'kami'.

Kung tatanungin niyo ako, matagal ko nang kilala si Kent, kasabay ng nararamdaman ko para sa kanya. Tatlong taon, kung ikukumpara sa tatlong linggo, ay parang wala lang kung titignan. Ngayon ang araw kung kailan napagisipan kong, tapusin na. Tapusin na ito, at magsimula sa panibagong hakbang kung saan merong salitang 'kami' Sasagutin ko siya? Oo. Hindi ang panliligaw ang pinapatagal, kung hindi ang relasyon.

Nang malaman niya na okay na ang lahat, na meron na ngang salitang 'kami,' doon na, sa tigin ko nagsimula ang lahat.

***

Nandito kami sa isang class A Italian restaurant sa mall. Sabi ko naman sa kanya hindi niya kailangang gumastos ng ganito kalaki para lang sakin. Isa pa wala naman akong hilig sa Italian foods.

"And because this is our first 'official' date, gusto ko gawin 'tong special, for you ofcourse." ngumiti siya ng napakamalapad.

"Okay na saakin na masaya tayo pareho." uhm, hindi ako makasagot ng maayos eh ●~●

Er ... binigyan nanaman niya ko ng isang boquet ng bulaklak. Hindi ko na nga alam ang gagawin sa mga 'yon eh. Kapag malalanta na kumukuha ako ng isang tangkay at saka tinatago 'yon, and the rest, tapon na. Sa ngayon 9 na tangkay na ng magkakaibang klase ang meron ako.

Hanggang sa isang araw, well... Ito ang di ko talaga inasahan.

"Yas, pwede ka naman sigurong sumama. Ibang klaseng bar naman ang pupuntahan natin. Nandun yung pinsan ko, may ari ng bar."

"Pero hindi talaga ako umiinom. Tsaka, bawal din akong gabihin. Mauubusan ako ng sasakyan pauwi."

Inakbayan niya ko at nagsimulang magpaliwanag uli "You don't really have to drink. Sasamahan mo lang naman ako, minsan lang kami magkikita kita ng mga kaibigan ko. Tsaka, like what I said, pwedeng kami lang ang uminom. Hindi naman kasi siya totally kagaya ng ibang bar. In fact, meron pa ngang food menu doon kagaya sa restos."

"Sige na nga. Pero maaga tayong aalis don ha?"

"Sure." ngumiti uli siya matapos 'yon.

***

Nasa isang pabilog na table kami ngayon. May red wine sa gitna. Pinakilala na ni Kent saakin yung mga kaibigan niya daw. Sila Carl, Bruce, Christian at Ake. (pronounced as ache)

Since hindi naman sila mukang holdaper o kriminal, hmmm.. okay na din. Kanina pa kami dito actually. Usap lang sila ng usap na hindi ko naman ma-gets talaga.

"Sure win ka na nga pre! Balato ha." sabi ni Bruce

"Oo nga, kitang kita naman namin. Hahahaha! Lakas mo talaga." si Carl

"Hoy mga ungas, wag muna kayong pakampante diyan kay Kent. Panalo din ako tandaan niyo." singit naman nung Ake. Halos sila-sila lang naguusap. Yung christian yata tahimik lang.

Medyo familiar yung boses ni Ake. Parang napakinggan ko na dati. O baka kaya nagtatrabaho sa sa radio station? Hmmm... Pero mukang ka batch lang niya sila Kent at hindi pa siya nagtatrabaho.

"Uhm, Kent uwi na kaya tayo? Dumidilim na rin sa labas oh." binulong ko lang 'yon sa kanya kasi nakakahiya naman kapag narinig ng mga barkada niya.

"Psh. Mamaya na kakarating lang natin." amoy alak na siya. Kakarating daw? Kanina pa kami. Naghintay pa ko ng konti at tsaka nagaya ulit. Napapansin kong kung anu ano na lang ang pinaguusapan nila. Yung Carl nga knock out na, nakatulog. Yung Ake naman, nakikipagsayawan sa gitna. Si Bruce at Christian lang ang nandito kasama namin. At yung Christian, tahimik pa din. Si Bruce naman ang ingay masyado. Mukang di na nga niya alam ang ginagawa niya.

"HUUUUHWAHAHAHAHAHAH! Grabe kuuua, paaaaare!" si Bruce sigaw na ng sigaw habang tumatawa tawa pa.

"Hahahaha! Oo. Walang palpak 'to!" si Kent maayos pa naman magsalita pero nasa malayo ang tingin at parang wala na sa sarili. Dapat pala pinilit ko nalang siyang umuwi kami kanina. Kailangan na naming makauwi ngayon.

"Kent, umuwi na tayo. Gabi na." hindi siya sumagot kaya kinalabit ko siya sa balikat. Matagal tagal din.

"ANO BA?" nagulat akong nasigawan niya ko ng ganon. Sinuntok niya yung lamesa. "I'm enjoying myself here. Kung gusto mong, HUUUHWAHAHAHAHA!" tsk. lasing na siya. "K-kung gusto mong umuwi, edi umu--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil napatungo siya sa lamesa at... naghihilik na. Ano na bang gagawin ko? Parang hindi si Kent ang kasama ko ngayon. Kung alam ko lang na mababa ang tolerance niya sa alcohol, hindi na sana ko pumayag na sumama kami dito.

Tsk. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa muka ko. Ano bang gagawin ko? Pano ako makakauwi nito? Pano si Kent? Pano yung mga kasama niya?

"Huhahahaah! Nyare (Pare) Hahaha! keuulan (kailan) mo nga pala ibebreak si Yasmin puuuara (para) naman makuha mo na yung puuueraaa? (pera)"

Nung una hindi ko agad naintindihan yung bago nilang topic. Ang alam ko lang narinig ko ang pangalan ko.

Nakatungo si Kent pero nagawa niyang magsalita. "Bukas siguro. Paniguradong iiyakan niya ko. Hahahaha!" sa konting mga salitang 'yon, feeling ko nabiyak na ang buong pagkatao ko. Malabo man ang pagkasabi niya, malinaw na malinaw ang ibigsabihin ng mga 'yon saakin.

Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Ang alam ko lang, gustung-gusto ko ng makalabas sa lugar na 'yon. Nanghihina na 'ko sa kakalakad. Hindi ko alam kung nasaan na ko. Malabo ang mga mata, puna ng luha. Madilim yung buong paligid... Halos street lights lang ang nakikita ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako't nakalabas ako doon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pagod na ko kakalakad. Malayo na rin naman ang narating ko. Mas lalo pa akong minalas nang may masagi akong isang bagay. Heto na, napaupo na ko sa kalsada. Hanggang sa wala na ako sa katinuan, yun pa rin ang mga salitang iniisip ko. Niloko niya ko. Niloko niya ko. Niloko niya ko. Wala na. Napahiga na lang ako. Okay pala dito sa kalsada. Peaceful at walang maingay... Napaka bigat na ng pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang magpahinga ---

"Pare, may babae oh! Tangina sabi ko sayo swerte tayo eh!"

"Hahaha! oo nga. Langya may bingwit nanaman tayo."

Kahit ganito ang kondisyon ng mata ko, nagawa ko pa ring makita kung ano ang mga nasa harapan ko ngayon. May dalawang lalaking may balak na gawin. At, nahihilo na yata ako kasi naging isa na lang. Pero biglang nagkaroon ng dalawang bulto ng tao sa di kalayuan na nakahiga. Tingin ko wala na ako sa katinuan. Haaaaaaay.

"Yasmin, okay ka lang?" alam niya ang pangalan ko. Bago pa man ako makapagsalita, unti-unti nang nanlabo ang paligid ko kasabay ng pagdilim. Pagkatapos non ay ------

-------------- BLANK.

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Where stories live. Discover now