CHAPTER 26: SURRENDER

52 0 0
                                    

SOMEONE POV.

"Nasaan na ang inupahan mong tao? hindi kaya nahuli sila?...  tanong ng isang kausap nito habang nag-hihit-hit ng sigarilyo.

"malalaman ko rin naman yan! pero sa ngayon kailangan tayong mag-ingat dahil hindi natin sigurado kung loyal siya sa atin." pinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa ng dyaryo.

Villa_Safe House

Magkakasama ngayon ang mag-lolo nagkukulitan. Aliw na aliw ang daddy ni Abby kay Chloe dahil sa sobrang lambing nito at matanong.

"Lolo pagod na po kayo?" habang hingal na hingal na umupo sa sopa si Mr. Ramos.

"naku apo, magpapahinga muna ako saglit ha! wala pa ba ang lola mo? gutom na tayo." umupo ito na hawak hawak ang balakang.

umupo sa tabi niya ang apo na saktong padating naman ni Mrs Ramos na dala ang isang tray.

"Oh! Magmerienda na muna kayo, sobra mo ata pinagod ang lolo mo baby, alam mo naman tumatanda na." Sabay tawa at binaba na sa isang lamesa ang ginawa niyang bake macaroni at juice.

"Sinong may sabi sayo na matanda na ako?!" Galit galitan na tumayo at pinakita na malakas pa siya.

Sabay kapit sa bewang niya.

Tawa naman ng tawa ang apo niya at asawa nito. Nang makahalata na nakatingin sa kanila ay tumigil na sa pagtawa.

"Oh! Siya, hindi kana matanda! Ang sabi ko lang tumatanda." Inabot nito ang isang platito na nilagyan niya ng bake macaroni sa asawa atsaka umupo. Habang si Chloe ay kumakain na rin.

"Lola hindi pa ba uuwi sina mommy at daddy?" nagkatinginan ang mag-asawa bago sinagot ang apo. tuloy lang sa pagkain si Chloe na nakikinig sa sasabihin ng lola niya.

"naku! baby girl hindi ko pa alam pero siguro mamaya andiyan na yun, alam mo namang may inaasikaso sila sa opisina, dami nila naiwan na trabaho mula ng umuwi kayo galing paris." tango na lamang ang itinugon ng apo nila.

'ano na ba ang nangyayari Abby? bakit nangyayari ang lahat ng ito? pagkatapos ng sa kuya mo si Chloe naman! hindi ko na hahayaan pa na may mawala sa pamilya ko.' habang titig na titig siya sa apo ay bigla na lang tumulo ang luha sa pisngi niya.

na agad naman dinaluhan ng asawa niya at baka mapansin pa ng apo nila ay lalong mag-alala pa ito.

"Sweetheart matatapos din ang lahat! hindi ko na hahayaan pa ang nangyari dati." hinawakan nito ang kamay ng asawa bilang tugon na okey lang ang lahat.

Pagkatapos ng meeting ni Harold ay agad inayos ang gamit niya saka lumabas ng office at pumunta ng parking lot at pinaandar ang sasakyan.

Habang si Abby ay pumunta ng safe house kung saan si Charity ngayon.

"Abby! andito kana pala, may kailangan tayong pag-usapan!" pagkadating ni Abby ay agad silang dumiretso ng room niya.

umupo sila sa couch na tapat ng isang malaking picture frame niya.

"what's up?" --- habang nakatingin siya sa pinsan na mukhang seryoso sa sasabihin.

"Nik,.. nakita ko si tito Martin at ang daddy niya na magkasama sa isang restaurant." hindi man lang nagulat si Abby sinabi niya.

"yes! i know na may connection sila kaya nga gusto rin kitang makausap! tutal nabanggit mo na yan. kaya hindi rin ako nakapunta after ng papunta kami ng mansion." gulat na gulat si Charity sa sinabi niya.

My Fiance' raped me. Where stories live. Discover now