CHAPTER 15: CONVERSATION

71 0 0
                                    

Nasa suite sila ni Harold habang kausap nila sa skype ang ibang attorney na humahawak sa kaso ni Christian sa manila.

ito ang katulong nila sa pag-usad ng kaso.

"siguro kailangan na may isang tao ang kakausap sa kanya para maopen yung dating nangyari." habang nagsasalita si abby hindi niya maiwasan maalala ang nangyari sa pagkamatay ng kapatid.

sa ayaw at gusto niya eto lang ang way para matulungan din niya ang sarili na matanggap unti-unti ang lahat.

at para tuluyan na rin niya mapatawad si christian at matanggap ng buo ang sarili na magtiwala muli.

"Abby okey ka lang ba?" nag-alala ang pinsan ng makita na biglang tumahimik ito.

"yah, im okey! Cha ikaw ng bahala sa kaso ha.. alam ko mapapanalo mo yan! mauuna na muna ako sa inyo." tumayo na ito at palabas na sana siya ng bigla siyang tawagin ni christian.

"Abigail pwede ba tayo mag-usap kahit saglit lang, please" tumingin muna siya kay harold nakita niya ito na tumango at ngumiti sa kanya.

"okey!..." lumabas na siya.

sa dulo ng hallway na yun ay may balcony dun sila nag-usap.

nakatayo siya paharap sa katapat na building.

habang sa likod nito si christian niyakap siya nito hindi agad siya nakakilos.

"please! kahit saglit... hayaan mong yakapin kita ng ganito, mis na mis na kita! alam kong wala na akong karapatan sayo pero hanggang ngayon mahal pa rin kita. oo! may mga nakarelasyon ako pero hindi ko sila minahal tulad ng pagmamahal ko sayo. naging duwag ako na harapin ka! nang mga panahon na yun wala akong magawa dahil hawak nila ang nanay ko. kailangan ko siyang protektahan dahil habang hindi ko sila sinusuway naibibigay nila ang pangangailangan ng nanay ko." naramdaman ni abby na nabasa ang balikat nito. umiiyak ito.

humarap siya dito at nakikita niya na sobrang nasasaktan ito.

naguguluhan siya sa nararamdaman niya.

wala namang iba ginawang kasalanan sa kanya si christian maliban sa pagsunod sa magulang nito na labag sa kalooban niya.

hinawakan nito ang mukha niya at pinunasan ang naglalandas na luha sa pisngi nito.

"Christian wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari... naiintindihan kita kung sana lang nagtiwala ka sakin na sabihin ang plano ng daddy mo hindi siguro aabot sa ganito." hinapit siya nito.

"S-sana akin ka pa! sana tayo ang may anak ngayon! pero alam ko huli na ang lahat... s-sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko kayo na magkasama sana anak ko na lang si Bea. matatanggap ko siya sana mahalin mo ule ako." nangingilid na naman ang luha nito.

masasaktan din siya na nakikita ang lalake sa ganoong sitwasyon.

minahal niya din naman ito.

pero huli na ang lahat si harold na ang mahal niya.

"i'm sorry pero alam natin na hindi na pwede. sapat na sakin ngayon na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid ko. at pinatawad na kita!" humiwalay siya sa pagkakayakap nito sa kanya.

humugot ng malalim ng paghinga bago nagsalita muli si christian.

"salamat at napatawad mo na ako kahit paano lumuwag na ang pakiramdam ko isa na lang ang magpapagaan ng loob ko kapag naipakulong ko na si daddy yun man lang magawa ko para sayo. at tuluyan mo na akong mapatawad ng buo." ngumiti na to sa kanya.

My Fiance' raped me. Onde as histórias ganham vida. Descobre agora