BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE

Start from the beginning
                                    

Umupo na ito. Bumalik ulit ako sa harap at nagsimulang magklase. Naging aktibo si Cynthia sa klase. Marami ring humanga sa katalinung taglay nito sa musika. Tinuruan ko sila kung paano gamitin ang iba't-ibang uri ng drums.

Natigil ang pagtuturo ko sa isa kong estudyante nang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Tumayo ako at saka pinutahan ang pinto. Binuksan ko iyon.

"Yes---" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino ang taong nakatayo ngayon sa may pintuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are yo-----" Nanlaki ang mga mata nito. "M-Melissa.."

Malakas kong naisara ang pinto kaya napapitlag ang iba kong estudyante. Shit! Ano ang ginagawa niya dito?! Kinaiinis ko ang mabilis at hindi kontroladong pagtibok ng puso ko! Nakakainis, nakilala niya si Wright kaya ba bumilis siya ng ganito? NO! Hindi dapat!

Ipalaglag mo iyan.

Ipalaglag mo iyan.

Ipalaglag mo iyan.

Patuloy na umiikot ang mga salitang binitawan nito sa akin noon. Tama, wala na akong natitira pang pagmamahal sa kanya simula nung araw na gusto niyang ipalaglag ang anak namin. Wala na siyang puwang sa puso ko. Huminga ako ng malalim at saka inalis ang kahit anong emosyon sa mukha ko. Pagkatapos ay muling binuksan ang pinto.

"Nice reception we got there." May nakakalokong ngiti sa mukha nito. Parang gusto ko siyang kalmutin para mawala iyon. Nakakainis! "Ganyan ba ang isasalubong mo sa bagong estudyante mo?"

Sinundan ko ang tingin nito sa ibaba. Nakita ko ang isang batang babae na nagtatago sa may hita nito. Parang may pumiga sa puso ko nang makita iyon..

Is he..

Ipinilig ko ang ulo ko para maalis sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ba nasasaktan na naman ako? Tandaan mo, Melissa, itinapon ka na niya. Dapat magalit ka! Dapat hindi ako magpaapekto. Dahil sa mga naisip ko na iyon, nawala muli ang emosyong nsa mukha ko. Wala akong pakielam kahit na may anak siya.

"Hey, cute girl.."

Tumingala ito kay Wright at agad ding nagtago sa likod nito. "Tito, I'm scared."

Tito? Bakit nung sabihin niya iyon, parang nabunutan ng tinik ang puso ko. Parang feeling ko gumaan ang pakiramdam ko? Bakit nararamdaman ko na naman ito?! Hindi ito tama!

Lumuhod si Wright para magpantay ang mukha nila. Inilagay nito ang kamay sa ulo ng bata. "You don't have to be, Bobbie. Look at your teacher, does she look scary to you?"

Lumingon sa akin si Bobbie at saka nahihiyang kumaway. "H-Hi."

Hindi ko pinansin ang malalim na titig sa akin ni Wright. Binuo ko ang atensyon ko kay Bobbie. "Hello. Nice to meet you, Bobbie."

Inilahad kong ang isang kamay ko sa kanya, dahan-dahan naman niyang inilagay doon ang maliit niyang kamay. Inakay ko siya papasok ng classroom ngunit tumigil ito at lumingon sa likod. Si Bobbie lang ang lumingon, hindi ako.

"Be a good girl, Bobbie." Narinig kong saad ni Wright. "Nandito lang si Tito sa labas."

Nakita kong tumango si Bobbie at pagkatapos ay tiningala ako.

"Tara, ihahanap kita ng mauupuan mo." Nakangiti kong sabi rito saka hinila sa tabi ng isang lalaking bata. 

Habang nagle-lesson ako, pinipili kong 'wag tumingin sa may pinto. Kaya ang ginawa ko, pinasara ko kay Terence ang pinto dahil iyon naman ang batas. Kapag nagkaklase kailangan nakasara palagi ang pinto para maiwasan ang distraction.

I dismissed my class dahil magtatanghalian na. Kinuha ko lahat ng gamit ko at naglakad patungo sa may pinto. Walang tao sa labas, ni wala kahit na senyales na naroon si Wright. Huminga ako ng malalim saka dumiretso sa faculty. Doon kasi kami madalas maglunch nila Crissa. Pagbukas ko g pinto ng faculty ay bumungad sa akin ang katahimikan. Wala sa mga puwesto nito ang mga kaibigan ko.

"Bakit walang tao? Lunch na, a." Iginala ko ang mata ko sa paligid dahil baka nagtatago lang ang mga luka at pinagti-tripan ako.

Nasilip ko ang kinaroroonan ng desk ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing may taong nakaupo sa upuan ko. Agad akong lumapit. Nanigas ako ng makita ko si Wright habang kumportableng nakaupo doon. Hawak nito ang isang frame. Kilala ko ang frame na iyon, iyon yung frame na niregalo sa akin ni Reid nung kaarawan ko last year. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang ma-realize kung anong litrato ang nakalagay doon.

It was me and Reid. Picture namin iyon kasama si Jollibee.

Tumakbo ako palapit rito at marahas na kinuha ang picture frame. Itinago ko iyon sa likod ko. "W-What are you doing here?!"

Tumayo ito. Napaatras ako nang nag-isang hakbang siya papalapit sa akin. Naglaban kami ng titig. "Kinausap ko yung mga co-teachers mo na 'wag muna sila papasok dito dahil gusto kitang kausapin."

Usap? He must be joking! After so many years?

"What? Bakit mo 'yun ginawa?" Galit kong saad dito. Ngayong kaming dalawa lang dito sa faculty, hindi ko na itinago ang pang-uuyam at galit na nadarama ko sa kanya.

Huminga ito ng malalim. "I want us to talk."

Talk my ass! Ayokong makipag-usap sa isang makasalanang katulad niya!

"Wala tayong dapat pag-usapan." Malamig kong sabi rito. Patalikod na ako nang maramdaman ang kamay nito sa braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Matalim ko itong tiningnan. "Hands. Off."

Seryoso ang mukha nito. "Tell me, yung bata sa litrato, siya ba ang anak ko?"

******

UNEDITED. Iniklian ko talaga ito. Kalma lang tayo. Masisira kasi yung draft ko kapag hinabaan ko 'to.

UPLOADED: MAY 6, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now