BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminga ako ng malalim bago isarado ang pinto at lumakad sa papunta sa harap ng blackboard. Pasensya lang talaga ang kailangan sa trabaho ko. Since, exclusive school ito, hindi mawawala ang mga bratinella'ng katulad ni Cynthia.

"Good Morning, Ms. Quizon." Masiglang bati ng mga estudyante ko.

"Hi, Kids! Nagawa niyo ba yung assignment niyo?" Malambing kong tanong sa mga ito. Ang tinuturuan namin ay limang taon hanggang labing dalawang taong gulang kaya kailangan ng masidhing pasensya.

"Syempre. Ang easy lang naman n'un." Napatingin ako sa gawi ni Cynthia. Inirapan niya ako at saka nag-make face.

Pagpasensiyahan, bata iyan, Melissa. Halos kasing edad lang 'yan ng anak mo. Pero ang sarap tirisin! "Okay. Cynthia, can you recite your poem?"

"Why don't you just read it, 'wag kang tamad. Wala ka sa level namin kaya 'wag mo kaming utus-utusan. Hmp!" Masungit na sabi nito. Hindi ko makuwang magsalita dahil sa kagaapangan ng ugali nito. Napakabait i Mr. Cruz para magkaroon ng isang anak na may ganitong ugali. Sa tingin ko, may problema ang pamilya ni Cynthia ngayon kaya siya nagkakaganito.

Tumayo ang pinsan nitong si Terence. "Uy, Cynthia, sumosobra ka na, a!"

Tumayo na rin si Cynthia at dinuro ako. "Talaga naman a! Ayoko sa kanya! Hindi nyo ba napapansin? Inaakit niya ang Papa ko! Gold digger!"

Oarang may tumusok sa puso ko nang sabihin niya iyon. Parang nakita ko si Wright ng sabihin niyang Gold digger ako. Bakit ba ang akala nila lahat ng taong mahihirap, gold digger? Komo't mayaman sila, hindi nakahipo ng putik, hindi nakasinghot ng alikabok, ganito na sila kung umasta?

Ayokong magsalita. Alam ko kasing hindi maganda ang lalabas sa bibig ko.

"You're too imaginative, Cynthia." Sigaw ni Terence kay Cynthia.

"Kids, calm down. Please. 'Wag kayong mag-away." Umupo si Terence bilang pagsunod sa utos ko pero hindi si Cynthia. Nananatili pa rin ang tapang sa mukha nito. Pinalambot ko ang ekspresyon ko at malungkot na tumingin sa kanya. "Cynthia, hindi ko inaagaw sayo ang Papa mo."

"Sinungaling." Madiin nitong sabi. Nakita ko ang pagtakas ng luha sa mata nito. Agad naman nitong pinahid iyon.

Nilapitan ko ito at saka lumuhod para magpantay ang mukha namin. HInaplos ko ang malambot at madulas na buhok nito na tinatalian ng isang pulang ribbon. "Totoo ang sinasabi ko. Mahal ka ng Papa mo at mahal din niya ang Mama mo. Cynthia, ang gusto ng Papa mo ay ang magkaroon ka ng maraming kaibigan dito sa school, kaya sa akin kanya binilin ay dahil ako ang pinagkakatiwalaan niyang gagabay sayo. Ako, handa akong maging kaibigan mo, kung gusto mo."

Totoo ang sinasabi ko. Sinabi na rin iyon sakin ni Mr. Cruz. Masyadong masungit si Cynthia kaya wala siyang makasundo kahit sa mga pinsan niya. Maski ang mga guro at tutor nito ay sinusukuan siya. Wala itong kaibigan, kaya napagisip-isip ni Mr. Cruz na ibilin sa akin si Cynthia dahil alam niyang kaya kong i-handle ang ugali nito. Malawak daw kasi ang pang-unawa ko sa mga batang katulad niya.

"Talaga?" Tumango ako. Inalis ko ang luha sa tumakas sa isang mata niya. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Sorry po, Ms. Quizon. Sorry po sa nasabi ko."

"I forgive you." Hinaplos ko ang likod nito. "Tumahan ka na at magkaklase na tayo."

Lumayo ito sa akin. Nakita ko na ang magandang side nito na kahit sino ay hindi nakita. Puro nalang kasi kamalian niya ang nakikita ng ibang tao. Si Cynthia kasi yung klase ng tao na, gusto niya ikaw ang unang makikipaglapit at hindi siya. Mahiyain ito. Na-mi-misunderstood lang ng ibang tao. "Ang bait-bait niyo po."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon