MONICA
DEXTER POV
Nandito kami sa sala nanunuod muna ng palabas habang hinihintay sila
Maya maya pa ay may narinig na kaming tunog ng sasakyan kaya naman nag abang kami sa pinto at binuksan ito
Nakita ko naman na ang bilis maglakad ng mga Babae gutom na to malamang
Nauuna pa si baby girl naramdaman ko naman sa gilid ko ang paghawak ni Monica sa braso ko kaya agad ko itong inakbayan
"oh so bumalik na pala ang nagpapanggap na angel" napatingin naman ako ng masama Kay Danica
"Danica" saway ko dito napataas na rin ang boses ko
"sabi ko na nga ba at bad influence ka Monicang makati" nanunudyo nito Kay Monica
"Ano ba matuto ka namang gumalang sa kanya Danica" pasigaw na sabi ko ulit dito
"wow ha siya gagalangin ko eh apelyido pa nga lang niya na Dikagalang ay Wala ng galang at isa pa wow kuya ha ngayon pinagtataasan mo na ako ng boses" sabi naman nito na may pairap pa
"you like it or not gagalangin mo siya dahil girlfriend ko siya" matigas na sabi ko dito
"oh girlfriend mo na pala ulit tong babaeng higad na to" sabay turo pa nito kay Monica
Nakita ko naman itong hinila ni Aiko si Danica
"Tama na yan" sabi nito Kay Danica
"bitawan mo nga ako" sabay hablot nito ng kamay nito "wag ka ngang humarang sa pinto baka magkagerms pako" sabi pa nito at pumasok na sa bahay
"nga pala magaling kong kuya nasaan ba si ate Lee yung MAGANDA mong FIANCE? " tanong nito sa akin
Inempasize pa nito ang maganda at fiance
Si Panget Di ko nakita si Panget dahil na busy ako masyado kay Monica baka naman nasa kwarto na yun
"tignan mo sa Taas baka nandon" ang sabi ko nalang
Nakita ko naman na matalim ang titig ni Thalia kay Monica Bago nito hinila si Stane papasok
Hay
Nagsipasukan na rin yung iba
"baby bat di parin nila ako mapatawad maliit na kasalanan lang naman ang ginawa ko diba " sabi niya sabay kiss sa pisngi ko
"baby yung fiance na sinasabi ba nila ay yung yaya mo" tanong nito sa akin
Yaya si Panget
"yaya Hindi ko yaya si Panget ok" inis na sabi ko dito
Ewan ko ba at naiinis ako sa sinabi nito. Siguro ay dahil ayaw ko lang na may ibang nagsasalita ng masama tungkol kay pangit
"oh so Panget pala yung yaya mo" nakangisi nito sambit kaya iniwan ko nalang siya
"baby wait" habol nito sa akin
DANICA POV
Tsk bumalik pa talaga siya di na natinag
Pumunta nalang ako sa taas sumunod naman sa akin si ate Haylie
Pagdating ko sa tapat ng kwarto nila kuya ay agad ko itong binuksan Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto
"Ate Lee " tawag ko sa pangalan nito
Pumasok naman si Haylie sa walk in closet at ako naman ay cheneck ang banyo
"wala siya dito baby girl " sabay labas nito sa walk in closet
"wala din siya dito" sabi ko rin
"tignan natin sa garden o di kaya sa pool"
Kaya agad naman kaming bumaba
"Stane and Thalia samahan niyo ko papuntang Swimming pool baka nandon si Lee" sabi ni ate Haylie tapos ay umalis na sila
"kuya Anthony samahan mo ko dun Tayo sa garden" sabay hila ko Kay Anthony
Nakita ko namang sumunod si Aiko
"Ate Lee"
"Lee"
Tawag namin pero wala parin sumasagot
"Maghiwa hiwalay muna tayo para Mas mabilis natin siyang mahanap tapos Pag Wala siya kita nalang Tayo sa sala" sabi ko sa kanila
Naglibot libot naman ako pero hindi ko pa siya nakita
Lumipas narin ang Ilang minuto at hindi ko parin ito makita kaya bumalik nalang ako sa loob
Nakita ko naman sila sa sala kaya lumapit ako
"nakita niyo? " tanong ko sa kanila
"bat ba kasi hinahanap niyo pa ang yaya niyo kung pwede naman kayong maghire ng bago" napalingon naman kami kay Monica ng magsalita ito
"oh so lumalabas na ang tunay na Monica" sabi ni ate Haylie sabay ngiti ng nakakaloka
"kasi wala sa paligid si kuya alam mo naman kumakati yan pag wala ang amo" dugtong kupa sa sinabi ni ate Haylie
"Hindi na tayo magtataka kung makita natin siya na nakadapo na naman kung saan saan" dagdag pa ni ate Thalia
Hindi na kami nagulat ng umakting itong umiiyak kasi nasa harapan na namin si kuya tsk mag artista ka nalang girl mas bagay pa yun sayo
"itigil niyo na nga yan so nakita niyo na si panget?" tanong nito sa amin
"Hindi" sabay sabay na sabi namin
"oh my baka kinain mo na siya Monica mukha ka pa namang manananggal " sabi ko dito
"Danica" saway ni kuya sa akin
"eh kuya kasalanan mo to eh cguro iniwan mo si ate Lee sa kung saan tapos kung ano na ang nangyari dun" naghi hysterical na sagot ko
"oh sh!t" napatingin naman ako kay kuya ng mapasabunot ito sa buhok niya
"Bakit /Why " sabay na tanong namin sa kanya
"Hindi ko alam kung nakasakay ba siya kanina ng muntik na naming masagasaan si Monica ay binuhat ko siya at pinasakay sa passenger seat tapos pinasok ako then oh sh!t pina andar ko agad yung kotse di ko alam kong nakasakay ba siya o hindi" pag-aalala nito sa nangyari
"eh gago ka pala eh" nagulat nalang kami ng sinuntok ito ni Stane
"mas inuna mo pa yang higad na yan kesa sa fiance mo" sigunda din ni Anthony
"please guy's tama na" pakonyaring concern na sabi ni Monica
Alam ko namang pera lang ang habol ng babaeng to
Magbabayad silang dalawa pag may masamang nangyari Kay ate Lee
YOU ARE READING
Marrying My Panget
Action[Completed] "Love always starts with little games and disguise" Until..... "They realize" Si boy lahat nakukuha ng dahil sa yaman. Pero never siyang nambabae at loyal sa ex nito. Isang araw bumalik na sa Pinas ang mapapangasawa nito , sa takdang pa...
