"Time! Back off dude, off limits na kasi 'tong kaibigan ko e." biglang singit ni Nelo at sabay kindat pa sakin  ang loko. "Tara na, don't mind that scaredy-cat." Bored na tinignan niya ang nasa harap namin para sabihing wala sitang balak makipagtalo sa taong nasa harap namin ngayon. Walang iba kundi si Lodie Silvestre, ang President ng Supreme Student Government ng Steinford University.


Nagsinghapan naman ang mga taong nasa likod ni President Lodie dahil sa sinabi ni Nelo, mga officers din ng SSG.


"M-mr. Gringoire.. Y-you..!" nauutal na sabi nito habang turo-turo si Nelo, aakalin mong nakakita siya ng multo dahil biglang namutla ang mukha niya.


"I-i-ikaw na naman? A-anong ginagawa mo dito?" nauutal pa rin nitong sabi. Nawala na ang seryoso at mahangin niyang itsura kanina, napalitan na lang ito ng mukha ng pagkaalarma. Hindi niya ata napansin na kasama ko si Nelo kanina.


"Hm? Hindi ko rin naman alam na magkikita ulit ang landas natin... President Lodie." nakangising sagot ni Nelo bago humakbang ng isang beses papalapit sa kanila.


"H-huwag kang magkakamaling lumapit sakin!" banta nito. "Kung hindi.. k-kung hindi..!"


"Kung hindi, ano Mr. President?" cold na tanong ni Nelo. Nanigas sa kinatatayuan si President Lodie habang mas lumapit ang mukha ni Nelo sa gilid ng mukha nito. Ilang saglit pa, "Meow.."


"Ahhh!" tuluyan nang natumba sa sahig si President Lodie. Takot na takot ang itsura at nakatakip pa sa magkabilang tenga ang kamay niya.


Pfftttt..


Hindi ko mapigilan ang maawa sa kanya kaya naman kahit papano ay napigilan ko ang pagtawa ko. Hindi tulad nitong kasama ko, hindi  na nagdalawang isip pa at humalagakpak na agad ng tawa. Hawak-hawak niya pa ang tiyan niya habang turo- turo si President Lodie.


"Pfft.. hahahaha! Nakita niyo yon? Hahaha! That's the second dumbest expression I've ever seen! Hahahaha!"


"Lumayo ka... lumayo ka... l-l-lumayo ka sakin!"


"Pfttt. Hahahaha! As you wish, bye!"
sabi niya sabay hila sa akin palayo. 


"K-kilangan nilang m-maparusahan.. Hindi ko mapapalagpas 'to.. h-habulin niyo sila! Habulin niyo!" Halatang inis na inis ang mukha ni President Lodie na pulang-pula na.


"Next time nalang!" nakangiting sabi ni Nelo at sumaludo pa sa kanila.

Narinig ko pang sumigaw si President Lodie and the next thing I knew, hinahabol na kami ng officers ng SSG.

Isa siya sa mga nabiktima ng prank sa school kaya naman ang laki ng galit niya kay Nelo. Si Nelo din ang dahilan kung bakit nadumihan ang reputasyon niya sa S.U, yun ang sinasabi ng karamihan sa estudyante. Kumalat kasi sa buong school na ang Super Cool nilang SSG President ay may takot pala .... sa kuting. Hindi ko alam kung paano nalaman 'yon ni Nelo, nalaman ko nalang na ilang araw hindi nakapasok si President Lodie dahil sa aksidenteng 'yon.

~ ⏭ ~


Hingal na hingal kaming tumigil sa parking lot. Kasama ko pa rin si Nelo at dahil sanay na siya sa mga ganitong bagay,  nailigaw namin ang mga officers na humahabol sa amin.

"Woah! That was fun!" sabi ni Nelo. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakapagod kayang tumakbo! Ilang minuto din kaming nagpaikot-ikot bago kami tuluyang makawala sa paningin ng officers!


"Wah!"


"Ah!" halos atakihin ako sa puso nang bigla nalang may nag-angat sakin sa lupa mula sa likuran. Muntik pa kong ma-out of balance kung hindi mahigpit ang pagkakahawak sakin!


"Damn Vernon! Why would you do that?!" inis kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin at sabay pa sila ni Nelo na humalagpak ng tawa! Tawa lang sila ng tawa na parang wala ng bukas,  che! Mautot sana kayong dalawa! Hmp!


"K-kanina ko pa kayo hinihintay." sabi ni Vernon sabay punas ng luha niya dahil sa sobrang tawa, ts.


"Sorry bro, hinabol pa kasi kami ng officers ni Lodie." paliwanag naman ni Nelo. "Anyway, nakarating ba sila?"


"Nauna na sila." sagot ni Vernon.


Bigla namang sumeryoso si Nelo at hinarap ako, "It's never too late to begin again Nurene. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na nangyari sa nakaraan dahil walang isa sa atin ang ginustong mangyari 'yon." ginulo niya ang buhok ko bago kumaripas ng takbo.


"Sige, una na 'ko! Mag-iingat kayo!" naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa  papalayo niyang imahe. 


"He's right. No matter how hard the past was, you can always begin again." Vernon murmured to himself but enough for me to hear.


"Earth to Nurene?"

"What?"


"Let's go? sabi niya bago binuksan ang passenger seat ng kotse.

"Saan tayo pupunta?"


"Pupunta tayo sa kanya. Saan pa ba? "



It's never too late to begin again...

Maybe.. yes. But I'm still not ready for it.



~♡ Human Travesty

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 20, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

DEVEIRTER: Memory LapseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang