📝Memory 1
~🛡~
"Goodmorning Nurene." Nakangiting bati sakin ni Yna habang may hawak na eraser na punong-puno ng chalk.
"Goodmorning." Bati ko pabalik, "Need some help?" Alok ko.
"Mn, no thanks, patapos na rin naman ako. Ipapagpag ko nalang to sa labas."
6:25 AM, Friday.
Pagkapasok ko sa classroom, wala pang masyadong tao st kami palang dalawa ni Yna. Napaaga ata ang pasok ko ngayon, 7:00 AM pa kasi ang time at kadalasang late din ang dating ng mga kaklase ko.
Naupo akoko sa pwesto ko, sa may last row pangalawa sa tabi ng bintana to be exact.
Nakapalumbaba kong tiningnan ang labas. Kapansin-pansin ang nabubuong makakapal na ulap sa langit kaya naman unti-unting nagdidilim ang buong paligid. Bahagya ding umiihip ang hangin na nagpapagalaw sa dahon ng punong nakatayo malapit sa open court.
Mukhang uulan pa yata. Wrong timing, hindi pa naman ako nakapagdala ng payong ngayon.
Kinuha ko nalang ang cellphone sa may bulsa ko at pinaslak ang earphones sa tenga ko. Listening to music is my way of spending my free time. Pinindot ko lang kung anong current song sa music bago sinunod ang shuffle button. Hindi pa nakakabalik si Yna kaya naman tumungo nalang muna ako, hindi ko napansin na unti-unti na pala akong napapikit.
Tatlong buwan na pala ang nakakalipas.
Ngayong araw ang eksaktong tatlong buwan simula nang mangyari ang bagay na 'yon. Marami ang nagbago at ayoko nang maalala pa ang mga bagay na 'yon.
Everything has changed after that accident.
"Nurene.. hey, wake up!"
Ramdam na ramdam ko na may yunuyugyog sa akin. Hindi ko 'yon pinansin dahil tinatamad pa akong kumilos. Siguro naman okay nang sign 'yon diba? Hindi mo dapat ginugulo ang mga taong ayaw magpagulo. Hindi ba nito nakikitang natutulog ako?
Lumipas ang ilang segundo na hindi ako kumibo. Hindi pa rin tumitigil tong taong to. Imbes na tumigil, mas lalo lang lumakas ang pagyugyog niya sa akin. Aish!
"Nurene! Gising! Nurene, naririnig mo ba ko?"
Napatayo ako at nagmulat ng mata nang biglang may humatak sa earphones ko. Bastos din 'to ah! "Ano ba!"
"Whoa, chill! Galit ka naman agad e."
Isang lalaki ang nakatayo sa harap ko, his hooded brown eyes matches his neutral dark blonde undercut hairstyle. Unang tingin mo palang, makikta mo na ang itsura ng playboy. But for some reason, he can still manage na pumorma bilang isang lalaking inosente na hindi mo aakalaing mas magiging masaya kung magugulo niya ang araw mo.
YOU ARE READING
DEVEIRTER: Memory Lapse
FantasySiya si Nurene Louise Marguerite Thitalia, isang babaeng ipinanganak sa isang mayamang pamilya. Sa loob ng maraming taon, lahat ng pagdedesisyon para sa kanyang sarili ay nakadepende sa isang tao. Dahil sa kagustuhan niyang tumayo sa kanyang sarilin...
