Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko ang taong nagsasalita.


"Nelo? Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Darnell, Nelo for short dahil yun ang nickname niya. Nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang nasuko sa pulis.  Hindi ko naman siya kaklase ah, anong ginagawa ng mokong na 'to sa classroom ko?


Ngayon ko lang napansin, halos nandito na pala lahat ng kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa gawi namin. Lahat sila nagtataka ang itsura at may ibang nag-uumpisa ng pagbulungan kami.  Malamang nagtataka sila kung bakit nandito ang infamous pranskter ng University. Hindi na siya nahiya at nagdire-diretyo lang dito sa loob ng classroom ko.


Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik na sa pagkakaupo. Nang tingnan ko  ang wrist watch ko, 7:47 AM na pala.


Aba himala, late ata si Sir Rannie ngayon? Never pa namang nale-late samin  yon dahil kabilang siya sa mga pinakamasisipag na professor dito sa Steinford University. Dahil maliban sa kami ang unang hawak niya, siya rin yung prof na kahit anong mangyari, papasok at papasok sa klase niya kahit na may event pa basta't walang official announcement na hindi dapat sila magturo.  Ganon siya kasipag. Kaya naman nakapagtataka kung hindi siya makakapasok ngayon. Baka naman may sakit?


"Are you listening to me?" sabi ni Nelo na kumakaway pa sa harap ko.


"Ha? Ano ulit? Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nandito?"


"Ang sabi ko, cancel ang classes ngayong buong araw kaya nandito ako. " iiling-iling na sagot niya. 


"Ano? Bakit hindi ko alam?"


"Malamang hindi mo alam! Pagkadaan ko kanina dito nakita na kitang nakatungo kaya malamang tulog ka nang mag-aanounce yung prof niyo." Paliwanag niya sa sakin.


Nilingon ko ang buong classroom at mukhang tama nga ang sinasabi niya, nagsisitayuan na yung mga kaklase ko at yung iba, bitbit na sa likod nila ang sari-sarili nilang bag. Tinanong ko pa si Yna para makasigurado, nalaman kong meeting pala para sa darating na Important Visitor ang pagme-meetingan nila. Biglaan daw kasi kaya hindi agad na-announce kahapon. Kadalasan kasing palaging one day before ang announcement nila sa mga walang pasok. 

"Oh ano? Tara na?"


"Saan tayo pupunta?"


"Saan pa ba? Huwag mong sabihing nakalimutan mo?" Sabi niya, pinanliitan ko siya ng mata. Wala akong ideya sa sinasabi niya.  "Tara na! Naghihintay na sila!"


Kinuha niya yung bag ko sa upuan bago ako hinila palabas ng classroom. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa hallway, may rules kasi dito na bawal tumakbo sa hallway and obviously, we're currently breaking the rules. 


Wala namang magawa ang mga estudyanteng nadadaanan namin kundi ang panoorin na lang kami.


Pababa na kami sa 2nd floor  nang may biglang  tumawag sa akin. "Ms.  Thitalia!"


Huminto ako at nilingon ang tumawag sa akin.


"Ba't ka humi--" naputol sa pagsasalita ni Nelo nang sundan niya ang direksyon ng paningin ko. 


May ilang estudyante ang nakatayo sa likod ng  nakacross-arm na lalaki habang inaayos pa ang eye glasses niya.


"You're violating the rules, Ms. Thitalia." Seryosong sabi nito na may kasamang ngiti. Ngiti? Oh, let me rephrase that, it's more like a smirk. "Pero kung papayag kang lumabas sa sabado, baka magbago pa ang isip ko." dagdag niya pa at mas lumapad ang nakakairitang ngiti niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEVEIRTER: Memory LapseWhere stories live. Discover now