◆Chapter 11◆

6.9K 112 12
                                    

"Ano ba naman yan nakaka-antok"

Sumandal ako sa upuan ng kotse at pumikit. Papunta kami ngayon sa coffee shop para asikasuhin ang nalalapit naming kasal, sa Saturday na gaganapin yun. Isang linggo na ang nakalipas simula ng sumugal ako sa larong ito, na tatanggapin ko na ang kapalaran ko kay Lucas. 

"Kent do really stress you out, I'm sorry for that"

Napahikab ako at pumikit. Mas lalo akong inaantok sa pagdradrive ni Lucas, para kasi akong hinihile, isali mo pa ang car freshener niyang lavender scent. Nakakarelax sumakay sa kotse na ito.

" It's okay,nag-enjoy din naman ako sa movie marathon na ako lang ang nanonood eh..."

Kahit nakapikit, randam ko ang pagngiti ni Lucas. Walang kwenta ang mag-ama, nag-aaya manood ng horror movie tapos matatakot lang pala. Kelalaking tao naduduwag sa movie na yun. 

"nahawa lang kaya  ako kay Kent " 

Binuksan ko ang isang mata ko at tiningnan siya, medyo hindi pa ako makapaniwala na nagpopout si Lucas, ang tanda na niya para sa ganyan. Nakakainis! Gusto kong ideny na cute siya sa ginagawa niya pero habang tumatagal napatitig lang ako sa lips niya, ang tamis tingnan nito, parang strawberry lang na matamis tingnan, nakaka-akit. Napa-awang ang mga labi ko na parang naghihintay sa mga labi na iyon. 

"Althea? are you with me? are you okay?"

Nabalik ako sa realidad ng bumungad sa harap ko ang nag-aalalang mukha ni Lucas, naramdaman ko din ang mahinang pagtapik niya sa mga balikat ko. Ano ba yan! ng dahil sa antok na yan kung ano ano na iniisip ko.

"Ha? ah ano nga ulit sinabi mo?"

Sumingkit ang mga mata ni Lucas at makahulugang ngumiti sakin. Teka ano na naman iniisip ng gurang na to? Bigla tuloy akong nahiya at kinabahan, na sana hindi niya napansing pinagmamasdan ko ang mga labi niya. 

"Tinitingnan mo ba ang lips ko?"

Malapad na ngayon ang mga ngiti niya at kumikinang ang kanyang mga mata, inirapan ko siya at hindi pinahalatang guilty ako sa tinatanong niya. Ibinaling niya ang tingin sa daan habang hindi padin nawawala ang mga ngiti sa labi.

"Assuming mo, nakatingin ako sa sasakyan na yon mukha kasing pamilyar sakin! Bawas bawasan din ang pag inom ng gamot mo Lucas nao-overdose kana yata"

Narinig ko siyang tumawa, napakaganda sa pandinig ang mga tawa niya, parang lullaby pakinggan.

"ewan ko sayo wife, take a quick nap first, malayo layo pa naman tayo sa coffee shop"

I didn't tend to answer him instead I close my eyes hanggang sa tuluyan na akong nakaidlip.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

"I want this one..esposa what do you think? It suits you well"

Tiningnan ko muna si Lucas ng nakakunot ang noo, ano ba talaga ang tawag niya sakin? Minsan Althea, minsan wife at pag topakin talaga magiging esposa. Ano ba? pakakasalan ko ba tong isang to mukha atang hindi siya sure sa pinapasukan niya eh. Ibinaling ko ang tingin ko sa isang sketch na gawa ng pinakasikat na designer dito sa Pilipinas, napamangha ako sa gawa niya. Sobrang ganda ng wedding gown na guhit niya, isang off shoulder, long sleeve lace, mermaid wedding dress. Talagang dinisenyo ito para talaga sakin na bagay sa katawan ko. Sketch palang ang nakikita ko pero napakaganda na nito, ano nalang kaya kung totoo na?

"Ang ganda"

Hanggang ngayon patuloy padin akong nakatingin sa design, hindi ako makapaniwala na ito ang magiging wedding gown ko. Akala ko noon mga prinsesa lang makakasuot ng napakamagandang gown at hinding hindi ko in-eexpect na pag ikakasal ato ito ang isusuot ko, it's beyond my expectation. This is what I always dreamt of, and now matutupad na iyon. Alam kong nakatingin sila Lucas at Mr. Buenavista sakin pero wala akong pake, halos maiiyak na ako sa lagay na ito. Hindi ko lubos maisip na nandito ako ngayon pinaplano ang dream wedding ko pero hindi na sa taong mahal na mahal ko. Eto yung plano namin ni Kin eh.. pero sa iba ko na pala magagawa,

Married To His Father (REVISING ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon