◆Chapter 9◆

7K 138 9
                                    

Sorry natagalan ng update, pahingi naman inspiration diyan, comment and vote and maybe bigyan niyo din ako ng opinion niyo so I can add it up or replace it to my old version! Thank you guys! Love lots!

****

Alas tres na ng madaling araw, nasa harap ko ngayon ang baso na punong puno ng gatas, nakahawak nito ang kamay ni Lucas, para sigurado daw na hindi na ako makakabasag ulit. Nakaupo siya sa tabi ko at sa harap naman si Kent. Pinihit ko ang straw--at nilagyan talaga nila ng straw-- at sinimulang laklakin ang gatas.

"So... I heard the news" Pagputol ni Kent sa katahimikan, nakangiti siya habang pabalik balik ang tingin samin ni Lucas. Mukhang hindi naman siya affected sa nangyari? bat parang masaya pa siya?

"Which news? we're getting married? or they broke up with your brother" Hindi ko alam kung nanunukso si Lucas o kaya wala talaga siya sa wastong pag-iisip. Hindi ba siya nandidiri sa mga pinagsasasabi niya? Kung edad lang basehan nandidiri akong pakasalan siya dahil ang tanda na niya sakin! He's almost 50! Compared to me na magtwe-twenty pa lamang. What the hell. But Althea, he's still hot and goddly attractive. Agad kong inalis ang thought na yun. Walang hiya, hindi ko tratraydorin sarili ko, hinding hindi ako ma-aattract sa kanya. Said who?

"So how is it going? is it going smooth?" Pinagmamasdan ko lang ang mag-ama na nag-uusap, sa too lang hindi sila mukhang mag-ama. Napakabata ni Lucas tingnan, para bang magkapatid lang sila nito, mas matanda pa nga tingnan ang dad ko to think magkaedad lang sila... ano kayang sekreto nito.

"I thought it will but it's really hard... they can't accept both that they're not destined for each other, that they have to part and face their own different path.. I know it's hard to believe Althea but you..."

Tiningnan ako ni Lucas, tiningnan niya ako gamit ang mga matang nakaka-akit, na puno ng sensiridad, mga matang nakakalunod. Gusto kong kumawala sa mga matang iyon pero hindi ko alam bakit hindi ko kayang maalis ang paningin ko sa kanya, lalo na sa panghuli niyang sinabi.

"You're destined to me"

Halos malaglag na ako sa kinauupuan ko. Walang hiya ka Lucas, sa edad mong yan may alam kapang mga banat ah? akala ko puro na life plan insurance iniisip mo eh.

"Yuuun.. naks maypa banat kapa dad! HAHAHA!" Tumawa ng malakas si Kin, sa pagkakataong ito nagawa kong makatakas sa tingin niya dahil randam ko na naman ulit ang pangigninit ng mukha ko. Nakakabaliw to!

Sinamaan ko ng tingin si Lucas pati nadin si Kent na siyang ikinatigil ng paghalakhak niya, nakahawak pa siya sa tiyan niya, wow enjoy na enjoy Kent? yung kakambal mo brokenhearted dahil sakin tapos eto ka ngayon full support samin ng dad mo. Ewan ko nalang talaga sayo.

"banat banat kapa baka gusto mo balatan kita ng buhay diyan. Tigilan mo yang trip mo Lucas, hindi mababago ng banat mo ang fact na ginawa niyo akong collateral! Kaya andito lang ako para pagbayaran ang utang ng magulang ko, hindi dahil nakatadhana ako sayo"

Mariin kong sabi sa kanya, akala ko ay maapektohan siya sa sinabi ko pero bigla na naman niyang pinalabas ang nakakamatay na ngiti na yan!

"Well then explain why you keep on blushing... "

Agad na namang uminit ang mukha ko, teka ano ba si Kent dito? Audience? Umiwas ako ng tingin at tinaasan ng kilay si Kent na nanunuksong ngumiti sakin, na parang bang sinasabing kinikilig ako.

"Isa kapa Kent! ano bang kailangan mo't nandito kapa?" Bulyaw ko din sa kanya na mas lalong ikinalapad ng ngiti niya. 

"Uuuyy si Althea gustong solohin si dad"

I gasp in frusttration, bakit ba nila ako ginaganito! Alam ko sa oras na ito ang laki na ng ngiti ng Lucas na yon! Ayoko lang siyang tingnan dahil baka mamumula na naman ako pero hindi nga ako nagkamali! Namumula ako ngayon sa galit!

Married To His Father (REVISING ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon