TOL 38

1.8K 55 30
                                    

KYLIE'S POV

Hindi na naman ako makatulog kayat naisipan kong bumaba..  Laking gulat ko ng gising pa si Sanya, mag isa siyang nakaupo sa sala. Ano't hindi pa to natutulog? Kagagaling niya lang sa chemo ah..

"Sanya? Bakit gising ka pa? Hindi ka ba makatulog?"

Tumingin lang siya sa akin at umiling...




"Kuha lang akong pagkain ha. Wait lang" pagpapaalam ko


Kita sa mukha niya na kagagaling lang niya sa iyak. Mamula mula pa yung mata niya...

Pagtapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso na ako sa kanya.




"Sanya? Bakit?" Tanong ko saka ako tumabi sa kanya.. Nararamdaman kong parang may kakaiba sa kanya ngayon..





"Wala to Ate Ky"





"Want some?" Alok ko. "Umiyak ka ba? Bakit anong nangyari?"





"Ate Ky, sorry.." hagulgol niya saka niya ako niyakap ng mahigpit




"Why baby? Bakit ka nag sosorry?"




"Ate Ky, hindi ko na ata kaya"




"Shh! Ano bang pinagsasasabi mo?"





"Nararamdaman kong bumibigay na yung katawan ko Ate Ky at hindi ko alam kung malalabanan ko pa to"



"Kaya mo yan okay? Wag kang mag alala, nandito lang kami lagi, never ka naming iiwan. Kaya pls lang Sanya, lumaban ka pa ha?"




"Mahal na mahal ko kayo Ate Ky"





"Mahal na mahal na mahal karin namin, kaya lumaban ka ha?"





"Pakisabi din kila Mommy at Daddy, pati narin kila Gab at Ate Glai na mahal na mahal ko sila"




"Shhh Ano ba! Wag ka ngang ganyan. Pinapaiyak mo ko eh"





"Ate pls.. tell them that I love them so much.. Mag ingat kayo palagi. Pakisabi nadin kay Joaquin na magmahal na siya ng iba dahil ayoko nang masaktan pa siya. Mahal na mahal ko kamo siya"

Yakap yakap niya parin ako hanggang ngayon. Wala na akong narinig pang sagot mula sa kanya kayat minabuti kong mag stay nalang muna sa yakap niya para mabawasan yung bigat ng nararamdaman niya

Halos ilang minuto na din ang nakalipas, siguro tulog na to..




"Sanya?"




"Sanya tara na akyat na tayo"





"Sanya?"





"Baby... tara na para makapagpahinga ka na ng maayos"

Pero wala paring sagot akong natanggap. Tinanggal ko na ang pag kakayakap ko sa kanya at tinignan siya ng mabuti...





"Sanya?!"




"Sanya?!?"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears of LoveWhere stories live. Discover now