TOL 19

1K 51 0
                                    

SANYA'S POV

Its already 5:45 na pero wala pa si Gab. Nandito ako ngayon sa sofa, nakahiga at nanunuod. Naiinip kasi ako sa kwarto eh kahit may tv din dun.

Medyo nahihilo pa ako pero medyo kaya kaya ko naman na. Medyo nag blured din yung mata ko.

"Sanya!! Why are you here?" Gab said sabay lapit sakin to check. Nakita ko rin na kasama niya sila Joaquin at Ruru

"Sorry Gab. Naiinip kasi ako sa kwarto eh."

"Sanya.. kumusta ka na? Okay na ba yang pakiramdam mo?" Joaquin asked.

"Medyo okay naman na. Nakapagpahinga naman na ako eh."

"Sanya.... sure ka ba? Eh mukhang matamlay ka pa oh."

"Dont worry Joaquin, okay na talaga ako."

"Eh Sanya.. ano ba kasi talaga nangyari?" Ruru asked me.

"Wala..."

"Anong wala.... Mawawalan ka ba ng malay kung walang nangyayari"

"Sanya.. pls... Tell me what really happened" pakiusap ni Gab. Ayoko naman sabihin pero alam kong may alam na sila. Umupo na ako then hinawakan ko kamay ni Gab.

"Sorry Gab.."

"Shh.. Bat ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang masama diba?"

I nodded, "pero sinekreto ko eh. Gab, alam kong alam mo na kung ano talaga nangyari, at sorry kasi di ko agad sinabi"

"Wala kang dapat ihingi ng tawad. Naiintindihan kita, alam kong ayaw mo sa mga gulo at ayaw mo lang akong madamay dyan."

"But Gab.. sinabi mo ba kila Ate to?"

"Nope.. I made a promise to you, right? Kaya kahit gusto kong sabihin, hindi ko ginawa"

"Thank you Gab" Then I hugged her.

"Alam niyo tama na nga yang drama niyong magkapatid. Naiiyak na kami dito oh." Ruru said habang kunwaring pinupunasan yung luha

"Tsk. Bro panira ka kamo"

"Eh Bro, drama eh. Di ako sanay" nabatukan naman siya ng wala sa oras ni Gab.

"Aray Gab!!! Nakakailan ka na ah!!"

"Bakit? Gaganti ka?"

"Hindi. Bakit may sinasabi ba ako?"

"Tsk. Joaquin ilayo mo nga yang pinsan mo!"

"Baka mamiss mo ko agad pag nilayo ako ni Joaquin ah"

"Kapal ng mukha mo Ezekiel!! Dyan ka na nga."

"Ate Gab!! San ka pupunta?"

"Kukuha lang ako ng maiinom natin"

"Samahan na kita Gab!!"

"Wag na Ezekiel!"

"Samahan kita!! Tara na!"

"Aaissht!!! Kainis!!!"

Nauna na si Ruru sa kusina, Kapal ng mukha noh? Dejk lang. Sanay na kasi dito yan kasi pumupunta siya dito pag gagawa sila ng homework ni Gab. Para silang asot pusa pero alam ko naman na may gusto sila sa isat isa eh.

Nandito ako ngayon kasama si Joaquin.. okay awkward!! 😂😂

"Anlaki pala talaga ng bahay niyo noh." Pagbasag niya sa katahimikan.

"Ah hehe hindi naman"

"Okay ka na ba talaga?"

"Yep. Okay na. Promise. Anlaki pala ng kaibahan mo sa pinsan mo noh."

"Ha? Hahaha pano mo naman nasabi?"

"Wala lang kasi siya malakas loob tsaka sobrang kulit at ingay. Tas ikaw naman kabaligtaran niya"

"Akala mo lang yun." He smiled at me.

"Alam mo ang weird mo kausap"

"Sa umpisa lang yan pero pag nakilala mo na talaga ako, para rin akong si Ruru kung mangulit."

"Bat kasi hindi mo pa ilabas yang kulit mo? Para may kasama na si Ruru mangulit, kawawa naman eh hahaha"

"Ahahahahha, bakit? Gusto mo ba?"

"Hmmm. Pwede naman."

"Ahahaha, alam mo nakakatuwa ka. Kaya andaming nagkakagusto sayo eh."

"Ha? Oh bakit naman napunta tayo dyan"

"Ah haha wala lang. Andami kasing nagkakagusto sayo dun sa classroom. Kahit nga pag naglalakad lang ako, naririnig ko pangalan mo pati narin yung ate mo."


"Sus!! Wag kang bolero Joaquin!"

"Uy! Di ako nagbibiro noh. Totoo yung mga yun. Maraming nagkakagusto sayo.... at isa na ako dun"

"Ha? Jusko Joaquin!!"

"Hahahahahahahaha joke lang yun. Ano ka ba!! Sabi mo kasi gusto mo ilabas ko na yung kulit ko diba!? Hahaha"

"Hays!! Oo na sige na. Sabi ko nga." At nagtawanan kami ni Joaquin


"Hoy hoy hoy!! Anong tawanan yan ha?" Gab said. May dala siyang chips at si Ruru naman sa drinks.

"Ah wala yun Gab"

"Bro!! Anyare?" Ruru sabay lapit kay Joaquin

"Wala bro."


"Magtatawanan ba kayo ng wala lang!?" Sabay nilang sabi.




"Basta!!"

-----------

Nandito na ako sa kwarto at kanina pa hindi makatulog. Kasi naman natulog ako ng mahigit walong oras eh. Umuwi na rin sila Ruru at Joaquin pagtapos maghapunan dito.

At dahil hindi nga ako makatulog, pupuntahan ko nalang si Gab..

*Knock* *Knock*

Paghawak ko ng doorknob, bukas pa ito kaya pumasok nalang ako sa kwarto. Natutulog na pala siya, nakalimutan lang sigurong ilock.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Gab..."

"Salamat...."

Then I kissed her forehead. Alam ko lahat ng nangyari, Alam ko kung paano siya nagalala sa akin, kung paano siya nagpanic, alam ko rin na pinagsabihan niya sila Thea.. at sobra akong nagpapasalamat doon.

Hindi siya yung tipo ng tao na mangaaway. Pero nagawa niya yung pagsalitaan sila Thea para lang sakin. Kinwento sakin ni Mikee na nakita niya si Gab na kausap sila Thea at vinideohan nya yun.

"Gab... Salamat Ate.."


"I Love You...."





••••••••••••••••••

Hindi ko alam kung okay ba tong chap na to kasi sobrang wala ako sa katinuan nung ginawa ko to 😂😂😂 nung binasa ko ulit natawa nalang ako 😂😂. Natatamad narin akong baguhin kaya pagtyagaan nalang 😂😂😂

-Francine2002_-

Tears of LoveWhere stories live. Discover now