Chapter 8- The History

5.8K 227 23
                                    

==================
Enjoy reading❤️
Chapter 8 - The History

==================

Mara's Point of View

"Good Morning, Sysy!" masiglang bati sa'kin ni Shine. Nakahain na sa lamesa ang almusal namin na s'ya uli ang nagluto.

"Yea," tanging tugon ko saka umupo sa harapan n'ya. Wala sa sariling napahikab ako dahil antok na antok pa talaga ako. Siguro napagod din ang katawan ko sa nangyari kahapon.

"Sassy, gusto mo bang samahan kita papunta sa bago mong room?" tanong ni Shine. Tipid lang akong umiling at nagpatuloy sa pagkain.

"U-uhm.. O'sige.." bulong n'ya pero agad din namang nagsalita ulit. "Galit ka ba sa'kin, Sassy?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya kaya napaangat ako ng tingin.
"Bat naman ako magagalit sa'yo?"

"K-kasi hindi ka nag sasalita tapos hindi mo pa ako tinitignan.. Baka lang galit ka sa'kin.." binaba niya ang hawak na mga kubyertos at yumuko. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"Kailan ba 'ko naging madaldal?" bored kong saad. Mukha naman itong nakahinga ng maluwag dahil sa sagot ko at bumalik na lang sa pagkain.

⚫⚫⚫

"Good morning Sassy," bati ni Terrence na napagalaman kong kababata pala ni Shine.

No wonder they're that close.

Sinundo ng Prinsepe itong si Shine at nagantay sa labas ng girl's dorm since hindi naman pwedeng pumasok ang mga lalaki dito, same goes with us sa dorm nila.

Tanging tango lang ang isinagot ko at nakalayo na ako sa kanila nang marinig kong sumigaw si Shine.

"Magiingat ka, Sassy! Sabay tayong mag lalunch ha!"

Hindi na 'ko nag abala pang sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marami-rami ding estudyante ang nagkalat sa hallway. Tahimik lang akong naglalakad nang may bumato sa'kin isang crumpled paper sa ulo.

"Hi Ms. Loser!" ngising saad n'ya na sinundan ng matinis na pagtawa. Hindi ko s'ya sinagot at tinignan lang.

"Oh asan na 'yung matabil mong dila? Nalunok mo na ba? Ikaw kasi e, puro ka yabang! Ayan tuloy, lumabas ang katotohanang mahina ka. " she mockingly smiled at me but I still didn't bother to answer.

Eksaherada itong bumuntong hininga at madramang humawak sa dibdib.
"Sassy, Pasensya ka na ha? Wala e, malakas kasi talaga ako. Malas mo kasi ako pa ang nabunot mong kalaban. Nalampaso tuloy kita. "

Simple kong pinasadahan ng tingin ang buo nitong katawan.

Naka band-aid ang pumutok nitong kilay, may sugat din s'ya sa gilid ng labi, may mga gasgas sa binti at mga pasa sa braso. I smirked. Ako pa ang nilampaso sa'ting dalawa, ha?

Hindi ko s'ya pinansin at nilagpasan na lang pero narinig ko pa rin ang mga pang aasar nila at nakakairitang mga tawa. I mentally rolled my eyes. I just wasted my 5 minutes listening to her nonsense.

 ̄︿ ̄

Ilang sgalit pa ay nakarating rin ako sa aking deatinasyon. Akmang kakatok na ako sa pinto nang may mag salita sa'king likod.

"Excuse me?" agad akong napalingon sa kan'ya at bahagya niya naman akong nginitian.
"I'm Camille Martin, Class F-10's adviser. And you are?"

"Sassy Stervale. Dito ako nalipat as a result of my battle yesterday." malamig kong sagot. Tumango naman ito at inaya akong pumasok. Siya na din ang nag bukas ng pintuan habang nakasunod lang ako sa likod niya.

The Long Lost Cold Hearted Princess Of MILYARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon