Chapter 16

230 30 6
                                    

Nakaupo sa kandungan ni Claire si Alsen at sinusubuan ito samantalang si Armani nasa upuan lang, marunong na pala itong kumain mag-isa gamit ang kutsara pero ang dami namang nagkakalat na kanin. Mash squash ang pinapakain niya na may minash ding monggo. 

"Papa" tinuro ni Armani ang kanin tumayo ako at dinagdagan pa ang kanin niya.

"Daming nasasayang na kanin bro!" si Brix

"Iipunin ko lahat yan ipapakain ko sayo" I smirked

"Ga-- hayss sarap sapakin!" aniya ni Brix ng di matuloy sabihin ang salitang gago.

"Wag kang magtaka kung bakit mas malaki si Armani. Rice eater siya kumpara kay Alsen kaya nga minsan sinasadya kong oatmeal nalang silang dalawa sa gabi"

"Normal pa ba ang timbang nila?" Tanong ko

Natawa si Claire at ngumisi.

"Oo naman. I check it every month. Appropriate pa din naman sa tangkad nila." Sagot niya.

"I actually told my parents this morning about the twins. They are excited to meet them." Tumingin ako kay Claire at ngumiti lang siya sa akin. "Kung ayos lang sayo pwede bang umuwi na tayo ng manila next week?" Dagdag ko pa.

***

Gustong gusto ko ng tawagan si Kamala pero ayokong andito ako. I have no privacy pakiramdam ko may cctv dito sa loob na binabantayan ako. I've been composing myself and controlling for 170 hours already. Gusto ko ng sumigaw sa halo-halong emosyon kong nararamdaman. Things went so fast. Para lang panaginip na kung pwede lang magising na ako dahil para na akong mababaliw na andito siya sa harap ko.

Tinatagan ko muli ang sarili ko at pinuntahan sina Christian sa sala. Ayun pinaglalaruan na naman ang buhok niya ng kambal. Ba't ba to nagpahaba ng buhok?

"Ahm. Pwede ba akong umuwi?" Tawag ko sa atensyon niya itong si Brix naman sumulyap agad kay Christian.

Umiling siya.

"Ehh. Gusto kong magluto ng spaghetti. Meron kasi akong sangkap sa bahay." Apila ko.

"Magpapabili tayo kay Penz.."

"Ha? Christian naman ang lapit lapit lang ng bahay. Babalik naman ako agad. Tsaka gusto ko ding ipaalam kay manang na pwede siyang bumisita sa pamilya niya dahil wala naman kami roon" saad ko.

"Sasamahan kita.."

"Ha? Wag na! Sino maiiwan sa mga bata"

"Ako" sabat agad ni Brix.

Lintek nagtutulungan talaga tong dalawa na 'to.

"Si Penz nalang! Promise babalik ako agad" tinaas ko pa ang kamay ko.

"Sige na nga bro. Payagan mo na yang asawa mo baka lalong hindi yan bumalik sayo dahil sa kahigpitan mo." nakangising sabi ni Brix

Tumingin sa akin ang mga bata. Bumaba si Alsen at lumapit sa akin.

"Why baby?"

"Mama, oink" aniya ibig sabihin ata niya yung regalong piglet toy ni Turo

Kinarga ko si Alsen.

Every I love you hurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon