"NUNG BATA PA TAYO"
Nung bata pa tayo
Hindi pa natin naiintindihan ang mundo,
Hindi pa natin alam ang ating gusto
Basta sapat na yung merong ikaw at ako.
Nung bata pa tayo
Tumitingin lang tayo sa mga bagay na masaya tayo
Pinipili natin kung saan mas nadadalian tayo
Kahit hindi natin alam kung tama ba o mali ito.
Nung bata pa tayo
Madali lang maniwala sa salita
Hindi tayo takot na tayo ay mawala
Dahil hindi pa natin alam ang salitang nasirang tiwala
Pero habang lumalaki tayo
Unti unti na rin tayong natuto
Na may mga bagay na hindi maiiwasang mawala
Kahit ayaw natin na tayo ay masira.
Dahil sa pag lawak ng ating pag-iisip
Kasabay na rin ng ating paligid
Tila mundo natin ay nag-iba
At ang puso ay tuluyang nagsara
Natuto tayo na magkanya-kanya
Bakas sa puso ang ating ala- ala
Na mahirap isipin pero tinanggap natin
Na may iba pa bukod sa atin
Ibang mundo bukad sa ating binuo
Kaya ang atin ay tuluyang naglaho
Nawala at nagbago
Kasabay ng pagbabago ng laman ng ating mga puso
Ngayun aking inaalala
Saan ba tayo nagsimula
Pano ba tayo nagtapos
Bakit parang tayo ay kinapos
Bakit hindi tayo umabot sa dulo
Kung maganda naman ang bawat yugto ng ating kwento
Sapat na ba ang napagod lang tayo
Para tuluyan nating iwan ang binuong mundo
Hindi na ba talaga tayo kakapit
Dahil nakaramdam tayo ng sakit.
Masakit mang isipin
Pero paulit-ulit kong aalalahanin
Na merong tayo sa mundo natin
Hanggang ito ay iyong silipin
Pag muli mong maalala
Ang nakaraan nating kay saya
Makikita mo kong nakaupo at naghihintay
Na walang bakas ng panahon na ikay nawalay.
My One and Only
Parokya ni Edgar
BSHRM
YOU ARE READING
My Confessions
Short StoryThis book is where I'm gonna put all my confessions about my Life. You will find some of them posted on facebook at TUP Confession, University of Manila Secret files, GIST Secret Confession etc. Hope you like it as I put my stories partly and random...
