Hyperville

5 1 0
                                    

Ian's POV

"Hey! Saan ka mag-aaral ng grade 9?" Tanong sa akin ni Jobert.

Ako si Ian, isa akong 9th grade student. Hindi ko nga alam kung saan ako mag-aaral ng 3rd year.

"Hoy! Ano ka ba naman?! June na, tapos hindi mo pa alam kung saan ka papasok?!" Tanong niya.

"Ahh... Ehh... Itanong mo kay mama." Sagot ko.

"Hay nako! Basta doon nalang ako sa Hyperville Academy."

Hyperville? Parang pamilyar yung pangalan na 'yon. Parang pangalan siya ng taong kilala ko.

"Maganda ba doon?" Tanong ko.

"Ano?! Anong tanong 'yon?! Hindi mo ba kilala si Hyperville?! Siya ang pinaka-mayaman sa buong mundo!"

Nagulat ako ng sumingit sa usapan namin si Jhon-Jhon.

"Uy Jhon! Doon ka din ba?" Tanong ni Jobert.

"Syempre! Eh ikaw, saan ka?" Tanong ni Jhon-Jhon sa akin.

"Wala pa eh..." Tugon ko.

"Ano?! Next week na yung pasukan?! Ano ka ba?!" Sagot niya.

Biglang nalang nagkatinginan ang dalawa.

"Eh kung doon ka nalang din." Sabi nila.

"Umm... Sabihin nyo nalang kay mama." Sagot ko.

Pumunta kami sa bahay, at nadatnan namin sila mama na nanonood ng TV.

"Sige na." Sabi ko sa kanila.

Sinabi nila lahat ng requirements sa school. Nalaman ko din na doon na kami matutulog at mag-iistay.

"Sige, bukas mag-eenrol tayo doon." Sabi ni mama.

Next Day

Naglalakad ako papunta sa tindahan. Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng patis.

"Wag kang mag-sasama ng iba. Dapat kayong tatlo lang."

Bigla nalang may nagsalitang lalaki. Malaki ang boses nito at medyo garalgal.

Lumigon-lingon ako sa paligid ngunit wala akong nakita kaya nagpatuloy nalang ako sa pag-lalakad.

"Huwag mo nang isama ang nanay mo."

Nagulat ako ng sumulpot siya mula sa aking likuran.

"Ginulat mo ako!" Sabi ko.

"Hindi ba't mag-eenrol ka sa Hyperville?" Tanong ng estranghero.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cursed SchoolWhere stories live. Discover now