Tinulak siya nito pero hindi siya nagpatibag. Naramdaman naman niyang pinigilan siya ni Micaela – na kanina pa pala nasa likod.

Ilang sandali pa ay dumating na si Karen at ang ibang officers. Mas lalong naging magulo dahil sa marami naring estudyante ang nakikisali.

“Nate, we’ll deal with this inside. Come on.” Napantig siya sa tono ng boses ni Karen. Tiningnan niya pa ang kamay nitong nakahaplos sa kanyang braso.

“Get your fvcking hands off me.” Kalmado niyang sabi kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang magwala.

Mabilis namang tinanggal ni Karen ang kamay nito. Sabay noon ay ang malakas na tawa ni Micaela.

Nang maipasok na ang lahat ng taong involve ay agad siyang umupo sa swiverl chair. Nasa tapat niya si Siobhan at Brent na pareho na ngayong may pasa. Sa gilid naman nila ay si Karen at ang dalawang officers. Tahimik namang umupo si Micaela sa kabilang sofa pero alam niyang nakikinig din ito.

“Naturingan kayong Seniors pero puro kayo isip bata.” Pagsisimula niya.

Kung may choice lang talaga siya ay gusto niyang i-suspend ang dalawa. Bukod sa may sala sila pareho ay mainit ang dugo niya sa mga ito.

“Di bale ng isip bata kaysa duwag!” Napantig ang tainga niya sa salitang binitawan ni Siobhan.

Mabilis niya itong kinwelyohan at sinuntok. Talagang hindi na siya nakapag pigil. Agad naman niyang naramdaman ang pagpipigil ng mga taong nasa loob. Hinawi niya ang kamay ni Karen at masama niya itong tiningnan. Yumuko naman agad si Karen.

Nilingon niya si Siobhan na ngayon ay nakatayo na malayo sa kanya. “Matagal na akong nagtitimpi sa’yo!” Sigaw niya habang tinuro ang lalaking sinuntok niya kanina.

“Alam kong may gusto ka kay Kareeza kaya nga ang lakas mong pumapel eh! Putang ina mo! Hindi mo ba kami lulubayan?!” Sigaw niya kay Siobhan. Susuntokin niya sana ulit ito pero pinigilan siya Karen. Marahas naman niyang binawi ang mga braso nito.

“Gago ka pala eh! Kung nilubayan ko siya, malamang na rape na siya ng hayop na ‘yan!” Tinuro ni Siobhan si Brent na agad nag-iwas ng tingin. Nagmura pa ito dahil sa hindi inaasahang pagsabi ni Siobhan.

Napaawang ang bibig ni Nate sa sinabi ni Siobhan.

“Rape?” Utal niyang sabi.

“Oo! Gago ka! Habang nagpapaka sarap ka sa babaeng yan, si Kareeza ay muntikan nang ma baboy ng walang hiyang iyan!” Malutong na mura ni Siobhan sabay turo kay Brent.

“PUTANG INA NIYONG DALAWA! PAREHO KAYONG MINAHAL PERO PAREHO DIN KAYONG GAGO!” Gigil na sabi ni Siobhan.

Manununtok na sana ito pero pinigilan siya ni Micaela. Agad naman itong kumalma at pumikit.

Bribing Mr. PresidentWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu