Nagulat si Nate sa sinabi ng dalaga. Malaki ang pagtataka nito dahil hindi man lang alam ni Micaela ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang kaibigan.

Umiling lang si Nate bilang tugon. Ayaw niya kasing pangunahan si Kareeza. Besides, this is just between the two of them. Pareho silang napabuntong hininga pagkatapos.

Ilang minuto din silang natahimik. Hindi din kasi alam ng binata kung ano ang kanyang sasabihin dahil sigurado magagalit ito pagka malaman talaga niyang sinaktan niya ang kanyang kaibigan.

Damn. Agad siyang napaiwas ng tingin kahit hindi naman dapat. Bigla kasing sumagi sa utak niya ang mukha ni Kareeza na puno ng luha.

Sa una, hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Nagtatampo din kasi siya sa dalaga dahil sa mga pictures na nakita niya na mismong galing kay Karen. Hindi niya alam ang gagawin noon pero para talaga siyang binuhusan ng napaka lamig na tubig. Pasimple siyang pumikit at nagkuyom ng kamao.

Kaya pala sira-sira ang damit ni Kareeza.

 

Hindi niya maiwasan ang magselos. Ang akala niya kasi ay may malaking galit si Kareeza doon sa ex niyang si Brent. Kaya nga labis siyang nagtaka kung bakit may ganoong pictures.

He was seriously in deep thought when a sudden commotion happened outside of his room. Mabilis siyang lumabas sa kanyang silid at nagulat dahil sa kanyang nadatnan. Biglang uminit ang ulo niya dahil andito pala ang dalawang lalaking nakikialam sa relasyon nila ni Kareeza.

“What the hell happened here?” Malamig niyang sabi.

Tumingin sa kanya si Siobhan na nakaigting ang panga. Agad niya itong tinaliman ng tingin. Kahit kailan talaga ay hindi niya gusto ang presensya ng lalaking ito. Minsan nga naiisip niyang wa’g munang maging presidente at makipag basag ulo nalang sa dalawang ‘to.

“Kick this mother fvcker out!” Matapang na pahayag ni Siobhan habang tinuturo si Brent na putok ang labi at may maitim na pasa sa pisngi.

Walang abog siyang tumalikod at pinapasok ang dalawa pero imbes na pakinggan siya ay nagsimula na namang magsuntokan ang dalawa. Uminit na naman ang ulo niya.

“Tumigil kayong dalawa kung ayaw niyong pareho ko kayong i-suspend!”

 

Hindi na talaga siya nakapag pigil. Sa dinami dami ng frustrations niya ay minsan gusto nalang niyang sumigaw nang sumigaw.

Agad namang natigil ang dalawa pero maangas siyang tiningnan ulit ni Siobhan. Nakipag sukatan naman siya ng tingin doon sa binata.

“Don’t give me that look.” He sternly said pero parang walang narinig si Siobhan.

Nagulat siya ng matalim siya nitong tiningnan.

“Wala ka talagang pakialam noh? Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Kareeza sa’yo. You’re nothing but an ass!” Sigaw ni Siobhan sa kanya.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now