Chapter 36 (kung ako ba siya?)

50 1 2
                                    

Arien's POV

"Sila na ba?!!" Napalingon ako kay Candice na ikinagulat ko.

"Ewan" matamlay kong sagot sa kaniya.

"Sabi na nga ba,magkakadevelopan din ang dalawang yan" sabi niya. Hindi na ako sumagot kasi parang nasasaktan na ako?

"Oopss sorry. Anjan ka pa pala na nagmamahal pa rin sa kaniya" dagdag pa niya

"Hayaan mo na" sagot ko at ininom ang orange juice. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal na ni Chase si Jade. Nagmamahalan na silang dalawa. Tinakpan ko ang mukha ko.  Haaay mr. Right sana dumating kana (╥_╥)

"Hi..."napa angat ang ulo ko nang marinig ang boses na yun. Akala ko si mr. Right na. Si mark lang pala.

"Oh mark. Buti dumating ka. Nag eemote na naman tong si Arien" sumbong sa kaniya ni Candice. Kahit kelan talaga sumbongera tong kaibigan ko --_____--

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Mark at hinaplos ang buhok ko.
"Tama na yang emote mo. Ito lollipop oh"

"Ngee. Hindi naman ako bata ah"takang tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya nang mahina at binuksan yung lollipop. Pagkatapos niya itong buksan ay inabot niya sakin..

Wala nalang akong nagawa kundi kunin yun at pinasok sa bibig.
"Wag kana malungkot. Nandito naman ako eh" sabi niya. May something tong lalakeng to sakin. Bakit may nararamdaman akong kabog sa dibdib? Kung hindi ko lang ito kaibigan siguro iba na ang iisipin ko.

"Mark" tawag ko sa kaniya

"Hmm?"

"Sino ba kasi yung lucky girl?" Nagpout ako sa harap niya habang may lollipop sa bibig.
Ngumisi lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute mo talagang babae ka!" Gigil na sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Napa awang ng konti ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Ang sakit nun ha.

"Secret po"dagdag pa niya at ngumisi ulit.

"Ang daya mo naman" sumimangot ako tuloy at humarap kay Candice na naka ngiting aso --___--

Magsasalita pa sana ulit si Mark nang napalingon kami kay ate girl.

"S--sorreography...ah...aiisshhh" sabi nito at mabilis na umalis ng canteen. Ano daw? Sorreography? Bago yun ah...

Minasdan naming tumakbo yung babae kanina hanggang sa narinig naming nag bell hudyat na bumalik na sa klase ang lahat.

Bumalik na kaming tatlo sa classroom namin then nagsimula na ang lesson.

Chase POV

Habang naglelecture si maam sa harapan ay panay ang titig ni Jade kay Ash na nakatingin kay Shantal. Nagngingitngit na nga sa galit eh.

"Kalma ka lang"bulong ko sa kaniya

"Ano na ba oras? Kating kati na ang kamay kong suntukin ang lalakeng yan" bulong niya na may halong galit. Napabuntong hininga nalang ako. Ang tapang ng mahal ko. Inalis ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa bintana. Ang boring ng lesson. History -_-
I wonder,ano kayang ginawa ni Jade dun sa tatlong babae kahapon? Nga pala,maayos na ang mga sugat namin noong nakipag away kami kay Tyler. Asan na kaya siya ngayon? Sana hindi na niya sasaktan pa ulit si Jade.

"Ms. Valderama? Do you have any questions?" Napalingon ako kay maam na binanggit ang apelyedo ni Jade. Naka tayo na si Jade ngayon. Di ko namalayan yun ah.

"May i excuse myself and Ash Guerrero?" Cold niyang tanong. Uh-oh hindi maganda to. Kumunot ang noo ni Ash na tumingin kay Jade.

"Pero hindi pa----"

"Wala akong pake alam kung hindi pa tapos ang subject mo. Excuse us" diin niya. Tahimik ang lahat habang nakatingin sa kaniya. Hinila ko ng marahan ang laylayan ng long sleeve niya

"Jade,wag mo ituloy yan" bulong ko sa kaniya
"Wag ka mag alala. Kakausapin kolang" sagot niya. Medyo napanatag ang loob ko dahil kakausapin niya lang daw. Pero malay mo,tigre kasi yan eh.

"Ah--s--sige" utal na sagot ng teacher namin. Kahit teacher takot sa kaniya. Grabe diba? Agad na naglakad palabas si Jade. Sumunod si Ash sa kaniya. Nang nakalabas silang dalawa ay lumingon sa akin si Shantal at nagkunot noo. I shook my head.

"S-so let's continue our lesson" patuloy ni maam at nagpatuloy siya sa pagle-lesson.
Ano na kayang nangyayare dun sa dalawa?

Jade's POV

"Ah s-sige" pagkasabi nun ni maam ay agad na lumabas ako ng classroom at sumunod sakin si Ash.

"Anong problema mo sakin?" Tanong niya. Hinila ko siya palayo sa classroom namin at marahas na tinulak sa pader. Napa awang ang bibig nito dahil sa ginawa ko.

"Wag na wag mong guguluhin si Shantal" banta ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sakin.

"Sila na ba ni Klyde?" Napatigil ako at nag-isip. Somehow may point naman siya

"Hindi. Pero mahal niya si Klyde. Mahal ni Klyde si Shantal kaya wag ka nang makisawsaw okay?"

"Ewan ko" mas lalong lumapad ang ngisi nya sa mga labi niya.

"Hindi pa naman sila eh kaya pwede pa" dagdag pa niya na nagpainit ng ulo ko.

"I want my friend to be with his love at si Klyde yun. Naiintindihan mo ba? Or baka hindi ka nakakaintindi ng english? Itagalog ko ha....Gusto ko si Klyde para kay Shantal at hindi ikaw,gets?" Tumaas ang kilay na tila hindi ko pa rin nakukunsinti

"Gusto ko si Shantal. And I will get what i want. Kaya tibo tigilan mo na ako" naalarma ang tenga ko sa sinabi niya.

Mark's POV

Pagkatapos ng klase namin ay tumungo kami sa music room. Pinatawag kasi kami ng president ng music club namin. Nagkaroon lang naman kami ng mahalagang meeting pagkatapos ay umupo ako sa isang sulok para maggitara muna kasama si Arien. Oo kaming dalawa.

"Ano nanaman ang iniisip mo?" Tanong ko sa kaniya habang tinotono ang gitara ko.

"Wala" matamlay niyang sagot

"Don't deny it. Halata pa rin sayo na may iniisip ka"sabi ko sa kaniya.

"Kelangan ko na ba ng time machine?" Wala sa sariling tanong niya

"Antayin mo sa susunod na generation kung kelan high-tech na ang lahat"biro ko sa kaniya.

"*sigh* why am I so damn stupid?"

"Wag ganyan. Nasasaktan ako pag sinasabi mo yan"i said jokingly. Pero sa kaloob looban ko,seryoso ako. Some jokes are half meant.

"Baka sinadya talaga yun ng tadhana dahil may dahilan"malalim kong sabi sa kaniya

"What do you mean?"

"Baka may paraan siya" tumango tango lang siya. Nang matapos kong itono ang gitara ko ay nagstrum na ako.

"Matagal ko ng tinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo ng umiibig sayo
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin"

"Kung ako ba siya,mapapansin mo
Kung ako ba siya,mamahalin mo
Ano bang mayron siya na wala ako
Kung ako ba siya,iibigin mo"

I'm singing this kind of song in front of her. Talagang tagos hanggang buto ang kantang to sakin. Sana mapansin mo ako. Na hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo. I'm so damn inlove with you Arien. How long can i hide this feeling?

*******
Author's note:

Hi guys. Please support my story and also vote. Kung ayaw niyo po ng story ko wag niyo ng basahin. Sa mga nagbabasa ng story ko,thank you ng marami.




My Girl Crush is a GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang