#32: Dysmenorrhea

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin naman ako sa grupong bagong pasok sa cafeteria. Shit, hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko sa nakikita ko. I saw him flirting with others, AGAIN. Hindi ko alam pero bigla akong nainis. Peste, akala ko ba gusto niyang mahulog ako sa kanya? Yung napakalalim at hinding hindi na raw ako makarecover. Eh diba dapat tinutuon niya ang atensyon niya sa akin? Kapal niya. Tsk.

“Oh? Matagal ko ng hindi nakikita si Tyler na may babaeng kasama ah? Bakit ngayon bumalik ulit siya sa dating gawi?” tanong ni Char.

Napalingon naman si Pierce sa Black Horizon at nagkibit balikat.

“Ewan ko. Simula nung bumalik sila ng camp eh nagkaganyan na yan. Ni si Nathan walang alam kung bakit siya nagkakaganyan.” Aniya.

Napatingin naman sina Jade sa akin at parang tinatanong sa akin kung anong nangyari sa camp.

“Hey, don’t look at me. Mas lalong wala akong alam.” Sabi ko at nagkibit balikat.

Nilantakan ko nalang yung kinakain ko. Ano gusto nilang marinig sa akin? Na ako ang may dahilan kung bakit nagkaganyan siya? Na hindi ko tinanggap ang feelings niya? Ganun? Well hell no, ayaw kong sabihin na ako dahil hindi naman ako sigurado na ako. Siguro nagkakaganyan siya dahil alam niyang wala siyang pag-asang paglaruan ako kaya sa iba na lang? Tss.

Shit. Nakaramdman ako ng sakit sa puson ko. Ugh, not now.

“Rien, you okay?” pagaalala ni Jade sa akin.

Napakagat labi naman ako. Shit, ang sakit lang ng puson ko. May dysmenorrhea nanaman ata ako eh. Argh, bakit ngayon pa. Shet, ang sakit sakit.

“Uhm, y-yeah. Sige, alis muna ako.” sabi ko.

Tumango naman sila. Tumayo na ako at dali daling lumabas ng cafteria. Napahawak naman ako sa isang dingding at napahawak sa puson ko. Shet, ang sakit talaga. Napalunok naman ako, parang ngayon lang to naging ganito ka sakit. Waaah.

Hahakbang na sana ako may biglang humigit sa kamay ko at agad akong binuhat na parang bago kaming kasal. Nanlaki naman ang aking mga mata at agad napatingin sa kung sinong bumuhat sa akin. Agad ko namang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumingin naman siya sa akin na may galit na eksperyon. Shet, mas lalo akong nalulusaw sa ginawa niya.

“What the hell are you doing huh?” sabi ko at pinilit na kumalawa sa pagbuhat niya.

“Shit, wag ka ngang magulo at baka mahulog ka.” Sabi niya at patuloy pa rin sa paglalakad.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad na binatukan.

“Fuck, what the hell?”

“I said, put me do-----aray....” sabi ko at napahawak sa puson ko.

Nagpanic naman siya at mas binilisan ang paglakad. Narinig ko namana ng mga malulutong niyang mga mura. What’s up with him?

“Shit, ano bang masakit sa iyo? Don’t worry, malapit na tayo sa clinic.” Aniya.

Clinic? Napataas naman ang kilay ko. Binuhat niya ako para dalhin doon? Ang sweet naman. Hehe. Feeling ko namula na parang kamatis ang buo kong mukha. Naalala ko pa yung nangyari sa kanila Jade at Pierce kanina. Are we in a love-hate realtionship? Na kahit gusto naming saktan ang isa’t isa ay may pakialam pa rin at nagaalala pa rin kami sa isa’t isa.

Nang makarating kami sa clinic ay agad niya akong binaba sa kama at tinawag ang nurse.

“Anong nangyari sa kanya, Mr. Montereal?” tanong ng Nurse.

Napasuklay naman si Tyler ng buhok gamit ang kanyang kamay. At parang hindi mapakali. Wait, is he frustrated? Wow. Ngayon ko lang nakitang ganito ka concern si Tyler sa akin ha. At sa ginagawa niyang yan, I think I really can’t recover from falling for him.

“I-I don’t know. Shit, just do every----“

“Dysmenorrhea, nurse.” Sabi ko habang hawak hawak pa rin ang puson ko.

Tumango naman ang nurse. Napatingin naman siya kay Tyler na hanggang ngayon ay nagpapanic pa rin, napangiti siya.

“Dysmenorrhea lang pala eh, nako Mr. Montereal no need to worry. Pain reliever lang ang kailangan ni Ms. Saavedra so no need to panic. Mawawala lang din yan.” Sabi ng Nurse.

Napatingin naman si Tyler kay Miss Nurse at sinamaan siya ng tingin.

“Dysmenorrhea? Malala ba yan? Damn, anong sakit ba yan!” sigw niya.

Tulala naman ako sa nakikita ko ngayon. Tyler really looks like a worried boyfriend. Shet, may kung anong mga kulisap nanaman ang nagdiwang sa tiyan ko. Parang ang sarap sa pakiramdam na worried siya sa akin.

“Relax ka lang, Mr. Montereal. Normal naman ang dysmenorrhea sa mga babae pagmeron sila.” Sabi ng Nurse at may kinuha sa kabinet. “Here, ipainom mo to sa kanya. Pain reliever yan para mawala ang sakit.”

Tinanggap niya naman ito. Nilapitan niya naman ako at inalalayang umupo. Kinuha niya ang tubig sa side table at binigay sa akin ang gamot. Kinuha ko naman ito at ininom. Pinainom ako ni Tyler ng tubig bago inalalayan ulit na humiga.

“Thanks.” Sabi ko at umiwas ng tingin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Waaah, stop it heart! Bakit ba ganyan ka na lang tumibok pag andyan siya? Eh hindi naman yan ganyan nung mga nakaraang araw ha? Will you stop it, heart?

“Still painful?” tanong niya.

Umiling naman ako. Tumango naman siya at parang nakahinga ng malalim.

“Uhhmmm, pwede ka ng umalis.” Cold kong sabi.

He suddenly smirked at biglang humalukipkip.

“Bakit mo ba ako tinataboy?” pannuya niyang tanong.

Ngumuso naman ako sa kanya. Ano nanaman bang pakana ng isang to?

“I’m okay, so you may go now.” Sabi ko.

“I won’t go anywhere, Adrienne. I told you, I’ll make you fall for me.” Anya at biglang kumindat.

Napabuntong  hininga naman ako.

Kung alam mo lang Tyler Lawrence Montereal. Kung alam mo lang.

~*~

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon