Nang matapos ay nag palit ako ng damit pambahay bago tuluyang bumaba sa kusina

Pakiramdam ko ay para akong patay na may buhay. Tamad na tamad akong kumilos.

Pag dating ko sa baba ay nakita ko pa si Kurt sa Sala. Ang tanga ko rin, bakit hindi ko ba naisip na si Kurt at si Ash ay iisa? Nakalimutan ko ata na ang pangalan ng lalaking pinakasalan at kasama ko sa loob ng isang bahay ay Kurt Tristan ASHton Lee.

Hindi ko na lamang ito pinansin dahil alam ko naman na hindi niya rin ako papansinin kahit anong gawin ko. Sanayan lang siguro. Note: kung ayaw mong masaktan unahan mo na. Expectations may give u more damage.


Sa kusina naman ay nandoon si manang ngunit sigurado akong nakikiramdam lang rin ito. "Kung itatanong nyo po kung okey lang ako. Okay lang po ako " ngumiti pa ako ng bahagya bago umupo sa mesa para ma assure itong okey lang talaga ako



Binigyan ako ng pag kain ni manang at gatas, ayoko mang kumain, ayoko rin namang mag alala sakin si manang. Oo si manang. Asa naman akong mag alala sakin yung Kurt na yun!

Nang matapos ko ang pag kain ay ako na rin ang nag hugas ng pinag kainan ko ng matapos ko din ito ay bumalik na ako agad sa kwarto ko


Para bang wala akong alam na ibang gawin. Humiga muli ako sa kama at nag simulang mag mukmuk, umiyak.



Gano ba kadami ang luha ng tao? Bakit ba hindi maubos ubos itong akin. Nakakapagod kayang umiyak!


Maya maya pa ay bigla nanamang tumunog ang cellphone kong nasa side table lang. Nang tignan ko ito ay tadtad na missed call ang nakita ko mula kay Z at Vell. Buti pa sila.

Hindi ko naman masisisi si Vell sa dami ng missed call nito dahil para ko na rin siyang kapatid kaya alam kong sobra siyang nag aalala para sa akin.

Pinatay ko ang aking cellphone para wala ng maingay at isinubsob ang aking mukha sa aking basang basa na na unan. Lagot ako nito kay manang.

Maya maya pa ay tila kusa ng napagod ang aking mga luha sa pag patak kaya tumigil na ito. Mabuti naman

Humarap ako sa kisame at nakipag titigan lang dito. Ano ba ang dapat kong gawin?

Tumayo na ko sa kama at nag lakad palabas ng pinto. Maliban sa kanya isa lang ang nag papagaan ng pakiramdam ko

Dumaretso ako ng lakad papunta sa kabilang kwarto. Bukas ito pero hindi ko iyon alintana

Nagpatuloy ako sa pagpasok at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng piano, hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait ng marinig kong tinutugtug niya ang paborito kong kanta

"And I miss you, and I need you" tumigil ito ng marinig akong kumata. Sinabayan ko kasi ang tugtog nito kahit garalgal ang aking boses

Tinignan ako nito na tila ba tinatanong kung anong ginagawa ko dito "Pwede ba kong makiupo?" Tukoy ko sa tabi niya

Umusog lang ito at tumango bilang sinyales na payag ito

Naging tahimik lang kami habang nakaupo. Tila ba nakikiramdam pa sa isa't isa

"Sam/Kurt" sabay na sabi naming dalawa

"Ikaw muna" sabi ko dahil tila ba tulala lang ito

"No. You first" ayoko namang makipag talo pa kaya dahil lang kung sino ang unang magsasalita. nag salita na kong muli

"bakit hindi mo sinabi?" Nararamdaman ko nanaman ang aking mga luha sa gilid ng aking mga mata. Akala ko ba ubos kana!?

Akala ko ba pagod kana? Nakakainis naman e. Pinipigilan ko ang pag tulo ng aking mga luha dahil ayokong makita niya kong umiiyak

"May magbabago ba?" Parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari "meron, madami Kurt. Madami." Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pag patak ng aking luha kaya naman tumayo na ako

Lalabas na sana ako ng muli nanamang mag salita si Kurt "Sam" limingon ako dito at hinayaang makita nito ang basang basa kong mukha dahil sa pag iyak


"Hindi ako si Sam, Kurt. Ako si Alie. Asan na ang pangako mong hindi ako iiwan? Kailangan ko yun ngayon." sabi ko dito at tumayo na. Bago tuluyang umalis ay dinugtungan ko pa ito.

"..... Don't make promises you don't intend to keep." tuluyan na kong lumabas at iniwan ito



Hindi ko maiwasang isipin, na baka pinakasalan lang din ako nito dahil sa isang pangako. Limot na pangako.


------

Edited 💓

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now